Misaki "Saan na ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad eh!" Nagrereklamo kong sabi sa kaniya pero imbis na sumagot siya ay huminto kami sa isang restaurant at saka dire-diretsong pumasok. Mabuti na lamang at nakahawak pa rin ako sa kaniya kaya hindi ako naiiwan. Jusko wala man lamang pasabi na 'tara kumain muna tayo' huhuhuhuhu! "Um-order ka ng gusto mo wala akong pake at ako ang magbabayad!" sabi niya nang makaupo kami at talagang hindi niya ako iginiya maupo dahil siya pa ang nauna huhuhuhuhu! Nakatingin lang siya sa Menu at tinititigan ko lang din siya, mayamaya pa ay tumawag na siya ng isang Waiter. "Plain rice, BBQ beef, chicken grilled with butter, vegetable salad and cranberry juice" sabi niya sa Waiter na inililista ang mga order niya. Kinuha naman niya ang cellphone