Trevor "Misaki, birthday ko bukas pumunta ka, ipapakilala kita kay Dad at sa mga kaibigan ko" sabi ko sa kaniya nang magkita kami sa garden. "Talaga? Birthday mo na bukas?" Masayang tanong niya kaya napatango ako. "Sunduin kita bukas sa inyo before lunch, mauna na ako at baka may makakita pa sa atin" paalam ko sa kaniya at umalis na. Pabalik na sana ako sa parking lot nang biglang may humila sa akin at nakita ko naman si Lerry. "Bakit mo ba ito ginagawa?" Pagtatanong niya sa akin at bakas sa kaniya ang galit habang binibitiwan ang mga salita. Napakunot naman ako ng noo sa kaniya dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. "Pinagbigyan ko kayong dalawa ng batang iyon pero hindi ko na palalagpasin pa ang ginagawa niyo ngayon!" Sabi na naman niya at napapalakas na ang boses niya kaya hinil