Miyuki Mag-isa lang ako sa kuwarto ko ngayon habang nakatulala. Wala pa kasi si Misaki dahil nasa Japan pa ito. Sana pala sumama na rin ako sa kaniya hays! Nakatihaya ako ng higa ngayon habang nakatulala sa kisame nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at sinilip ang makulimlim na kalangitan mula sa bintana ng kuwarto ko, habang walang tigil pa rin ang pagbuhos ng ulan. Pati ba naman kalangitan ay nakikisama sa puso kong nasasaktan. Napabuntonghininga ako at saka bumalik ulit sa pagkakahiga. Malapit na nga pala birthday ni Misaki ano kayang puwedeng iregalo sa kaniya? Bumangon akong muli sa pagkakahiga at saka lumapit sa cabinet ko para kuhain ang naipon kong pera. Nagbihis din ako ng damit pang-alis. Naka-Jacket at pants lang ako at saka rubber shoe