Kinabukasan, nag-prepare na ako para pumasok. Naligo at nagbihis, at saka bumaba na papunta sa dining area.
"Ohayouu gozaimasuuu minnaaa sannn!" malakas na bati ko sa kanila at nakita ko si Miyuki na humihigop ng kape.
"So, noisy!" sabi niya at saka pinaikot ang kaniyang nagbibilugang mga mata.
Dumila na lamang ako sa kaniya at naupo na sa upuan ko.
"Oh, kayong dalawa mag-agahan na, at baka kayo ay mahuli pa sa klase," pagsingit ni Manang at saka kami nagsimulang mag-agahan.
Si Kuya Philip ang naghahatid sa amin lagi sa school, kaya naman pagkatapos mag-agahan ay umalis na rin kami.
Habang nasa biyahe ay hindi na ako mapakali, dahil na-miss ko ang mga friends ko at first day of class namin ngayon.
Taas noo akong naglalakad sa loob ng Davinson University kung saan kami nag-aaral, habang si Miyuki naman ay bitbit ang tatlong nagkakapalang libro niya. Sa amin kasi ay siya ang pinakamatalino at ako ay matalino lang hehe! Humble dapat tayo kaya huwag hambog!
"Hindi ka pa rin pumapayat samantalang halos araw-araw mo nang bitbit ang mga 'yan!" pang-aasar ko sa kaniya, pero sinamaan niya lang ako ng tingin, at saka sinalubong ang mga kaibigan niyang mga bookworm din. Nagpaalam na ako sa kaniya, at dumiretso na sa park kung saan kami madalas magtagpo ng mga kaibigan ko.
"Shuta ka sa ganda! Ano'ng ipinangpaligo mo at ang ganda mo pa rin ha? Bakla ka?" pang-aasar ni Maggy sa akin nang makarating ako sa puwesto namin. Sa aming magkakaibigan siya lagi ang pinaka-maaga pumasok.
Siya si Mark Gio Ferrer, in short Maggy since bakla siya, so 'yun naging kaibigan ko siya. Half Filipino and half American. Ang Mama niya ang Filipino at ang Tatay naman niya ang American.
"Aga-aga bakla ang ingay ng bunganga mo," biglang sulpot naman ni Chris na tomboy naman, and yes kaibigan ko rin siya.
Christina Chen, in short Chris dahil tomboy siya, half Chinese at half Filipino, kaya ayan siya ang bunga.
"Magsitigil nga kayong dalawa baka magpalit kayo ng organs niyan, ah?" pang-aasar ko sa kanila.
"Ay, shuta ka! Bakla, okay lang ibigay niya sa akin ang matres huwag ko lang isuko ang bataan ko."
"Wow, ha? Ano ka? Kahit tomboy ako hindi ko isusuko sa 'yo ang matres ko manigas ka diyan hahahaha!"
"Hays manahimik nga kayo diyan baka magbago ang ihip ng hangin. Hmmmm alam na."
"Manahimik ka nga diyan, Misaki!" sabay nilang sabi at saka kami nagtawanan.
"Mukhang masaya kayo kahit wala ako, ah?" biglang sulpot naman ni Chinie mula sa likuran ko.
Siya naman si Chinie Lee, half Chinese and half Taiwanese. Kaibigan din namin siya.
"Oh, dumating na ang mas maganda pa sa 'yo Misaki. Hindi manlang nabahiran ng dugong Filipino haha!" sabi ni Maggy.
Tama sila mas lamang siya sa akin ng ilang suklay hehe! Ilang suklay lang naman sabi ng be humble, eh, not be hambog hahaha! Curl kasi ang buhok niya, at saka singkit ang kaniyang mga mata at sobrang puti rin niya, pero maliit siya, ngunit magaling siyang sumayaw. Nasa 5'2 ang height niya samantalang ako naman ay 5'5. Ako naman ay sobrang straight ng buhok ko. Sobrang itim na akala mo uling tapos maputi rin naman pero mas maputi siya at medyo singkit ang mga mata ko at parehas kaming matangos ang ilong. Mas malaki ng konti ang boobs ko sa kaniya at parehas may hubog ang aming mga katawan. Wala siyang cheekbone samantalang ang akin ay nananapak kapag ngumingiti hahaha! Pero mas mataba ang sa kapatid ko kaya mas cute siya sa akin hehe!
"Mga sira! Tara na at pumasok na tayo sa ating mga klase," sabi ni Chinie. Broken family siya kaya ang Mommy niya ang nag-aalaga sa kaniya dito sa Pilipinas.
At dahil magkakaibigan kami magkakaiba kami ng course. Accountancy ang akin samantalang Nurse naman ang kay Chinie. Sina Chris at Maggy lang ang nagkaparehong Architect dahil parehas silang magaling mag-drawing.
"Sige, magkita-kita na lang tayo mamayang lunch," sabi ko sa kanila na sinang-ayunan naman nila.
Nagsisimula na akong maglakad papunta sa building namin nang makasalubong ko si...,
"Harold!" agaw pansin ko sa kaniya.
"Hi!" maikling tugon niya, habang nakangiti.
Wahhhh! siya po ang aking Prinsipe hehehe! pero kaibigan ko siya, kaso hindi niya alam na may gusto ako sa kaniya, kasi silang dalawa palagi ni Chinie ang nali-link sa isa't isa huhuhu!
"Ahm, wala ka pa ba na klase?" tanong ko, about sa Doctor naman ang kinuha niyang kurso kaya parehas sila ni Chinie ng daan sa department nila kaya nag-a-assume ako na dinadaanan niya ako rito hehehe!
"Ahm, yeah! May kinuha lang ako na libro sa library." Napasimangot naman ako sa naisip ko. Ano assume pa, ah! Haha! Malapit kasi ang library sa amin.
"Okay, since nagkita na rin naman na tayo, eh, ihahatid na kita sa room mo," dugtong pa niya.
Omagas! Omagas! This can't be real! Huwag kang magpahalata na kinikilig, Misaki. Ngumiti ako sa kaniya nang pagkatamis-tamis bago sumagot.
"Ah, hehe! Nag-abala ka pa, salamat."
Nagpatuloy pa kami sa pagkukuwentuhan, habang naglalakad pero ewan ko ba ang dami naman nakakakita sa amin ni Harold pero wala manlang nagsasabing bagay kami dahil naniniwala talaga silang magkaibigan lang kami. Pero kapag sila ni Chinie ang magkasama halos mamutok na ang mga ugat sa lalamunan kakasabi na puwede na silang mamatay magkasama with matching yakapan at holding hands. Ang sama mo talaga, Misaki, hahaha!
"I guess see you na lang next time?" Nakangiting sabi niya nang huminto na kami sa tapat ng classroom ko. Napangiti na rin ako dahil may next time pa raw, oh. Hahaha!
"Oo naman! Sige mauna na ako." Ganiyan nga Misaki, pahinhin effect muna. Hahaha!
Nag-start ang klase namin at mabilis din naman itong natapos.
Ayon sa kasunduan namin ay nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko sa canteen at sa table kung saan madalas kami kumain.
"Mga sissss nagkita kami ni Harold kanina omagas!" sabi ko pagkakita ko pa lang sa kanilang tatlo, at saka naupo.
"Nice, and what happen next?" nakangiting tanong nila Chris at Maggy samantalang si Chinie naman ay nakangiti lang habang nakikinig.
"Guess what? Hinatid niya ako sa room ko, hihihi!" nakabungisngis na sabi ko na kaagad naman nilang ikinatawa.
"Jusko kang bakla ka! Manahimik ka nga at hindi naman ikaw ang prinsesa ni prince Harold," pang-aasar ni Maggy at saka tumingin kay Chinie na nakangiti lang.
Alam kasi nilang lahat na gusto ko si Harold pero sabi naman ni Chinie okay lang dahil hindi naman daw niya gusto ito.
"Ano ba kayo? Hindi naman totoo ang mga tsismis ng iba," sabi ni Chinie.
"Oo nga!" pagsang-ayon ko.
Nagtawanan at nagkuwentuhan pa kami habang kumakain.
Si Chinie ang pinaka-best-friend ko sa kanila, since magkaklase na kami noong second year high school pa lamang kami. Samantala, nasa grade 11 na namin naging kaibigan sila Maggy at Chris.
Mayamaya pa ay biglang may nagsalita mula sa likuran ko.
"Hi? Can I join?"
Dahan-dahan akong lumingon, at napangiti nang makita siya.
"Harold," banggit ko sa pangalan niya kaya nginitian niya rin ako at ganoon din ako sa kaniya. Natigil lamang ako dahil sa mga papansin na nasa paligid.
"Oh, my gosh! Best, ang sweet talaga ni Harold. Bagay na bagay sila ni Chinie."
"Oo nga!" pag-uusap ng mga tsismosa sa paligid namin. Pero parang wala lang sa kanila, samantalang ako ay hindi lang nagpapahalata dahil lihim akong nasasaktan.
Pinagitnaan namin si Harold ni Chinie. Nagpatuloy na kami sa pagkain pero halos silang dalawa na lang ang nag-usap about sa course nila na hindi namin maintindihan. Kaya wala ng nang-istorbo pa sa kanila sa aming tatlo. Pero minsan ay nagkakaroon kami ng chance mag biruan pero hindi palagi. Hays! Kung mag-usap parang walang kasama. Naiintindihan ko naman si Chinie at hindi ko siya tatablahin, dahil hindi naman sila naglalandian para sa akin, dahil nagbibigayan lang sila ng ideas about sa course nila and that is maturity.
Matapos ang lunch ay naghiwa-hiwalay na kami at bagsak ang mga balikat ko na tinungo ang building namin.
Juskong pag-ibig ito palaging bigo.