Kinabuksan, half day lang kami ngayon kaya maaga kami uuwi samantalang sila Miyuki naman ay may project na gagawin at ang aking mga kaibigan ay may kaniya-kaniyang lakad kaya heto ako ngayon naisipan kong maglakad dahil wala rin si kuya Philip at saka biglaan din kasi at isa pa may mga kasabay naman akong estudyante kaya hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano pa. Habang naglalakad ako ay nagulat ako nang makita ko si Megumi na lumiko sa isang kalsada kaya sinundan ko ito. Bakit siya nandito? Lumiko pa siya sa isa pang daan. Medyo may mga tao pa kaya hirap akong sundan siya. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa tapat ng isang coffee shop. Luminga-linga pa ako sa paligid at nakita ko si Megumi na may kausap na lalaki kaya pinuntahan ko ito. Nang makarating ako roon ay napahinto ako sa