Kabanata 1

2611 Words
Kabanata 1 Mavi "Ya! Miss!" Patuloy pa rin ako sa paglalakad ng mabilis dahil nararamdaman 'kong malapit na siya sa akin. Hinila niya ang suot kong jacket kaya napaharap ako sa kanya nang tuluyan. "Ano ba?!" angil ko sa kanya. He just laughed at me. He even crossed his arms and looked at me from head to toe. I felt conscious. I am only wearing a plain white V neck shirt and ripped jeans together with my hoodie and a pair of rubber shoes. Hindi pa rin ako nagpapalit ng damit mula sa byahe kanina. "It's good to see you again, miss uh... what's your name again?" he is still smirking at me. I didn't speak. No way in hell I am telling my name to him. One more thing, I didn't know him that much and we just met in the airplane earlier. "Okay... I get it. You don't want to tell me your name. But... let me guess one thing. From staring to my food a little while, you're starving. You haven't eat yet, right?" he asked. Umiling ako at umirap sa harapan niya. I don't want to admit that he is right. No way! Dalawang beses na akong napahiya sa harapan niya ngayong araw. "No, you're wro–" but before I finished my sentence, my stomach suddenly growled. Ay, bwisit! Walang konsiderasyon! Akala ko sa mga movie lang nangyayari ang mga ganitong scene. Hindi naman pala. "Yes, I'm right," he chuckled and dragged me towards the convenience store. "Hey! Don't touch me!" sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero mahigpit iyon. Hindi siya natinag at diretso lang ang lakad papasok sa tindahan. Hanggang sa pagpunta sa aisle ng mga paninda ay hawak niya pa rin ang braso ko. Kumuha siya ng isang cup noodles at muli itong naglakad at hinila ako. "What are you doing?" bulong ko sa kaniya nang bayaran niya ang cup noodles sa counter ng convenience store. The girl on the counter looked at me with curiosity in her eyes. She glanced at the hand of the guy that is holding my wrist. By instinct ay hinawi ko doon ang kamay ng lalaki. Nabitawan niya iyon dahil sa hindi inaasahang pagtanggal ko. Tumikhim ako at yumuko na lang. I stared at my foot. Narinig kong nagsalita ang babae sa counter. Hindi ko maintindihan kung ano yung sinabi niya. Nag angat ako ng tingin at kumunot ang noo ko. The guy beside me speaked and smiled at the girl. I don't really understand what they are saying. Tumingin muli ang babae sakin at tumango sa sinabi ng lalaki kanina. Inabot niya ang resibo at cup noodles sa lalaki at bahagyang nag bow. Tinulak ng lalaki ang balikat ko gamit ang index finger niya papunta sa inuupuan niya kanina. "What?!" "Go." he motioned the seat. Wala akong nagawa kundi umupo. Tumabi siya sa akin at nilapag sa harapang lamesa ang cup noodles na may hot water na. The girl on the counter already poured it in. I stared at him. Why are you doing it? Well, as all I know, we just met. We don't know each other, either. "Eat," he said. "I don't like to." turo ko sa cup na may nakalagay na Ramen. I'm testing his patience. "It's up to you if you like to starve to death," he smirked. Umirap ako at kinuha ang chopsticks. I guess I have no choice. He began to do his thing on his phone kaya kumain na lang ako. Nasulyapan kong kumunot ang noo niya. I can't deny that he is a good looking guy. Sa suot na plain black V neck shirt, faded jeans at itim na jacket ay mukha syang modelo na kalalabas lang sa isang sikat na Korean Magazine. Iyon pa rin ang suot niya kanina mula sa eroplano minus the headphone. "Stop staring," he said, not looking. I caughed. Shookt! Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. "Tubig!" hysterical na hiyaw kong pabulong. Hindi ko malakasan dahil sa bara sa lalamunan ko. Sinuyod ko ng tingin ang lamesa at nakita doon ang bottled water na bawas na. I have no choice kaya dinampot ko iyon. Nakahinga ko ng maluwag nang makainom. Ang sakit ng lalamunan ko! Hindi ko akalain na nasamid ako sa pagkamangha sa kanya. Kahit gaano pa siya ka good looking hindi ko pa rin maitatanggi na hindi buo ang tiwala ko sa kanya. Ang kaalamang pareho kami ng bansa na pinanggalingan kanina ang tanging nagpapalubag sa loob ko na magtiwala sa kanya ng kaunti. Atleast kung may gawin siyang masama sa akin ay makikilala ko ang mukha niya. May CCTV camera naman sa NAIA. Nakuhaan naman sya for sure. Ano ba itong iniisip ko! Too far from the reality. Kasi naman masyado siyang mabait sa akin kahit ilang beses niya na akong pinahiya. I'm thankful pa rin naman. "Tss. Indirect kiss." iling niya at inagaw ang bottled water mula sa kamay ko. "You believe on that crap? There's no indirect kiss at that. Laway lang ang nakuha ko dyan e." napangiwi ako nang binaggit ko ang laway niya. Kadiri. "You done? We better get going." tumayo na siya at ganon din ako. We? Okay. Tumingin ako sa labas ng convenience store. Mga lamp post at nakakasilaw na ilaw ng mangilan ngilan na sasakyan na dumaraan ang nandoon. It's a busy street. Ngunit mapayapa na parang sa Pilipinas lang din na may mga nagkalat na taong may trabaho na pang gabi o di kaya'y tambay lang sa kanto. I missed the Philippines that fast. I missed my real home. I missed Felisse and Tita Anabeth. Kailan kaya ako makakabalik? Makakabalik pa kaya ako? "A while ago, you are staring at me and then now, you are daydreaming. You're creeping me out, really." naglakad siya palabas sa convenience store. Nakatago ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pants. "Ang sama mo naman!" nanlaki ang mga mata ko at tinulak ko ang likod niya sa pagkabigla sa iniisip niya sa akin. Hindi manlang siya natinag at nilingon lang ako. I don't know if he understands what I've said. Korean nga pala siya. Hinintay niya akong makalapit sa tabi niya. We began to walk at hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ay sumama na lang ako. Tahimik ang lugar dahil lumalalim na din ang gabi. "Why are you outside of that store?" he began to talk. Natigilan ako ngunit naglakad na lang muli. Ano naman ang isasagot ko sa tanong niya? Na naglayas ako at tinakbuhan ang Mommy ko kasi nag away kami dahil sa kaniyang boyfriend. No way! "I'm lost," I sighed. I'm lost for different reasons. I'm lost of being a daughter to my Mother. I'm lost of how I will get back the relationship we had. I am totally lost of everything. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung paano pa ba ako magsisimula. Kaya nga ako umalis kanina, tinakbuhan ko ang lahat kahit na babalik pa rin ako ng hindi iyon naaayos. I'm lost. I'm unable to find the real way back. "Is that the reason of your tears? For being lost?" nakatingin lang siya ng diretso sa kalsada. Ang lugar ay hindi pa rin pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung ito ba iyong dinaanan ko kanina. I remember something. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng aking jacket. I scrolled and click the photo of the building apartment of my Mom. Pinakita ko iyon sa lalaking kasama ko. "This is where I'm going to live. Can you get me there?" tanong ko. Iniiwasan ang nauna niyang tanong. Nakita niya siguro ang pula sa mga mata ko bakas ng pag iyak. Naawa lang ito sa akin kaya pinakain ako ng noodles. Sabagay mukha naman talaga akong palaboy kanina sa labas ng tindahan na 'yon. "That's the exact place we were heading." "Talaga? How did you know where I live?" gulat kong tanong. Stalker ba 'to? Hindi yata coincidence na nagkita kami ulit! Ang creepy! "You are reported as a missing person in the near police station." Pinakita niya ang isang message sa cellphone niya. Nandoon ang picture ko at isang mensahe na nakasulat sa hangul. "Your Mom knows personally my Father, the Chief Officer. So, he gave me the permission to help your Mom. He ask me to roam around the place because they traced your phone in this area. And now, found 'ya." Mommy reported me as a missing person? Agad agad? Hindi ba niya inisip ang mga maabala niyang tao? Well, I know it's my fault. But she can call me through phone. Pwede naman diba?! "Kaya naman pala," bulong ko. Kaya pala pinakain niya ako sa convenience store na iyon ay dahil inutusan siya. All I know, he did that out of his kindness. I thought he cared, really. Hindi pala. Kaya naman pala. I hate him. Hindi ko namalayan na namatay kanina ang paniniwala kong kamuhian ang mga Koreano at ang bansang ito. Ngunit ang pagkamuhing iyon ay binuhay kong muli. No one cares. Remember that always. "What are you saying?" he asked. Umiling ako. "Nothing. I'm just... tired." I'm really tired. Tired of giving my trust... to anyone. Nang gabi ding iyon ay hinatid ako ng lalaki sa apartment building namin. I should start calling this 'ours' 'cause I don't know how long I will live here. Dapat ay masanay na ako. Tahimik kaming naglalakad. Ni isa ay walang nagsasalita. Napansin niya siguro na nawala ang mood kong makipag usap sa kanya. Nag aabang sa labas si Mommy. Agad siyang lumapit nang mamataan kami ng kasama ko sa harap ng apartment building. Niyakap niya ako. "Jari! Nag alala ako sa'yo. Saan ka ba galing, ha?" I heard her sobs. "Hindi ko rin alam kung saan 'yon." sagot ko na lang. Kumalas siya at lumagpas ang tingin sa aking likuran. Nandoon pa nga pala ang lalaki. "Hinatid niya ako dito. Inutusan daw ng Tatay niya." nagkibit balikat ako. Lumapit siya sa lalaki at kinausap ito. Paulit ulit itong nag bow sa harapan niyon. Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila dahil hindi naman ito English. "Akyat na ko, Ma. I'm sleepy." putol ko sa kanilang pag uusap. Lumingon silang dalawa sa akin. Nakatitig ang lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan hanggang ngayon. Tumango si Mommy at nagsalita. "Mag uusap tayo bukas, Jarien." pahabol pa ni Mommy nang maglakad ako patungo sa elevator. I'm too tired to even look at them again. Many things happened today. Hindi ko na alam kung araw araw na lang ba na ganito. I wish I can survive. Kinaumagahan ay nagising ako sa pagkatok ni Mommy sa pintuan ng aking kwarto. "Handa na ang pagkain. Bumangon ka na diyan." narinig kong sabi niya. I groaned. Bukod sa gabi  na akong nahiga sa aking kama ay hindi pa ako makatulog dahil sa dami ng aking iniisip. Napuyat ako dahil doon. "Opo!" Bumangon ako at agad na nagdesisyong magtungo sa kusina kung saan naroon sa tabi ang common bathroom. Hindi ito kalakihan kaya wala talagang banyo ang bawat kwarto. Pagpasok sa maliit na kusina ay nagulantang ako nang makita ang lalaki kagabi na nakaupo sa aming dining table. Nanlalaki ang mata ko na pinasadahan ng kamay ang aking mukha. May panis na laway pa yata ako at dumi sa mata. Tinakpan ko ng aking palad ang mukha ko habang patungo sa bathroom. Tahimik na nakatingin sa akin ang lalaki habang si Mommy ay naghahain sa hapag. Pagpasok palang sa bathroom ay napasandal na ako sa likod ng pintuan. Nahanap ko ang lababo at naghilamos ako doon. Sa salamin ay kita ang magulo kong buhok at medyo magang mga mata. "Mag ayos ka nga, Jari. Hindi maaring ganyan lagi ang itsura mo tuwing haharap ka sa bisita." si Mommy. Narinig ko ang halakhak ng lalaki sa kabilang bahagi ng pintuan. Ilang beses na ba akong napahiya sa kanya. Hindi ko na mabilang. Lumabas ako nang makuntento sa aking ayos. Sinuklay ng daliri ang aking buhok. Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. "Oh, ayos ka na? Umupo ka na at kakain na tayo." si Mommy. Naglalagay siya ng iba't ibang putahe sa pang apatan na lamesa. Hindi ako pamilyar sa mga iyon kaya hindi ko na lang pinansin. Naupo ako sa tabi ng lalaki gaya ng iminuwestra ni Mommy. Siya ay nasa aking harapan. Nag umpisa nang kumain si Mommy kaya ganoon din kami. Tahimik ang hapag. Tipid ang bawat pagsubo at pagnguya ko. Ngayon lang ako nakakain ng ganitong putahe kaya tinitimbang ko pa ang lasa. Ang lalaki sa tabi ko ay nakasuot ng itim na longsleeves shirt at ripped jeans. May itim na backpack sa katabi niyang upuan. Hindi naman siguro ito papasok sa school dahil dalawang linggo pa naman bago magpasukan dito sa Korea. Nasa hapag pa rin kaming tatlo nang matapos kumain. Tahimik lang kami doon nang biglang nagsalita si Mommy. "Pasalamat ka at itong binatang ito ang nakakita sa iyo kagabi. Anak ito ng Chief Police Officer sa kalapit na presinto." I nodded. Ayaw ko nang pagtalunan pa namin ni Mommy ang mga simpleng bagay. Kung maaring sumang ayon sa lahat ay gagawin ko. Nakakasawa na rin kasi. "Thank you," I looked at the guy beside me. Sincere ko iyong sinabi. Wala naman dapat problemahin sa pagpapasalamat dahil malaki talaga ang naitulong ng lalaking ito sa akin. "Don't worry, I'm willing to help you two anytime," he smiled and bow. "Salamat talaga hijo. Kung malalaman ito ng Mommy mo ay alam kong magiging proud siya sayo. Napaka matulungin mong bata." The guy smiled a bit and grab his backpack from the chair. "I should go now. Thank you for the breakfast, Tita," he stood up. Wait. Did he said Tita? At kanina pa nagtatagalog si Mommy sa harap niya. Pilipino ba siya? "Of course, hijo. Also, I'm thankful and happy to see you." Nakatingin lang ako sa lalaki. Sinusuri kung may bakas ba ng pagka Pilipino sa kanya. Kung pagmamasdan ay mukha naman siyang purong Koreano. I don't think he is a Filipino. I shift my gaze to Mom when her phone rang. Naglalakad na sila noon ng lalaki palabas ng kitchen. Tumayo ako at sumunod sa kanila. "Excuse me. I'll just take this call." Mom walk to the living room. Leaving us behind. "Jari." minuwestra niya sa akin ang bisita at ang pintuan. Naintindihan ko naman agad iyon kaya nagtungo ako sa pintuan upang ihatid doon ang bisita. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at hinintay siyang makaalis. Nakatayo lamang siya doon kaya tumikhim ako. "Did you forgot something inside?" tanong ko. Umiling siya. "Just don't go anywhere without the permission of your Mom. You might give her heart attack because of you being so stubborn." seryoso siyang nakatitig. Did he just said that I am difficult to deal with? Stubborn it is. "I'm not stubborn." inis kong saad. He chuckled at my reaction. Kinatutuwa niya pa yata ito ng lubos. Mas lalo akong naiinis sa kanya. "You surely are, Jarien." ngisi pa niya. Hindi na ako nagulat na alam niya ang pangalan ko. Ngunit ang pagbigkas niya nito ay parang iba sa aking pakiramdam. Hindi ko alam kung ano ba iyon. It's a rare feeling. Nakatulala ako sa kanyang mukhang nakangisi pa rin. Naririnig ko ang mumunting halakhak mula sa kanya. Tumikhim ako at nagsalita nang makabawi. "That's unfair. You know my name but I don't know yours." Huminto siya sa pagtawa at naglahad ng kamay sa aking harapan. "Yoo Nam Bin- no..." he hesitated. "Mavi... that's my name." he continued. I reached for his hand and shook it. Now I know, Mavi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD