Simula

2511 Words
Simula "Bilis! Tingnan mo itong bago kong poster." Hinila ako ni Felisse sa loob ng kanyang kwarto. Malaki ang ngisi niya nang binuksan niya ang pinto at inabot ang switch ng ilaw sa gilid ng pader. "Tadah!" Naaninaw ko ang dingding niya na punong-puno ng mga nakadikit na posters. Mga mukha ng paborito niyang korean boy group sa iba't ibang anggulo ang nakalarawan doon. Pati na rin ang mga kulay ng buhok ni'yon ay iba iba rin. Naglakad ako papasok at nilibot ang mata sa paligid. Iisang pangalan lang ng grupo ang nababasa ko doon. Mayroon itong pitong miyembro. "Nasaan ang bago, Felisse? Halos lahat naman ng ito ay ganoon pa rin ang ayos gaya noong isang araw." ngumiwi ako sa kanya. Inirapan niya ako. Hindi ko maintindihan sa babaeng ito kung bakit niya nahiligan ang mga ganitong bagay. We're completely opposite. I don't like those stuffs that she loves the most. "Ito oh. Tingnan mo kasi." may tinuro siyang isang poster na isang lalaki lang ang nakalarawan. I bet that guy is also a member of the group that she likes. "Latest poster ito ni Taehyung mula sa bago nilang album. Ang gwapo niya, hindi ba?" she said and then giggled. Kulang na lang ay yakapin niya ang dingding ng kanyang kwarto para lang kumbinsihin ako na gwapo nga iyong lalaki sa poster. Napailing na lang ako. "Ako pa talaga ang tinanong mo sa bagay na yan? Alam mo naman na ayaw ko sa mga ganyan." Sumimangot siya sa naging sagot ko. Pumihit ako para magtungo sa sarili kong kwarto. Pansamantala akong nakikituloy sa kanilang bahay. Ninang ko ang Mommy ni Felisse na matalik na kaibigan din ng Mommy ko. "Ya! Hoy!" she protest. "I don't have time for that crap, Fel. Bye!" I waved my hand to her as I closed the door of my room that is beside to hers. My mom isn't here. Nagta-trabaho siya sa ibang bansa bilang teacher kaya ipinagkatiwala niya naman ako kay Ninang. Alam kong nakakahiya ngunit wala akong magagawa dahil wala akong choice kung hindi sundin ang gusto ni Mommy. I know I act rude infront of Felisse ngunit nasanay na rin siguro siya na laging ganoon ang tagpo naming dalawa. Ipapakita niya sakin ang mga stuffs niya at ako naman ay babalewalain lamang iyon. She knows that I hate those things. Simula sa mga korean celebrity, mga drama sa telebisyon, sa music, ang kanilang salita na hindi ko maintindihan, at ang bansa nila na naglayo sa amin ni Mommy. Hindi lang trabaho ang inaatupag niya doon kung hindi pati na rin ang kanyang live in partner na Koreano. I don't know where and how they met. And I don't care at all. Kahit hindi ko pa nami-meet ang lalaki na iyon ay inayawan ko na siya kaagad. I don't want to have a new dad except for my father na pumanaw na. He have this special place in my heart at hinding hindi ko siya malilimutan. And I don't understand my Mom when he replaced my dad in her life that easy. "Jari, malapit ko nang maayos ang mga papeles mo. Maaari ka nang sumunod sa akin at dito manirahan sa Gyeonggi." isang araw ay tumawag sa akin si mommy na maligayang maligaya habang binabalita iyon. Dalawang beses lamang sa isang buwan niya ako tinatawagan. Bukod sa mahal ang tawag ay marami lang daw talaga siyang ginagawa sa trabaho. Kung sabihin niya na lang na abala siya sa boyfriend niyang walang mata ay mas maniniwala pa sana ako sa alibi niya. "Sinabi ko naman po na ayaw ko. Alin po ba doon ang hindi niyo maintindihan?" sambit ko sa inis. Sa pagtawag niya nitong mga nakaraang buwan ay puro tungkol sa petition ang kaniyang binabanggit. Gusto niya na akong kunin at pag aralin sa South Korea kahit paulit ulit naman ang pag tanggi ko. "Napag usapan na natin ito, hindi ba? Sa ayaw at sa gusto mo ay dito ka na mag aaral. Nakakahiya naman sa Ninang mo kung magtatagal ka pa riyan!" Napapikit ako sa inis. Iniwan niya ako dito kay Ninang. Kung kailan namang ayos na ako dito tsaka niya naman ako kukunin. Hindi ko siya maintindihan. Lalo niyang pinapahirapan ang buhay ko! Sa huli ay wala rin naman akong nagawa. Kahit ayaw ko sa mga desisyon niya ay ginagalang ko pa rin siya bilang ina ko. At lahat ng gusto niya ay masusunod. Gaya ng gusto ni Mommy ay sumunod ako sa kanya sa South Korea. Hinatid ako ni Ninang Anabeth at Felisse sa airport sa araw ng flight ko. Nagpa salamat ako sa lahat ng bagay na naitulong nila sa akin. Pati na rin sa pag kupkop. "Mag ingat ka doon, Jari. Balitaan mo na lang kami." naluluha si Ninang nang yakapin niya ako upang magpaalam. She's the same age with my Mom. Early forties ngunit kita pa rin ang ayos na pag aalaga nito sa kanyang sarili. Simpleng manamit at hindi makapal ang make up. Tumango ako. Si Felisse naman ngayon ang yumapos sa akin. Mahigpit iyon kaya hindi ako nakahinga ng ilang segundo. Nang kumalas siya ay nakita ko ang luha sa magkabilang pisngi niya. "I'll miss you, kahit na palagi mo akong sinusungitan." pinunasan ko ang kanyang pisngi. "But I know where you're coming. I understand you, wag mo lang kutyain ang mga boyfriends ko sa dingding ng kwarto ko." we laughed at her last statement. Kahit ganoon palagi ang tagpo namin sa kanyang kwarto ay hindi nag iiba ang turing ko sa kanya bilang bestfriend ko. Siya lang ang malapit sa akin sa school at siya lang ang palaging umiintindi sa mga hinanakit ko sa buhay. "Send me a picture when you get there. How I wish I can travel with you in my favorite country." tumingala siya. Nagd-daydream na tiyak 'to. Napailing ako. Nang matapos ang pagpa paalam at mga bilin ay mabilis kong tinungo ang loob ng airport. Napalapit na ang loob ko sa mag ina kaya nalulungkot din ako sa pag alis ko. Malaki ang naging parte nila sa buhay ko at malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil walang alinlangan nila akong kinupkop. Tumanaw ako sa bintana ng eroplano. Huling tingin ko na ito sa Pilipinas sa ngayon, at paniguradong matatagalan pa ang susunod. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe at natagpuan ko na lang ang sarili ko na naka hilig sa balikat ng isang lalaking pasahero rin ng eroplano. Napatingin siya sa akin nang maramdamang kumilos ako. Agad akong nag iwas ng tingin at umayos ng upo dahil sa kahihiyan. Nakatitig pa rin siya sa akin nang bumaling ako sa kanya. Sa tingin ko ay kailangan kong humingi ng tawad sa lalaking ito. Hindi ko pa naman siya kilala at baka magalit pa sa akin ito. "Uh... p-pasensya ka na kung nakatulog ako sa..." tinuro ko ang balikat niya. Na tensed ako bigla. Hindi ako sanay na makipag interact sa ibang tao. Sa nagdaang ilang taon ay iisa lang ang circle of friends ko. Hindi ko rin naranasan ma mag transfer sa ibang school dahil nga natatakot ako na wala akong maging kaibigan. Ang totoo ay si Felisse lang ang kaibigan ko. Naging malapit na lang din ako sa iba dahil sa kanya. She's too friendly and bubbly ganoon din ang iba niyang friends. Kumunot ang noo niya. Hala! Hindi niya yata ako naintindihan. Foreigner ba ito? I looked at his face. Medyo singkit siya, may matangos na ilong at mapulang labi. Pansin ko rin ang maputi niyang balat. This man is freaking handsome but I can see that he's Korean. And you know how I hated Koreans. May headphone na nakasabit sa kaniyang balikat. Gulo gulo din ang buhok na pinaghalong kulay brown at black. Halatang kagigising lang din nito. Lalong kumunot ang noo niya nang makitang tinititigan ko siya at hindi na naituloy pa ang dapat na sasabihin. Tumikhim ako. "I'm really sorry if I slept in your shoulder." hinging paumanhin ko. Nag iwas ako ng tingin. He murmured some words na hindi ko naintindihan kaya hindi ko na lang pinansin. I bet it's korean language. Nagulat na lang ako nang may inabot siya sa aking tissue. He motioned his face using his other hand. I didn't get it at first but when he pointed his index finger beside my lip I grabbed the tissue from his hand. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko. Nakakahiya! I am too embarrassed to look at him. I heard his slight chuckle habang ako naman ay naliliit sa kahihiyan. Hindi nagtagal ay nag landing na ang eroplano sa Incheon International Airport. Sinalubong ako ni Mommy sa labas nito. Kinamusta niya ang byahe at sinabi ko naman na okay lang. Wala ako sa mood magkwento ng mga pangyayari sa naging pagpunta ko dito. Pagod ako at ayaw kong kausapin muna si Mommy. Sumakay kami sa isang subway station mula sa Incheon patungo sa Gyeonggi. Maraming mga tao dahil rush hour na din. We arrived at their apartment after the short travel. I wonder where is her boyfriend. Nasa isang matayog na building ang tinitirahan ni mommy. Agad ko iyong kinuhanan ng picture gaya ng hiling sa akin ni Felisse. I can't use my DSLR now because it's inside my luggage. Hassle kung iyon pa ang gagamitin ko para mag picture. Sumakay kami sa lift upang makarating sa tamang palapag. I saw her push the button for the 6th floor. Pagpasok sa apartment ay nakita kong wala doon ang boyfriend ni mommy. I put my luggage beside the sofa. Umupo ako roon nang inanyayahan ako ni Mommy. Binigyan niya ako ng isang basong tubig at ininom ko iyon. Binuhay niya ang telebisyon at nakita kong puro tungkol sa koreano lang ang nasa palabas na nandoon. What do I expect? I'm in South Korea. "Tiyak na pagod na pagod ka sa byahe. Gusto mo ba munang magpahinga sa kwarto mo?" malapad ang ngiti ni mommy. "I know you want to see your room." Hindi na ako naka angal pa dahil dali dali niya akong hinila patungo sa kaliwang parte ng apartment. Naghihintay doon ang dalawang pintuan. Binuksan niya ang isa at malamang ay iyon na nga ang magiging kwarto ko. Pagkabukas ay nakita kong malinis iyon. The bed is in white sheets even the pillows, curtains, cabinet and the wall. Maaliwalas tingnan but I don't think that I will feel at home here. This is not my home, after all. I sat on the side of the bed. Malambot iyon at komportable. Tumabi sa akin si mommy. "Do you like it?" ngisi niya. I shrug my shoulder off. I like my room in Tita Anabeth's house more than here. "Where is your boyfriend?" Her smile faded. Uneasiness is written all over her face. Pero agad din iyon napalitan ng lungkot. She sighed. "W-wala siya dito. He's on his work at every weekend lang siya nakakauwi." She's hesitant to answer my out of the blue question at first but she managed to speak. "Oh! I see. You weren't with him all the time. Kaya ka siguro malungkot. You missed him?" umirap at tumango tango ako. "Jari! Have some respect. I am still your mother!" tumaas ang boses niya. Palagi na lang ganito simula nang mawala si Papa. She'll shout on my face because I didn't want her 'boy friends' then we'll get on a fight again. That's our everyday routine. Nabawasan lang noong nag abroad siya. I closed my fist. I want to respect her as my mother. But how would I do that when she is not being a mother to me? "What if I don't want to give the damn respect that you want, huh? Hindi mo rin naman ako nirespeto lalo na si Papa noong pinalitan mo siya sa buhay mo!" Hapdi ang naramdaman ko noong dumapo ang kamay ni Mommy sa aking pisngi. My tears suddenly fall. Napaawang ang labi ni Mommy. Marahil ay nagulat din siya sa nagawa niya sa kaniyang anak. She reached for my face pero tinabig ko lamang iyon. "S-sorry. Sorry, J-Jari." She never hurt me physically my entire life. This is the first time and I can't believe it. Seriously? Just for her boyfriend she did it to me. I pity her. She hurt her daughter for a nonsense reason. Nilagpasan ko siya. I grabbed the door knob and went outside of that room. "Jarien!" I ignored my mom. Lumabas ako ng apartment at tinungo ang elevator. Sinundan ako ni Mom pero hindi na niya ako naabutan nang sumara ang pinto ng elevator. I stepped out when I reach the ground floor. Lumabas ako ng building na iyon. Tiningnan ko ang paligid. May kaunting tao sa lobby. Pinagtinginan ako ng iba. Madilim na sa labas at tanging mga street lights at sasakyan ang nakikita ko doon. Saan naman ako pupunta ngayon? Wala akong alam na lugar dito. Malas. I really hate this country! "Jarien!" I saw my mom running from the elevator. Agad akong tumakbo. Didn't she know that I don't want to see her? I want to breathe fresh air far from her. I crossed the street even my sight is a blur because of my tears. Lumiko ako sa isang kalye at sa isa pa. Hanggang sa napansin kong malayo na ang tinakbo ko. I stopped from running. Hinihingal na ako. Nang lumingon ako sa likod ay hindi ko na nakita si Mommy. Naiwala ko na siya at nawawala na rin ako. Damn! I harshly wiped the tears that is continually falling on my cheeks. I looked around. Hindi ko alam kung nasaan ako. May mga establishment sa paligid. Hindi ko alam kung anong mga tindahan ba iyon dahil hindi ko naman mabasa ang mga signage nito. Naglakad ako palapit sa isang convenience store doon. Ito lang ang pamilyar sa akin dahil mayroon din nito sa Pilipinas. I saw a man seating inside of it facing outside the store. He is eating a cup of instant noodles. Agad na kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumakain. I looked at my wrist watch. It's past six. Sabi ni Felisse ay nauuna ng isang oras ang bansa na 'to kaysa sa Pilipinas. It means, past seven na dito. I looked away when he saw me staring at his noodle. Nakaharap siya sa glass wall ng store kung saan naman ay nasa labas ako. He smirked. Pinakita niya pa sa akin ang bawat pagsubo niya sa noodles gamit ang chopsticks. Iniinggit niya ba 'ko?! Napalunok ako. Effective ang pag inggit niya kung ganoon nga! I looked at his face. My eyes suddenly widened. He smirked more. He put his index finger beside his lips. Umiling iling pa siya habang nakangisi. I walked faster as I can and covered my face with my hoodie. Hindi ko akalain na magkukrus pa ang landas namin ng Koreanong 'yon. Paglingon ko ay nakita kong naka sunod siya sa akin. Malas talaga. "Hey!" he shouted. I didn't look at him and I just continue to walk faster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD