Welcome Home‼️

2002 Words

GALIT na galit si Rachelle, dahil hindi nag tagumpay ang kanyang plano. Namatay pa ang isa niyang tao na nasa Don Albert's Medical Centre, dahil sa mahigpit na bantay ni Sam sa VIP Room. "Put**g in@!..." malakas na sigaw niya, sabay hagis ng ashtray sa kanyang TV. Agad naman nabasag ang TV, dahil sa lakas ng kanyang pagkakabato dito. Nanood lang ang mga tauhan ng babae sa kanya, habang siya naman ay abala sa pagsira sa kanyang mga kagamitan. "Ano ba'ng meron sa babaing yun na wala ako at ganon na lang kung protektahan ni Nathan? Maganda lang naman, pero wala naman ka-class class sa katawan. Isa lamang siyang babaing mahirap at walang maipagmamalaki!" pasigaw na wika niya, saka niya hinawi ang mga photo frame sa ibabaw ng cabinet. Naglaglagan naman ang mga ito at nagkanda basag pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD