Frame-up‼️

1604 Words

GABI na ng magising ako. Wala na rin si Nathan, dito sa tabi ko ng magmulat ako ng mata. Nakita ko rin na may damit na ako. Binihisan din pala ako ni Nathan na hindi ko namamalayan. Bigla na lang kasi akong nakatulog nang dahil sa pagod kanina. Kaya hindi ko na namalayan ang pagbihis niya sa akin at pati pag alis niya ay hindi ko na rin namalayan. Hindi muna ako bumangon, dahil nanghihina pa ako. Pagod na pagod parin ang katawan ko hanggang ngayon. Bigla ko rin naalala na naka dalawa pala kami ni Nathan kanina. Kahit tulog na ako nun, pero malinaw parin sa aking isip na humirit pa siya kanina. Kaya pala para na naman akong lantang gulay ngayon, dahil kay Nathan. Muli ko na naman ipinikit ang aking mga mata dahil sa antok. Gusto kong matulog, ngunit nakakaramdam naman ako ng gutom. Kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD