You're mine‼️

1803 Words

WALANG IMIKAN ang dalawa nang dumating sila sa Villa. Wala na rin gana na makipag usap si Sam, kay Nathan, kaya umakyat na lang siya sa kanyang kuwarto. Pag pasok niya sa loob ay basta na lang inilagay ni Sam ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng center table. Pagod na pagod din ang kanyang pakiramdam at tila gusto na rin pumikit ang kanyang mga mata dahil sa sobrang antok. Agad din siyang pumasok sa loob ng banyo, upang makapag linis muna ng kanyang katawan, bago siya matulog. Mabilis lang na naligo si Sam at tinuyo din niya agad ang kanyang buhok sa hair dryer. Nag suot na rin siya ng kanyang pantulog, para mas comfortable siyang matulog. Isinara din niya ang kanyang kurtina, upang mag dilim ang paligid. Maliwanag pa kasi sa labas at may sikat ng araw pa na makikita sa bandang kanluran.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD