Chapter 1

1669 Words
Jirah  Ateneo De Manila University. Pagkatapos ng isang taon na pagkawala, nakabalik na din ako. Kakauwi ko lang galing America noong isang linggo, doon kasi ako nag aral ng one year pagkatapos kong magkaroon ng problema noon sa studies ko. Ayoko pa sanang bumalik pero my teammates missed me and I missed them too. Syempre pati friends ko, especially my best friend Marge. The person I was in love with. Alam ko naman kasi na walang patutunguhan ang nararamdaman ko sa kanya pero hindi naman natuturuan ang puso di ba? Isa din siguro yon or ang malaking dahilan kung bakit napabayaan ko noon ang pag aaaral ko at kinailangan kong umalis ng Ateneo. Pero looking back, mukhang nakabuti pa yung pag alis ko. Nahanap ko yung sarili ko na nawala nung mahalin ko si Marge. Time heals all wounds, so they say. In my case distance helped too, iniwasan ko talaga siya to the point na pati iba naming teammates hindi ko masyadong kinausap though we do catch up once in a while. I don't  know if I still her love the way I used to before, I mean I will always do pero alam kong okay na ako. Kaya ko na siyang harapin ng hindi nasasaktan. Naputol ang pag iisip ko nang may biglang kumatok sa bintana ng kotse ko. Napakunot ang noo ko nang makita si ate Ella na parang timang na nakangiti habang kumakatok pa din. Ibinaba ko ang bintana at ngumiti din sa kanya. "Sabi ko na nga ba ikaw yan, baby Jirah. Kailan ka pa bumalik?" tanong niya. "Last week ate, bakit mo alam na ako 'to? Heavily tinted naman ang bintana ng kotse ko," balik tanong ko sa kanya habang inaalis ang seat belt ko at bumaba. "Duh, kilala ko yang sasakyan mo, kabisado ko plate number niyan dahil binubuksan ko yan dati pag kukuha ako ng pagkain. Marami kang food diyan eh," nakangising sabi niya. Napailing naman ako. "Ate Ella, ang takaw mo pa din, di ka naman lumalaki, tingnan mo yang tiyan mo. Diyan ba lahat napupunta yung kinakain mo?" Pang – aasar ko sa kanya at sinamahan ko pa ng paghaplos sa tiyan niya. Binatukan naman niya ako. "Aray naman, ate! Para naman nagtatanong lang eh." Nakanguso kong sabi sabay himas sa ulo ko. Namaywang naman si ate Ella. "Bastos kang bata ka. For your information, nabu-burn lahat ng kinakain ko sa kaka train araw araw no."pagyayabang pa nya sa'kin. Sus, as if naman halata diba? "Sabi mo eh, "sagot ko naman. Sumandal ako sa pinto ng kotse ako at pinagmasdan ang mga dumaraan na estudyante. Tinabihan naman ako ni ate Ella. "Babalik ka na sa team?" Napatingin ako kay ate Ella dahil biglang naging seryoso ang tono ng boses niya. Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, nagte-therapy kasi ako ngayon eh. I had an accident sa America, I broke my ankle." Tinaas ko pa ang kanang paa ko for emphasis kahit di naman kita dahil sa jeans at sapatos na suot ko. "At paano ka na-injure, aber?" "Wala, sa volleyball din. Freak accident lang." parang balewala pang sabi ko. Pero masakit yon ha, promise! "Sira ulo ka talaga. At kailan mo balak magpakita kay Marge?" tanong pa nya. I tensed. I looked at ate Ella suspiciously, ayan na naman yung nakakatakot na ngiti niya. Napalunok naman ako. "Depende. Galit sa'kin yon eh, hindi ko sinasagot mga messages niya," napakamot ako sa ulo. "Palagay mo galit siya?" Parang batang tanong ko pa kay ate Ella. Natawa na nang tuluyan si ate Ella. Inis na tiningnan ko naman siya. Tinapik tapik naman niya ako sa balikat habang pinipigilan ang tawa niya. "Don't worry, baby Jirah. Di galit sa'yo yon, galit na galit lang." At tumawa na naman siya. "Bwisit ka talaga, ate Ella," binuksan ko ang sasakyan ko at kinuha ang backpack at gitara ko sa loob. Nagsimula na akong maglakad. Maka punta na nga lang kay Sir Sherwin. "O, saan ka pupunta, baby Ji?" habol ni ate Ella at sinabayan ako sa paglalakad. "Kila Sir Sherwin at Sir Tony, magpapakita lang at itatanong ang status ko sa team." "For sure, tatanggapin ka ulit though kailangan mo munang mag residency at mag therapy pa pero pasok ka ulit for sure." Inakbayan ako ni ate Ella kahit mas matangkad ako sa kanya. Liit kasi. "Salamat sa suporta, ate Ells. Kamusta naman ang mga teammates natin?" "Ganon pa din, magulo pa din sila besh, minsan ang sweet sweet at clingy nila pero minsan nag aaway naman tapos ang tatangkad ng mga bago nating rookies..." Si ate Den at ate Alyssa yung best friends ni ate Ella na palagay ko may gusto sa isa't isa, hindi pa lang nila nare-realize. Yung mga tinginan kasi nila iba eh, parang ganon ko din tingnan si Marge noon. "...tapos ang tatangkad ng mga bago nating rookies, inspired din mag train ang team. Alam mo na, Champion eh, " proud na proud pagpapatuloy ni ate Ella sa kwento niya. Nag Champion kasi ang Ateneo nitong nakaraang UAAP, first championship against our rival team La Salle. Bigla naman siyang tumigil sa pagsasalita. "O ba't tumigil ka sa pagsasalita? Gutom ka na?" "Ha ha, very funny, Llaneta" sarcastic na sabi niya. "Hindi mo ba itatanong kamusta si Marge?" Nag isip ako saglit. "Okay fine, kamusta si Marge?" "Sila pa din ni Riley," balewalang sagot niya at nagpatiuna na sa paglalakad. Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Napaka sama talaga minsan ng ugali ni ate Ella. Pero hindi ganon kasakit ang naramdaman ko ngayon, may konti pang sakit pero di na gaya ng dati na sobrang parang hindi ako makahinga marinig ko lang ang pangalan ni Marge at boyfriend niyang si Riley. Iniwan na ako ni ate Ella nang makarating kami sa office ni Sir Sherwin. Kumatok ako at bumuntung hininga bago buksan ng dahan dahan ang pinto. Sinilip ko ang ulo ko at nakita si Sir Sherwin na may sinusulat sa papel. "Sir?" tawag ko. Umangat bigla ang tingin ni Sir at napangiti ng malawak. "Jirah! Welcome back, kailan ka dumating? Come in, come in." masiglang sabi nya sa akin. Pumasok ako at nakipag kamay bago umupo sa visitor's chair. "Last week pa, Sir. Pasensiya na po at ngayon lang ako nagpakita, ang dami ko pa po kasing inasikaso." "Nonsense. Ang importante nakabalik ka na, for sure matutuwa ang mga teammates mo." I bit my lip nervously. "About that, Sir.Welcome pa po ba ako sa team?" Nahihiyang tanong ko, I wanna be back sa team, it would be great pero ayoko naman na mag assume. "Of course, Jirah. You are part of the team. Hinihintay ka lang naming bumalik," nakangiting sabi ni Sir Shewin. "Kailan mo balak bumalik sa training?" tanong pa nya. Napakamot na naman ako sa ulo ko, "Eh kasi, Sir, nasa therapy pa po kasi ako. Nagka injury po kasi ako habang nasa America." sagot ko sa kanya. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ako ni Sir Sherwin pero hindi na nagtanong pa. "Okay, well, wala na tayong magaagawa diyan. Get back in shape as soon as possible at lumipat ka na din sa dorm para makasama mo na ang mga teammates mo." sabi na lang nya. "Will do, Sir. Thank you for welcoming me back to the team," pagkatapos noon ay nag ring ang cell phone ni Sir Sherwin, nag-excuse ito at sinagot ang tawag sa labas. Finally, makakabalik na ko sa team. Nagmadali akong makalabas para puntahan ang mga teammates ko, binuksan ko  ang pinto at nagulat na lang nang may biglang parang tumama dito, pagtingin ko ay nagulat ako nang makita may babaeng nakaupo sa sahig at hawak hawak ang kaliwang parte ng noo niya. Nasa tabi niya ang gym bag at cell phone na mukhang hindi naman nabasag. Oh my God! Natamaan ko yata siya. Napangiwi ako dahil siguradong nasaktan ang babae sa lakas ng tunog ng pinto. I knelt down beside her at sinubukang hawakan ang kamay niya na nakahawak sa noo niya pero pinalis niya lang ito tumayo. "Miss, I'm sorry, I didn't see you kasi," I said in an apologetic voice. Finally, inangat ng babae ang tingin niya and I swear my breath was caught in my throat, I literally stopped breathing when her fiery chinky eyes were connected to mine. Damn, this girl is gorgeous. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya kung hindi pa niya winagayway ang kamay niya sa harap ko. "Ano na? Are you gonna answer me or tititigan mo na lang ako maghapon?" Gorgeous girl crossed her arms habang hinihintay ang sagot ko.  Napakagat labi ako at nahihiyang ngumiti. Ano nga yung tanong? "Ano bang tanong mo? Do you need to go to the hospital? I could take you. May iba bang masakit sa'yo?" sunud-sunod na tanong ko. Mas lalong naningkit ang singkit niyang mga mata. She pushed me in the chest using her index finger at napa atras ako ng bahagya pero imbis na mainis ay napangiti ako lalo. Ang cute niya. "I was asking kung bakit hindi ka nag iingat, nakakaperhuwisyo ka tuloy. Tatanga tanga kasi," she muttered the last part pero dinig ko naman. "Look, miss. I'm sorry, okay? Hindi ko naman sinsadya eh, aksidente lang at siguro kung hindi mo gamit yung cellphone mo baka hindi naman nangyari to." "At kasalanan ko pa ngayon?!" Hala, galit talaga. "Hindi ko sinabi yon," depensa ko naman sabay taas ng dalawang kamay. "Pero yon ang pinapalabas mo," sagot niya habang nakakunot ang noo. Napangiti na naman ako nang hindi sinasadya pero agad ding nawala nung tingnan niya ako ng masama. She picked up her gym bag and cell phone at walang sabi sabing naglakad palayo. I sighed, hindi ko man lang nasamahan kahit sa clinic sana at hindi ko din natanong ang pangalan niya. Major face palm. Maglalakad na din sana ako palayo nang may matapakan na kung ano, I picked it up and was pleasantly surprised to see na I.D pala ito ni Miss Sungit. Julia Melissa C. Morado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD