Jirah
Pagkatapos ng insidente sa labas ng opisina ng Volleyball Program head tumuloy na ako sa dorm kung saan naka stay ang team. This is it. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
Nakatatlong katok ako bago ako pinagbuksan ng pinto. At si Marge ang nagbukas.
Ilang sandali din kaming nakatitig lang sa isa't- isa bago may magsalita sa likod niya.
"Margarita, sino ba yan? Bakit hindi mo papasukin," boses ni ate Ella yon. Walang salitang umalis naman si Marge at umakyat sa taas, nilapitan naman ako ni ate Ella.
"Jirah, kamusta? Long time no see," tumingin muna ako kay ate Ella bago ibinalik ang tingin sa hagdan.
"Ate Ella, galit sa'kin si besh," parang batang sumbong ko kay ate Ella saka sumandal sa gilid ng pinto at sumimangot.
"Halata ba? Akala ko hindi eh, kita mo nag walk out na lang basta," nang-iinis pa niyang sabi.
"Ih, ate Ells, anong gagawin ko?" tanong ko pa sa kanya.
"Edi kausapin mo mamaya. So, kamusta pagpapakita mo sa kinauukulan?"
"Okay naman, tanggap pa din naman daw ako, pinapalipat na ako dito sa dorm." Nag thumbs up pa ako sa kanya.
"Magaling alipin, pasok na sa kaharian ng mga reyna," hinila na niya ako papasok hanggang sa sala ng dorm kung nasaan ang iba naming teammates at mukhang nagmo-movie marathon.
"Guys, tingnan niyo sino 'tong napulot ko sa labas," ano ako, pusa? Tsk.
Nagsigawan naman ang magugulong teammates namin at sinalubong ako ng yakap. Well, yung iba lang since hindi ko na inabot at kilala ang iba sa kanila.
"Baby Jirah, kailan ka pa bumalik?" tanong ni ate Den habang yakap yakap ako. Nasa likod naman niya sina ate Ly na nakangiti din.
"Last week, na miss ko kayo grabe!" niyakap ko pa lalo ng mahigpit si ate Den. Medyo nawala naman ng konti ang ngiti ni ate Ly.
"Baby, wag masyadong mahigpit ang yakap baka masaktan naman si besh Den," sabi ni ate Ly.
"Asus, ate Ly, di naman mahigpit masyado eh, selos ka lang yata," tukso ko sa kanya.
Namula naman si ate Ly at tiningnan ako ng masama. Mas lalo naman akong napangiti.
"At bakit naman ako magseselos? Bitaw na, Jirah."
Di daw siya nagseselos o, tingnan natin. Hinalikan ko muna si ate Den sa pisngi bago ko siya binitawan at yumakap sa iba pa naming teammates. Lalo naman sumama ang tingin sa'kin ni ate Ly.
"Wag ka na magselos, besh, naglalambing lang yan si baby Ji," pag aalo ni ate Den kay ate Ly. Lawak ng ngiti ah. At ganon ganon lang, bumalik na naman silang dalawa sa sarili nilang mundo. Ayaw pa kasing mag-aminan. Pero sabagay, baka pareho lang silang naghihintay ng tamang panahon para sa kanilang dalawa.
"Batch mate, kita mo si Marge? Siya nagbukas ng pinto di ba?" tanong ni Jho. Yung isa naming batch mate ni Marge.
"Oo, kaya lang di naman ako pinansin, nag walk out pa nga eh," malungkot kong sabi.
"Nagtatampo lang yon, kausapin mo. Nakakatampo ka naman kasi talaga, basta ka na lang di nagpaparamdam," medyo may tampo rin sa boses na sabi ni Jho. Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.
"Hoy, wag niyo nang pagalitan yan, nagsisisi na yan sa mga kasalanan niya," pagtatanggol sa'kin ni ate Ella. "Baby Jirah, pahiram ng susi, may pagkain ba sa kotse mo? Nagugutom na kasi ako, si Marge ang naka toka sa pagkain natin pero hindi pa siya nagsisimulang magluto dahil sa'yo." Ayun mas concern talaga sa tiyan niya kesa sa'kin.
"At bakit dahil sa'kin?" tanong ko habang kinakapa ang susi ng kotse sa bag ko. Inabot ko ito sa kanya.
"Dahil nabigla siya sa sa pagbabalik mo, duh. Kausapin mo na yon para magluto na siya at makakain na tayo."
Dali dali ng lumabas si ate Ella ng dorm at iniwan kami.
Tumingin ako sa teammates naming na napapailing habang nakangiti dahil kay ate Ella.
"Sa dati niyong kwartong dalawa, dulo sa left. Good luck," sabi ni Jho at bumalik na sa panonood nila. Si ate Den at ate Ly naman, may sariling mundo pa din sa couch.
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Marge, magkasama kaming dalawa dito dati kasama si ate Ella. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang ang pinto.
Nakatalikod si Marge at halatang umiiyak, nanghina naman bigla ang mga tuhod ko dahil umiiyak siya dahil sa'kin. Lumapit ako at umupo sa dulo ng kama.
"Besh, can we talk?" nahihiyang tanong ko. Hindi naman nagsalita si Marge. I bit my lip bago nagsalita ulit. "Sige ako na lang ang magsasalita, makinig ka na lang."
Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magsalita.
"I'm really sorry dahil umalis ako at hindi ko sinagot yung mga messages at tawag mo. I wasn't there para kwentuhan ka pag hindi ka makatulog, wala ako para sunduin ka pag umuulan dahil nakakalimutan mo palagi yung payong mo, makinig sa mga kwento mo about your day, be your biggest fan when you're feeling down and doubting your self. I'm sorry I wasn't there to go clothes and book shopping with you," I paused. "I'm sorry I wasn't there to share your first Championship like I promised I would. "
Mas lalong lumakas ang iyak ni Marge kaya naman humiga din ako at niyakap siya ng patagilid.
"Tahan na, besh. Hindi na ako aalis, patawarin mo na ako," unti unti naman ay huminto na sa pag – iyak si Marge at maya- maya lang ay nakatulog na.
Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako at nagising na lang sa tunog ng cell phone ko, nang tingnan ko ito ay nakita kong nag message si mommy sa'kin at nagtatanong about my day. Sinagot ko naman ang message pagkatapos ay tumayo na. Kinumutan ko muna si Marge bago lumabas para pumunta sa field dala ang gitara ko. Madilim ang dorm kaya baka lumabas ang mga kasama ko.
Nakaupo ako sa damuhan at tumitipa-tipa sa gitara nang may magsalita sa likod ko.
"Hindi pa rin kayo okay ni Marge no?" tanong ni ate Ella at umupo sa tabi ko.
"Bakit mo naman alam? Saka bakit alam mo na nandito ako?"
"Nakita kitang palabas kaya sinundan kita. Saka malungkot yung tunog ng gitara mo eh," paliwanag ni ate Ella.
Tumango ako, "Hindi niya ako kinausap. Palagay mo ate Ella, babatiin pa ako ni besh?"
Natawa naman si ate Ella at ginulo ang buhok ko, "Babatiin? Ang cute naman ng term mo baby Ji."
Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko. "Wala kang paki sa term ko, sagutin mo na lang yung tanong ko."
"Okay, okay, easy ka lang. Ang cute mo kasi eh, sayang bagay sana kayo ni Marge. Matured siya, isip bata ka naman."
Natigilan ako. "Anong ibig mong sabihin,ate Ella?"
Tinaas niya ako ng kilay. "Anong palagay mo sa'kin, bulag? Alam ko kaya na mahal mo si Marge, kitang kita dati. Bakit di ka nagtapat dati at anong balak mo ngayon?"
Humiga ako sa damuhan. "Sino naman may sabi sa'yo na hindi niya alam? Nagsabi ako sa kanya bago nagkanda leche leche ang pag - aaral ko at umalis."
Nagulat naman si ate Ella sa sinabi ko. "Talaga alam niya? Anong sabi niya?"
Nagkibit – balikat ako. "Na mahal niya lang ako bilang kapatid lang at mahal niya si Riley."
"Ouch. O, tapos napariwara ang pag aaral mo at umalis ka na lang basta," tumago tango si ate Ella. Binato ko sa kanya ang nilalaro kong d**o.
"Napariwara agad, di pwedeng nawala lang sa focus? At ate Ella, I needed to get away kaya ako umalis ng bansa kasi hindi ako makaka move on kung nag stay lang ako dito," paliwanag ko.
"Alam mo, bata, ang sama ng ugali mo," seryosong sabi ni ate Ella. Tatayo na sana ako para iwan siya pero hinila niya ako pabalik kaya napaupo ako ulit.
"Pakinggan mo muna ako, Jirah, at wag kang magsasalita," tinaas ni ate Ella ang daliri niya nang tangkain kong magsalita. "Yan, gaya nga ng sabi ko kanina, ang sama ng ugali mo," ulit na naman niya.
Napipikon na tumingin ako ng masama sa kanya. "Oo na, masama na. Ako na pinakamasama sa mundo,"
I crossed my arms sabay pout. Ngumisi lang si ate Ella.
"Papatapusin mo muna ako o papatapusin?"
"Ate Ells, parehas lang yon eh," pinanlakihan na niya ako ng mata. Tumahimik na lang ako. Akala naman niya nakakatakot siya.
"Okay, Jirah, bakit ko nasabi na masama ka? Hm. O sige hindi na masama, unfair na lang. Kasi Jirah, hindi kasalanan ni Marge na in love siya kay Riley at best friend lang ang tingin niya sa'yo at hanggang doon lang, kagaya po na hindi mo kasalanan na na in love ka sa kanya. Gets? Kaya hindi mo siya masisisi na nagtatampo siya ngayon, wala naman siyang kasalanan eh tapos iniwasan mo."
Para naman akong natauhan sa sinabi niya at napaiyak.
"Ate Ella, I'm so sorry," umiiyak na sabi ko, niyakap naman ako niya ako.
"Hindi ka sa'kin dapat nagso – sorry, baby Jirah."
"Nagso - sorry ako kanina, hindi naman niya ako pinakinggan,"
"Subukan mo ulit, magmakaawa hanggang sa mapatawad ka niya," tumango tango naman ako. Gagawin ko talaga yon.
"Mahal mo pa din ba?" maya maya ay tanong ni ate Ella. Naalala ko naman bigla si gorgeous girl na masungit kaya napangiti ako bigla. Si Julia. "At bakit ka nakangiti dyan?"
"Wala ate, may naalala lang ako at tungkol sa tanong mo. Naka move on na ako, sigurado," tumawa pa ako ng malakas.
Tumingin tingin si ate Ella sa paligid, pinagtitinginan kami ng ilang dumaraan, ngumiti naman si ate Ella sa kanila.
"Bata, anong nakakatawa? Tingnan mo, pinagtitinginan na tayo."
"Masaya lang ako," kinuha ko na ulit ang gitara ko at tumugtog ng masayang kanta habang nasa isip ko pa rin yung itsura nung babaeng masungit.