When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“Robb please, huwag mong sasabihin kay Inay na girlfriend mo na ako,” nag-aalalang sabi niya. Kumunot naman ang noo nito na tumingin sa kanya. “But why? Ikinakahiya mo ba ako?” “Hindi naman sa ganoon. Kaya lang kasi, alam mo naman ang dahilan. Bawal pa akong mag-boyfriend.” Sandali itong nag-isip. “Okay,” simpleng sagot nito saka ngumiti. Nakahinga naman siya nang maluwag at napangiti na rin. Nakarating sila sa bahay nila. Naunang bumaba si Robb ng sasakyan saka siya inalalayan pababa. Nauna siyang pumasok sa loob ng bahay at pinatuloy na lang niya si Robb. Naabutan naman niyang naggagayat ng gulay para sa hapunan ang kanyang ina. “Magandang hapon po,” pagbati ni Robb sa kanyang ina. Tumingin naman ito sa kanila na waring nagulat pa. Sa sobrang kaabalahan nito ay hindi na nito na