28: Against

2171 Words

Hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Robb habang nakasakay sa kotse pauwi sa kanilang bahay. Hindi maipaliwanag ang saya na nadarama niya habang inaalala ang naging pag-uusap nila ni Kate. Napakagaan ng kanyang pakiramdam at talagang komportable siya kapag kausap niya ito. Hanggang sa makarating siya sa sariling bahay ay naroon pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Pasipol-sipol pa siya nang makapasok sa loob ng bahay. “Where have you been?” maawtoridad na tanong sa kanya ng mommy niya. Naka-cross arm at cross legs ito habang nakaupo sa sofa. Nakataas rin ang kilay nitong nakatingin sa kanya. Katabi nito ang kanyang ama na seryoso ring nakatingin sa kanya. Bigla siyang tumigil at napawi ang ngiti sa kanyang labi. Bigla rin siyang kinabahan sa itsura ng mga ito na halatang galit. Lumunok siya b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD