Kabanata 1

3735 Words
"Binukot? Akalain mo naman may mga ganun pa pala? Pero matanda na sila, sayang lang at lumipas ang ganda nila," Nakatuon ang pansin ko kay Maja na binuklat ang isa sa mga article sa diyaryo. Na-feature kasi roon ang natitirang Princesa ng Panay o yung Binukot ng Panay, kakaiba sa mga Princesa na nakikita natin na maganda at makinis iba ang mga Princesa ng Pilipinas, likas silang may ganda ngunit na paglipasan ng panahon dahil natigil ang salinlahi simula noong giyera at iilan na lang sa mga tribo ang nagpatuloy ng nakagawian. Iyong nasa diyaryo siya na lang ang nag-iisang Princesa sa Pilipinas, ngunit iyon ang pagkakaalam ng lahat.  "Sayang talaga, nag-iisa na lang si Lola Princess, sabi pa rito si Lola raw pinaka maganda noon, 'di nga pwede umapak mga paa niya sa lupa, laging di-buhat kaya may mga diperensya ang mga Binukot sa paglalakad. Alam mo nakakaawa pa nga kasi noong panahon daw ng hapon? Sa sobrang takot daw ng mga tao noon lalo na nung mga nagsisilbi sa kanila ay tumakas daw ang mga ito para iligtas ang mga sarili nila, samantalang ang ilan sa mga Binukot ay iniwan nalang ng hindi nila alam ang nangyayari, kaya karaniwan sa kanila ang pinagsamantalahan at pinaslang. Hirap silang maglakad kaya hindi sila agad nakatakas,"   "Kasi wala naman talagang Binukot na naglalakad, lahat sila binubuhat," sagot naman ni Ria kaya natawa si Maja   "Bakit ba kasi sila bawal maglakad?,"   "Kasi nga bawal, ‘Yon ang tradisyon!" Napailing ako at kinuha ko ang diyaryo sa kanila "Tama na nga ‘yan, mamaya ‘yan pa pagmulan nang away ‘nyo" napangisi na lang sila at bumalik sa mga damit na kanina pa nila kinakalkal, "What are those?, saan na naman ang lakwatsa niyo?"   "Cessy! Come on, sumama ka na mamaya. I'm sure mag e-enjoy ka kesa naman na magmukmok ka rito maghapon,"   Wika ni Ria habang nakaharap sa salamin, Umikot-ikot pa ito na tila tuwang-tuwa sa kinang ng damit niya. Malamang mahal na naman ang mga ‘yon. Mahilig kasi si Ria sa mga ganoong damit. Binaba ko lang yung laptop ko at pumunta na sa kanila. "Okay lang ako rito sa bahay, nextime na lang siguro. Have fun nalang!" Sabi ko sabay kuha nung cellphone ko sa gilid at nag-simula na magbasa ng article sa magazine ng company na pinagtatrabahuhan ko. Wala naman akong balak talaga na sumama dahil napakarami kong kailangang gawin. Napakarami kong trabaho at kailangang trabahuhin, May mga bagay na mas importante pa kesa sa pupuntahan nila.   "Puro ka na lang dahilan" napa-irap ang mga mata nito "Sabihin mo lang magmumukmok ka na naman dito sa bahay. That's why you never had a boyfriend,  actually nagtataka ako kung ‘san ka nakakahugot ng ideya sa mga article na sinusulat mo samantalang wala ka namang lovelife" Isa akong columnist at editor sa isang sikat na magazine at tabloid company sa bansa. Makakatulong sa’kin kung mananatili ako sa kumpanya kung saan mas mabilis akong makakasagap ng mga balita. Wala na nga lang akong pagpipilian pa dahil wala ng bakante sa ibang departmento kaya kinuha ko na lang kung ano ang bakanteng posisyon na natira.   "Kasalanan ko ba ang mapunta sa akin ang mga artikulo na pang magkasintahan?, Isa pa mahal ko ang trabaho ko marami akong natututuhan," Matuto, Isa iyon sa mga bagay na pinagkakaabalahan ko. Umupo si Maja sa kama katabi si Ria saka tiningnan din ang mga damit na pagpipilian nito, Ang dami ‘non, sa sobrang dami at sobrang kinang, masyadong masakit sa mata. "Kaya nga you should hang out and look for a guy, para ma-apply mo rin naman yung mga pinag-susulat mo ano. Sige ka baka habang buhay drawing 'yan. Kaya habang maaga pa kilos-kilos din sige kakalawangin 'yang ano m, Matetano pa ang makakauna sayo!" Pang-aasar sakin ni Maja habang nakapili na ito ng damit na susuotin ‘nya. "Alam ‘nyo grabe kayo! hindi purket walang experience or previous relationship ay hindi na kaya magsulat ng article about doon. Normal nang ginagawa ng mga tao ang magmahal, siguro naman lahat tayo alam ‘yon” Trabaho lang, walang personalan, Humiga ako sa kama habang sila ay abala pa rin sa pag-aayos. Sana talaga umalis na sila para matuloy ko na iyong mga bagay na kailangan ko talagang atupagin. Hindi ako makakilos hanggat nandidito sila. "Kaya nga pero ikaw ni isang lalaki wala ka pang naikuwento sa amin” Papaano ako magkukwento?, Eh wala pa naman akong karanasan sa pagibig, lalong-lalo pa sa mga lalaki. Sagabal lamang ‘yan sila sa misyon ko. “Sumama ka na sa’min, look for a guy and just have fun nang maramdaman mo naman. Saka para mabawasan ang pagka masungit mo. I have some extra invitation sa opening ng club mamaya na kailangan natin ma-feature sa magazine ng kumpanya, masaya roon" Sabi pa ni Ria sabay kindat sa akin at kinukulot nito ang buhok niya. Matagal na nila akong sinasabihan diyan, pero ayaw ko talaga. "Hindi na, salamat na lang, kayo na lang saka walang maiiwan dito sa bahay. You guys enjoy and have fun! Okay na ako rito," "Haay, naku Cessy! Etong bahay hindi mawawala, pero yung chance mong mag-enjoy minsan lang. Ilang araw na lang lunes na ulit, balik trabaho ka na naman kahit na pati weekends eh nagtatrabaho ka. Come with us, kahit pa-birthday mo na lang sa akin ‘to please," Sabi nito sa’kin at may nagmamakaawang tingin. Alam nila na pagdating sa kanila hindi ako makakahindi lalo na pag gumaganyan sila sa harapan ko.  Hindi pa man ako ganon katagal sa Publishing house na pinagtatrabahuhan ko ay itinuturing na talaga nila akong isang pamilya. "Alam ‘nyo kayo talaga kahit kailan! Alam n’yong di ko talaga kayo matitiis no?” Halos magliwanag ang mga mata nila at lumapad ang mga ngiti sabay-sabay silang nag palakpakan at nagsi-tawa nang makita na ang mukha ko. Ganyan yan sila, pero pwede akong sumama hahanap na lamang ako ng paraan para makatakas sa kanila mamaya. "Alam ko naman love mo ko eh, don't worry babawi ako sa’yo,"  Sabi nito at tinaas baba ang mga kilay ‘nya, Mukhang hindi maganda ang binabalak nito ah? Parang kinabahan ako bigla. Agad natuon ang pansin niya sa mga damit, abala at nagtatalo kung ano ang isusuot nila sa’kin nang biglang mag-ring ang isa kong telepono. Agad ko iyon kinuha at tumungo sa banyo para sagutin. May balita na kaya siya? Parang napaka importante ata nang tawag niya at napatawag siya sa oras na ito. Ang napag-usapan namin ay ako ang tatawag sa kanya. "Gabriella, anong balita? hinahanap pa rin nila ako?"  "Medyo hindi na ngayon, abala ang kampo nila pero wag kang pasisiguro. I know gagawa at gagawa ang Lucan nang paraan para makuha ka," Napailing ako at napahilot sa aking ulo "Alam ko naman ‘yon, I can handle myself, alam kong ‘di nila ako mahahanap,"   "Kahit na, mag-ingat ka pa rin,"   "Ano nga pala ang dahilan at na patawag ka?"   "Yung isa sa mga kayamanan na hinahanap natin alam ko kung saan natin makukuha. At sigurado ako na binabantayan iyon ng mga Lucan," Biglang nanlaki ang mata ni Cecilia, ‘iyon ang kanina pa niya inaalam, Kung saan makukuha ‘yong susunod na clue at kung sino ang alipores ni Olivero ang may hawak nito "Saan? Paano mo nalaman?"   Siya nga nahirapan na hanapin ang source, ilang araw na siyang nag-re-research ngunit hindi niya mahanap. "Nakita ko ang clue sa lumang clue na nakuha nating kayamanan, nakita ko yung kaugnayan ni Kutahan sa dating transaksyon nito na nagngangalang Isidro. Na-hack ko ang Email niya pati ang mga conversation na meron siya at nalaman ko na dadalo ito sa isang ekslusibong party mamayang gabi," "At saan naman ‘iyon?" Tanong niya at muling seryosong nakinig   "Sa Club Zenon"  Jackpot! mukhang umaayon talaga ang suwerte sa kanya. Mukhang may dahilan talaga na pumunta siya sa party na iyon.    *** Pasado alas-nuebe na ng gabi ng makarating kami sa Club Zenon. Tulad ng ibang sikat na club sa Manila napakaganda ng club na ito, sobrang daming tao at sikat ang dumalo rito. Hindi ito isang pipitsugin na Disco club sa Manila, dahil isa itong franchise club na nag-umpisa sa New York. Hindi malabo na isa ito sa bagong establisyemento ng mga Lucan. Napatingin ako sa ganda at laki ng lugar, pagpasok palang namin kanina halata nang sobrang secured ng lugar. May tatlong lalaki na nakabantay sa entrance at ang mga importanteng mga bisita ay agad nakakapasok, sobrang haba rin ng pila sa labas maraming nagbabakasakali na makatungtong sa sikat na club na ‘to. Pagpasok mo may maliit na lobby doon ka magbabayad at mag pa-reserve, Parang hindi mukhang club, dahil pagpasok mo agad sa reception may nagaabot na ng ilang shots or ilang inumin. May malalaking mga upuan at mukhang mamahalin ang mga ‘yon. Binigay sa amin ang aming pass at hindi lang yun basta tatak. It's a code na tinatak sa akin at kulay Gold ang tinta non. Ginto daw kasi VIP kami at may access kami sa lahat. Pagkatapos ibigay ang mga code na tinatak sa mga braso namin binigyan kami ng tequila shots at napunta na sa elevator. Merong glass elevator, meron din malaking silver na pinto at malaking kulay itim na pinto.  "Okay ladies, saan ‘nyo gusto pumunta? Would you like me to give you a tour?" wika ng isang lalaki na mukhang siya ang maglilibot sa amin dito sa Club. Kung dito nga nakatago ang kayamanan na hinahanap namin ni Gabriella ay dapat kong masa ulo ang lugar na ito. "Okay, First we're going to the silver room," Sabi nito at saka ngumiti, dala naman nila Ria ang kanilang mga camera para kumuha ng ilang pictures na ilalagay sa magazine. Nasa kaliwa ang silver room pumasok kami roon at nagulat sa mga nakita. Medyo pormal sa silver room, naka formal attire ang mga tao at may mga maskara na suot ang mga tao rito. Napakalaki ng lugar may malaking chandelier na nakasabit sa gitna at napapalibutan ito ng mga balkonahe sa bandang itaas. Iyon ata ang VIP area. Sa ibaba naman ay may malaking bar area at sa gilid ay may mga mesa. Para kang nasa isang palasyo ngunit kulay itim at puti ang loob at ang disenyo. Ang sahig naman ay gawa sa salamin at umiilaw, papalit-palit ang kulay nito kaya kung ano ang kulay nag-re-reflect 'yon sa paligid kaya siguro itim at pula ang kulay na makikita sa loob. Maya-maya may lumapit sa'kin at binigyan kami ng mask .  Naglakad kami at inilibot ang nuong silid, mukhang mayayaman ang nandidito sa buong palapag na ‘to. Ang music ay slow lang, hindi iyong pang-party, mukhang pang-sosyalan ang pinunta ng mga nandito.   "Grabe! Ang ganda naman dito!" Sabi ni Maja sabay kuha ng wine na inabot ng isang waiter na nagliligpit, may mga mascara din ito. "Oo nga, ang sosyal! Medyo hindi ko inaakala na ganito rito ah? Akala ko 'yong parang mga club na maingay, hindi pala" Sabi ko sabay kuha ng macaron na inalok ng isang waitress, ganon din si Julia. Kumindat naman si Maja sa amin "Silver room pa lang to ah! Mayroon pang dark room ,sabi roon sa na-email saking guide nung Secretary, mayroon pang Upper Deck room at ang Sinners room,"   "Gosh! I can't wait to try the Sinners room!, Anong meron doon? parang wild ng pangalan?” napailing na lamang ako sa mga trip ng mga ito, iniisip ko, paano kaya ako makakatakas sa kanila para magawa ko na ang kailangan kong gawin ngayong gabi?. Pumapatak ang oras at kapag hindi pa ako makakilos, maaaring masayang ang gabing ito at hindi namin makuha ang clue na matagal na naming hinahanap ni Gabby.   "Later ladies, iyon ang last na pupuntahan natin. Itong silver room formal party ang meron dito hindi wild ang music at iba-iba ang tema nito weekly ngayon ay masquerade. Umpisa pa lang ‘to, so we better check the dark room, what you think ladies?"   "Yes, please!" Unti-unti na akong na pamilyar sa lugar. Kailangan kong saulohin ang bawat pintuan na papasukan at lalabasan namin para maging madali sakin ang gagawin ko mamaya. Kagaya nang sinabi ni Ria ay inilibot niya kami sa Club, madali lang saulohin ang pasikot-sikot dito ngunit kung isa nga rin itong pag-mamayari ng mga Lucan ay mas kailangan doble ang aking pag iingat. Tadtad ng bantay ang paligid at hindi niya alam kung sino sa mga ito ang kanyang  kalaban.   "So let's check the sinners room?" "Ano 'to mag sa-sauna tayo?" Tanong ni Julia na parang nagtataka.   "Nope, this is the pool area kaya nga ipinasuot ko kayo ng sexiest underwear n'yo eh, Tara ,magbihis na kayo." Wika ulit ni Ria, Bakit kailangan na madamay ako sa mga trip ng mga ito? Wala sa usapan na maghuhubad at ibabalandra ang mga katawan namin.   “Mag-ocular lang tayo ngayong gabi di'ba? Bakit kailangan na mag-swimming tayo?”   “Sayang 'yong pass, minsan lang tayo malibre kaya lubusin na natin,”   "Are you kidding me? napakanipis lang nitog suot ko. Kaya ba pinagpipilitan mo sakin 'yon kanina kasi alam mo may ganito?"  Hindi ako makapaniwala rito! Sinadya niya talaga na iyon ang ipasuot sakin kasi alam nilang may ganito. I'm just wearing a strapless black bra and black thongs. P*nyeta! may mga lalagyan ng dagger at baril sa loob ng dress ko. Paano ako makakaalis mamaya kung underwear lang itong suot ko?. Napailing ako, dapat talaga kanina pa ako humiwalay sa kanila.   "Cessy, How can you find a guy if you're going to wear your typical Lola panty?, Haha! don't worry, wala lang yan sa mga suot ng mga girls na nandiyan kaya wag kang mahiya,"     "Oo nga, saka ang ganda kaya ng puwet mo. Sexy ka pa kaya I'm sure luluwa ang mga mata ng mga kalalakihan na nandiyan sa loob," asar ni Maja habang sila ay nagtanggal na ng mga damit at inilagay sa locker na nasa loob ng silid. "Don't be a killjoy, Cessy! Huwag kang mahiya, sexy ka, maganda ka, kabog ka Girl! Let's do this! Excited na’ko mapasok ang loob!" "Don't tell me papaiwan ka rito? You'll miss the fun sige ka. Saka kanina pa tayo hinahanap ni diyan sa loob," hay,naku! never pa nga ako nag-two piece sa beach tapos ngayon pagsusuotin nila ako ng underwear sa pool party? Bukod pa roon, ano na lang sasabihin ng mga ninuno ko?. Pero ano pa bang magagawa ko? Alangannamang magpa-iwan ako dito?   Tinanggal ko na yung damit ko at inilagay sa locker. Napangiti naman ang mga kaibigan ko nang mapagtanto nila na nakumbinsi na naman nila ako, hindi ko na rin sila pwedeng iwan sa lugar na ito lalo pa at sigurado akong nagkalat ang Lucan dito. Buti nalang at may dala akong maliit na dagger, itinali ko ang buhok ko at inipit iyon sa pagkakapusod ng buhok ko. Kaya kong kumitil ng kalaban sa isang hagis ng dagger na‘to.   Dahan-dahan akong pumasok sa the Sinners, Pagbukas na pag bukas namin ng pinto ay tumambad na ang mga sexy na mga nilalang sa mundo. May mga waitress din na nag-si-serve ay naka-two piece at high heels, hindi ko alam kung may mali ba at nakatingin samin lahat, ay! hindi sakin pala sila nakatingin.   “This place is so beautiful and hot! With the glass type na designs, pool and jacuzzi all over the place, look! 'yong mga drinks si-ni-serve ng mga waitress na mismong nag di-dip sa pool para ibigay iyon. At parang katulad sa silver room, made of glass ang sahig at umiilaw ito kaya nag-iiba ang ambiance ng lugar depende sa kulay nito. Loud din at party songs ang pinapatugtog dito” wika pa ng guide sa amin, “So? Iwanan ko na kayo dito at mag-enjoy nalang. If you need anything just call me okay?” Tumango kame, halos kumislap ang mga mata ng kasama ko.  Kahit nakakahumaling ang lugar kailangan kong ilagay sa isipan ko na nandito ang kalaban at ang clue na kailangan kong makuha. Patuloy lang kami sa paglalakad ng nakarating kami sa isang VIP area, agad na binati ni Ria ang isang kakilala at nakipag- kwentuhan. I took that as an opportunity para makaalis na, Pinindot ko yung earpiece  para tawagan si Gabriella.   "Gabbi, Any info?" "Natunton ko na ang lokasyon mo at base rito na sa same floor lang kayo ni Isidro. Sa gilid ng pool may hallway doon papunta sa VIP may vault na nasa likod ng malaking frame. I will hack the code once na marating mo yung location"   "Copy," tumango ako at mabilis na kumilos. Papunta na sana ako sa may hallway ng may humarang sakin. Isang lalaki at may inabot na inumin, dahil sa uhaw ko ay tinanggap ko iyon, buti na lang din at libre ang mga inumin dito   “Thanks,”   "A sweet drink, for a sweet face" wika ng lalaki, akala ko isa siyang waiter pero hindi pala. Naramdaman ko na biglang gumuhit ang inumin sa lalamunan ko. Hindi ko na lang siya pinansin at dali-dali akong lumayo at dumiretso sa hallway, sa tulong ni Gabbi ay nahanap ko yung sinasabi niyang kwarto. Walang bantay sa labas pero hindi ako maaring magpakampante maaaring nasa loob lahat nang pwedeng pumatay sa akin kaya kailangan kong maghanda.   I took the dagger from my hair kaya lumadlad iyon, pinakiramdaman ko ang kwarto pero wala akong marinig mula sa loob. Dahan-dahan ko iyong binuksan at ‘yon na lang ang gulat ko nang makita ang isang lalaki na nakahandusay sa sa kama. Duguan ito tila wala ng buhay. Sinuri ko ang silid at wala namang ibang tao maliban sa akin at doon sa lalaking patay nakita ko pa ang wallet na nasa sahig at nakita ang pangalan nito.   "Gabbi, Isidro is dead,"   "You killed him?"   "No, patay na siya pagdating ko,'  Nagtataka ako, sino ang pumatay sa kanya? imposibleng ang mga Lucan iyon. Teka, ‘yong clue! agad na pumasok sa isipan ko. Delikado ang clue, kung may pumatay sa kanya malamang puntirya din ng mga iyong clue.  “Nasa vault ka na?” tumango siya at inilapit ang relo sa tapat ng vault. Ilang sandali lang ay na-hack iyon ni Gabriella at nakita nila ang isang papel sa loob. Halos makahinga siya ng maluwag nang malaman na iyon ang hinahanap nila, agad niya iyong sinuksok sa suot niyang bra at dali-daling lumabas ng silid. Ngayon kailangan na niyang makaalis agad sa lugar na ito bago pa may makahalata sa kanya.  "I guess you're alone? don't you mind if I’ll join you?" napabalikwas siya nang marinig ang boses ng isang lalaki, Ito ‘yong lalaki na nagbigay sa kanya ng inumin kanina. "You know? You look beautiful," Sabi n’ya ng pabulong sakin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinilabutan sa mga sinabi n’ya iba ang effect nito sakin, hindi ko maintindihan, I feel hot but the same time I feel disgusted. Parang may kakaiba sa pinainom n’ya sa akin, hindi ko mawari kung ano. T*ngina, bakit hindi ko ‘yon naisip?, sa lugar pa na ito talaga?. "You know you have a hot ass for an angel like you. You want go somewhere? Just the two of us?” Sabi niya ulit kaya parang gusto kong masuka. Hindi ako Anghel no! kung dala ko lang yung ilan sa mga armas ko malamang ginilitan ko na ‘to. Napaisip ako kung paano ako makakalayo sa kanya. Madali lang patamaan ng dagger ito sa kanyang puso at hindi malabong ilang segundo ay mawalan ito ng buhay. Ganoon pa man hindi ko sigurado kung isa ba siyang Lucan. Ayoko na mandamay ng iba, lalo pa at mukhang lasing lang ang isang ito.  "Sorry, I'm with my boyfriend, nice meeting you by the way,"  Dahilan ko na lang. Hinawi ko ang kamay niya at lalayo na ako ng biglang hawakan niya ang mga braso ko. “Ano ba?!” sumunod pala s’ya sa akin at ngayon ay naglalakad na kame sa gilid kung saan may mahabang hallway. Hindi ko alam kung saan papunta ito basta binilisan ko lang ang lakad ko.  Pag ito hindi pa ako tinantanan ibabaon ko ‘tong dagger ko sa bumbunan niya.  "Oh, come on! I don't see anyone, come on Babe! I know you'll enjoy it. Hinding-hindi ka mabibitin!" Binilisan ko lang ang lakad ko ngunit humahabol pa rin s’ya. Hinubad nito ang suot na polo at doon niya nakita ang peklat sa dibdib nito, palataan na isa itong tauhan ni Olivero.  Dahil doon mas lalong kailan niyang makatakas dito.  “Sh*t!” napahawak siya sa kanyang tainga para kausapin si Gabriela “Gab, may nakasunod sakin, wala na akong makitang ibang daanan kundi ‘yong pintuan lang sa dulo ng hallway na ito” “Cil, dead end.” “s**t!” Nakikita niya na dulo ng hallway at may nakalagay doon na pintuan at may numero zero. Napalingon siya at nakita niya ang lalaki na papalapit na. Kailangan kong matakasan ang lalaking ito, bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang bumukas ito at tumambad sa akin ang isang lalaki. Madilim man ay naaninag niya ang gwapong mukha at matipunong pangangatawan nito. I can feel something building up inside me, Nakaramdam ako nang matinding init sa katawan na parang nagbubunyi ang mga ovaries ko at gustong sumabog nang makita ang lalaking ito. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang init na nararamdaman ko, pero parang nag e-echo sa tainga ko ang pagnanasa nang makita siya.  T*ngina! Ano ba itong nararamdaman ko? Kailangan ko gumawa ng paraan, kailangan ko magisip nang paraan kung hindi, hindi lang ang misyon ko ang manganganib ngayong gabing ito, kundi maski ang buhay ko.  "What are you doing here?" ramdam ko ang galit sa baritono ng boses nito. Kailangan kong magpanggap sa kanya, mukhang wala na talaga akong pagpipilian kundi gawin na ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa.  Bago pa man magsalita ang lalaki ay mabilis ko siyang hinatak para halikan.  Saglit akong lumayo, nagkatinginan ang mga mata namin, bakas sa kanya ang pagkagulat at pagtataka. Ganoon pa man, sigurado na ako. Wala nang ibang paraan para makatakas ako sa sitwasyong ito kundi sa paraang ito.  “F*ck me,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD