Pag-ibig o ang sinumpaang pangako sa pamilya? Kaya niya bang kitilin ang buhay ng lalaking mahal niya? Na siya rin lalaki na ang tanging misyon ay patayin siya?.
Ubusan ng lahi, dumaloy ang dugo at tanging ang matibay at pinaka-malakas na angkan ang maaaring matira upang maghari.
Ang angkan ng Hiraya ang nag-hari sa ilang henerasyon na nagdaan. Dumaan ang giyera hanggang sa dumating ang republika sa bansa, napanatili ang kanilang angkan nang lihim sa likod ng mundong tahimik, matiwasay na pamamalakad ng mga bagong lider ng Pilipinas.
Ngunit ng dahil sa pagiging ganid, maski ang kayamanan na ipinamana ng mga Datu ng Pilipinas ang ninanais na makuha ng mga taong nakaupo. Isang masamang organisasyon ang nabuo, na ang tanging layunin ay ang patayin at ubusin ang lahat ng Salinlahi, mga sinaunang tribo at isa na roon ang pinakamalakas.
Isang malagim na pangyayari ang umubos sa angkan. Isang asasinasyon ang naganap, ninakaw lahat-lahat nang pinaka tago-tagong kayamanan at kinitil lahat ng miyembro ng angkan, mula sa mga nakakataas, tagapagmana hanggang sa mga alipin at mga bata ay pinatay na walang awa. Ang layunin nila ay ang burahin ang Hiraya sa nakaraan at hinaharap.
Ngunit isa ang nakaligtas, Isang sangol na dapat ang kapalaran ay maging Binukot.
Upang maiwasan na maibunyag ang kanyang pagkakakilanlan at para sa kanyang kaligtasan ay minabuti ng angkan sa kanilang Tribo na itago siya.
Si Cecilia, lumaki sa buhay na malayo sa kinaugalian ay ang tanging nag-iisang Binukot ng Hiraya at buong Salinlahi. Ang kanyang misyon ay ang mapaghiganti ang kanyang angkan. Na maibalik lahat nang ninakaw sa kanila, na kitilin at ubusin lahat nang may kagagawan sa malagim na trahedya ng nakaraan ngunit isang lalaki ang makakapag-pabago sa lahat.