"Nasaan ka?" Tanong ni Gabbi sa kanya sa kabilang linya ang totoo hindi niya alam ang idadahilan niya. Kagabi pa siya hinahanap nito at kung ano-ano nang ginawa niyang palusot para lang hindi maghinala ang kaibigan.
"Nasa Tagaytay," Sagot niya habang naka-ngiti.
"Tagaytay?" Wala na siyang maisip mabuti na lang at malaman ng kaibigan kung nasaan siya, ayaw na rin kasi niya mag-sinungaling pa. Hindi niya sasabihin ang dahilan kung bakit siya na sa lugar na ‘to at kasama niya ang kanyang kasintahan.
"Sino kasama mo riyan? bakit ka nand’yan?" Napakagat siya sa kanyang labi habang ini-isip si Agos at ang mga pinag ga-gawa nila simula ng makarating sila sa magandang lugar na ito.
"Gusto ko lang magpahangin," Pagsisinungaling niya.
"Good," napa-kunot ang noo niya. Inaasahan niya kasi na bulyaw ang matatanggap niya. Na magagalit si Gabbi kasi umalis siya at pumunta sa malayong lugar.
"Hindi ka galit?"
"Diyan ang susunod mong misyon," Napatigil siya, hindi niya napigilan ang ngiti sa labi niya.
Sinuswerte nga naman talaga oh.
"Talaga? ang galing! buti na lang talaga naisipan ko pumunta rito. Kakaiba talaga ang lukso ng dugo ko pagdating sa mga misyon," Mabuti na lang rin at dala niya ang ilan sa mga gamit niya. Itinago niya iyon sa bag na dala niya, hindi naman napansin iyon ni Agos, kaya kampante siya.
"Ipapadala ko ngayon sa’yo ‘yong mga impormasyon na kakailanganin mo para sa misyon," Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone niya at binasa lahat ng ipinadala ni Gabbi.
Jewelry auction sa private Villa sa Carmellence. Iyon ang nakalagay sa mensahe na natanggap mula kay Gab. Napatigil siya, nasa Carmellence siya ngayon. Dito sila namamalagi ni Agos ngayon at napansin niya nga na parang magkakaroon ng event ngayon dahil sa rami ng tao sa lobby kagabi.
Sakto, hindi na pala niya kailangan lumayo pa. Mukhang mapapadali ang misyon niya. Isa pa, hindi makakahalata si Agos kung sakali mawala man siya mamayang gabi.
Ibinaba niya ang hawak na cellphone at inumpisahan ng isipin ang isasagawang plano. Ngunit naudlot iyon ng isang bisig ang bumalot sa kanyang katawan.
"Goodmorning, Love." mahinang wika nito sa kanyang leegan habang dinadampian ng mumunting halik ang parte iyon. Hindi niya napigilan ang mapangiti at mapahawak sa kamay nito na nasa kanyang bewang. Hinapit pa iyon para mas lalong mag-lapit ang katawan nila, "Good Mornig, Mahal." Isang halik din ang ginawad niya kay Agos.
"Nagugutom ka na ba?" mahina siyang napatango bago hinarap ito "ikaw ba are you hungry na rin?" Lumapad ang ngiti ni Agos bago hinalikan ang labi niya "Hungry for your love2," Naramdaman niya ang biglang pag-init ng kanyang pisngi at niyakap ito. Pagkatapos ay mapang-akit na bumulong sa tainga nito,
"You can eat me later if you want," Mas lalong na lumpad ang ngiti ni Agos bago binaklas ang kumot na bumabalot sa hubad nitong katawan "How about now?" tila nanghina ang kanyang mga binti sa pag-titig nito sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay pinagmasdan ang kanyang katawan. It's 7 in the morning kakagising pa lamang nila at eto na naman si Agos gusto na namang angkinin siya.
"If you want," Nanginig ang boses niya ngunit hindi niya ‘yon ipinahalata sa binata. Kahit sa ilang beses na may nangyari sa kanila kinakabahan pa rin siya. Hindi pa rin siya sanay lalo na sa tuwing may mangyayari sa kanila ng kasintahan may mga bago siya na nadiskubre rito. Mas lalo siyang na a-akit sa kanyang Kasintahan dahil sa mga pinaparanas nito sa kanya. Alam niya nararamdaman niya na. Totoong gusto na niya ito.
Hinapit siya uli nito matapos ay agad na siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Her heart skip a beat everytime he kiss her daig niya pa ang isang lupa na tigang na muling nadiligan sa halik lamang nito. Katulad na lang itong umaga ay may nangyari na naman sa kanila. Tila hindi niya ata alam ang salitang pagpipigil sa tuwing nasa tabi niya si Agos.
"So marunong ka pala mag-luto?" napalingon sa kanya si Cecilia na agad niyang hinalikan . Napangiti ito at bumalik na lang uli sa pagluluto habang siya ay patuloy pa rin sa pag tutuyo ng kaniyang buhok.
"Hindi naman masyado. Konti lang saka prito lng naman ‘to, ang dali-dali lang kayang mag prito kung tutuusin,"
"Hindi ka takot sa mantika? Sige ka matalsikan ka," napangisi si Cecilia at ibinaliktad ang steak sa kawali.
"Bakit naman ako matatakot,?"
"Kasi nga baka matalsikan ka," wika ni Agos bago niyakap s’ya mula sa likuran.
"Bakit? may namatay na ba dahil natalsikan ng mantika? Maluto siguro ng buhay meron pero ang matalsikan wala pa kong naririnig na namatay ng dahil lang doon," Napatili si Cecilia ng bigla siyang kilitiin ni Agos sa tagiliran, nagulat siya kaya nahampas niya ito, "Agos, ano ba mamaya matalsikan tayo?" Napahalakhak si Agos at niyakap s’ya habang inilalayo ang kawali sa kanila.
"Ngayon natatakot ka na kasi baka matalsikan tayo?"
"Eh kasi nandyan ka na, iniisip lang kita at baka matalsikan ka," Malambing pa na sabi niya kay Agos bago hinaplos ang pisngi nito.
"So ‘di ka natatakot para sa sarili mo? Natakot ka kasi baka mapaano ako?. Akala ko ba ‘di dapat katakutan ang mantika? you said wala naman namamatay sa talsik hindi ba?"
Humarap sa kanya si Cecilia at napatikhim "Nag-aalala lang ako," Aniya kaya pinakatitigan niya si Cecilia sa mga mata.
Hinalikan niya ang noo nito "Sorry na pala,"
Tumango si Cecilia at bumalik sa paglulutongunit napatingin si Agos sa kutsilyo sa gilid lamang ng lababo. Dahan-dahan siyang umusog at sinadyang tabigin iyon dahilan para mahulog at akmang babaon ang talim sa mga paa niya pero bago pa man ay nasalo iyon ni Cecilia ng walang kahirap-hirap
“Agos, ano ba?!" Kinabahan na saway nito bago ibinalik ang kutsilyo sa ibabaw ng lababo. Napaiwas si Cecilia ng tingin kay Agos. Halos manlambot siya at matinding kaba ang bumalot sa kanya.
Naiinis siya "See bakit mo ginagawa ‘yan para sa akin Cecilia?"
"Nananadya ka ba?" Tanong ni Cecilia bago napatingin sa kanya ng masama "Agos naman, hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ha? Gago ka ba? Kinabahan ako, paano kung bumaon yung kutsilyo sa paa mo?"
"Hindi ka natakot para sa sarili mo, What if sayo tumama ang kutsilyo? Na diyan sa palad mo bumaon ‘yong talim?"
"Wag mong binabaliktad ang--"
"Are you even afraid of dying Cill?"
Napahinto si Cecilia bago umiwas ng tingin "No," unti-unting tumulo ang luha niya. Hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit ganoon kabilis ang emosyon niya. Hindi niya maintindihan si Agos at tanging nararamdamn niya lang ay ang labis na pag-aalala lalo na ng sa nangyari kanina.
"Hindi ako takot na mamatay, Agos. Takot ako sa kamatayan ng mga taong mahalaga sa’kin. Kinabahan ako kanina natakot ako kasi paano kung ‘di ko nasalo edi tusok ang paa mo?. Ikaw may gawa nito sakin kung bakit ako nagkakaganito, ano masaya ka na?" Pinahid niya ang luha niya “Ayos na ba na pinag-alala mo ako?" hinapit siya ni Agos nang yakap bago hinalikan ang noo niya. Hindi inaasahan ni Agos na iiyak ito.
"I'm sorry, inaasar lang kita,"
"Pwes hindi nakakatawa," Akmang lalayo siya pero hindi siya binitawan ni Agos. Bagkus, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"I'm sorry love, hindi ko na uulitin" Tinignan siya ni Cecilia sa mata at saglit na dinampian ng halik ang labi niya.
"Huwag mo na ako pagaalahanin ng ganon ha?"
"Yes, Love. I'm sorry," tila napawi ang galit nararamdaman ni Cecilia kanina. Parang nilunok niya ang pagiging matigas niya at agad na lumambot ang damdamin pag dating sa kasintahan. Hindi niya kayang tiisin ito.
"You are so special to me. Alam mo ba ‘yon?" aniya kay Agos bago dinampian ang labi nito, tila nagulat din ang binata dahil hindi ito agad tumugon pero hindi rin nagtagal ay tinaggap din nito ang mga halik niya.
“Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon, Agos. Pero ‘pag kasama kita, parang tumatama lahat. Nagiging ayos ang lahat," hinaplos nya ang pisngi nito at dinampian ng halik. "And I'm so thankful that you are here with me. Na boyfriend kita," muling sabi niya, tila hinihintay ang tugon ni Agos sa kanya. Tinitigan niya si Agos at hinaplos ang mukha nito
"Mahal na ata kita, Agos."
Napangiti si Agos at hinplos ang mukha n’ya, "Ako rin, Cecilia. Mahal na ata kita,"
***
"Cecilia, sagutin mo ang tawag please," mahina niyang wika sa sarili habang nagtatago sa maliit na espasyo sa kanyang silid. Hawak-hawak ang isang baril sa kanyang kaliwang kamay, habang pilit na tinatawagan ang numero ni Cecilia pero hindi ito sumasagot. Tanaw sa maliit na siwang ay may nakita siyang sampung kalalakihan na pumasok sa kwarto niya. Kanina lamang ay kausap niya si Cecilia ngunit agad niya itong ibinaba ng makita ang mga armadong kalalakihan na pumasok sa headquarters nila. Nakasuot ang mga ito ng kulay itim at dikalibreng mga baril ang dala-dala. Alam niya kung kaninong mga tauhan ang mga ito.
Ang kampon ng Lucan. Mga tao ni Olivero. Hindi niya alam kung papaano natunton nito ang headquarters. Iniisip niya na baka may nakasunod sa kanila noong nakaraang misyon. O talagang matindi ang pag-mamat’yag na ginawa ng mga ito para lamang matunton sila. Ang tanging malinaw ngayon ay nasa panganib ang buhay n’ya.
‘Yon ba ang dahilan kung bakit tila tahimik lamang sila at hindi naapektuhan sa sunod-sunod na pagsalakay nila?. Ngunit mabuti na lamang at wala si Cecilia dito ngayon. Kung hindi, ‘di niya alam ang mangyayari kung sakaling mapasakamay nila si Cecillia.
Gusto niyang sabihan ito na wag na munang umuwi dahil maaring maging patibong ito ng Lucan para makuha siya. Ngunit alam niyang ay ilang saglit na lang ay matutunton na siya ng mga tauhan ni Olivero.
Hindi puwedeng mapasakamay nila ang telepono na ito dahil baka matunton nila ang kinaroroonan ni Cecilia. Kaya naka-isip siya ng paraan para itago iyon. Puno ng kaba na lumabas si Gabbi sa cabinet at maingat na tinungo ang banyo dali-dali niyang inalis ang mga gamit na nakalagay sa ziplock bago kinuha iyon at isinilid ang cellphone sa loob nito. Maingat niyang inangat ang takip ng itaas ng toilet kung saan may tubig. Inilaglag niya ang cellphone na naka sealed sa ziplock bago ibinalik ang takip. Pinatay niya ang source ng tubig bago ifinlush ang toilet.
Naglikha iyon ng ingay kaya halos kumabog ang dibdib niya ng makarinig ng sunod-sunod na yabag papunta sa kinaroroonan niya. Napakabilis ng pangyayari. Sunod niyang narinig ang malakas na kalampag ng pinto na nasira at tumilapon iyon sa sahig. Sunod ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Nanghina ang buong katawan niya. Nanlabo ang kanyang paningin. Sunod ay nararamdaman ang mainit na dugo na dumadaloy sa kanyang tagiliran. At tanging mga anino ng mga di kilalang kalalakihan ang huli niyang nakita bago tuluyan siyang mawalan ng malay.
***
"Agos, may kikitain lang akong kaibigan na taga rito sa Tagaytay ha? Kaya wede bang umalis ako mamaya?" Paalam niya kay Agos. Kailangan niyang gumawa ng dahilan para makaalis siya mamaya at maisagawa ang kanyang misyon. Kanina pa niya pinag-isipan ito ng mabuti kung paano makaalis ng hindi nakakahalata ang binata. Ngunit mukhang alanganin dahil tila ayaw humiwalay nito sa kanya. "Please medyo matagal na kaming hindi nagkikita kaya baka rin gabihin na ako. Alam mo naman kailangan marami kaming pag-uusapan,"
Pasaglit siyang tinitigan nito bago hinawakan ng mahigpit ang kamay niya "Ganon ba?"
"Oo sana,medyo matagal na kaming di nagkikita ‘non eh,"
"Ah, sige. ‘Kong ganon naman pala makikipagkita na lang din ako sa isang client. Nanrito lang naman sa area. Gusto makipag-meeting kaso iniisip ko na wala ka kasama rito,"
Gumuhit ang tuwa sa mga mata ni Agos “Buti na rin pala. Maganda ‘yan, makipagkita ka”
Biglang humigpit ang kayap sa kanya nito "Pero I just want to stay here with you love" paglalambing ni Agos kaya napangiti siya. "Don't worry, pag-uwi na pag-uwi ko babawi ako, Pangako yan,"
"Promise?" tanong nito kaya hinalikan siya sa labi ni Cecilia.
"Promise,'
"Sige," Pag-payag ni Agos kaya labis na tuwa ang naramdaman ni Cecilia.
"Maliligo na pala ako at nanlalagkit na’ko," saglit niya pang dinampian ang labi nito bago magiliw siyang tumayo mula sa kandungan.
"Love you" Sambit pa niya pagkatapos ay kumakanta patungo sa may banyo. Ngayon makakapaghanda na siya para sa misyon niya mamayang gabi.
***
Pinagmasdan niya si Cecilia na magiliw na patungo sa banyo. Aaminin niya, Napapangiti siya nito pero hindi niya pa rin naman alintana ang panganib sa tunay na pagkakalinlan ng dalaga. Hindi pa rin wari sa isipan niya na maaring may itinatago ito at may kinalaman rin sa kanya.
Napailing siya at pilit na pinigilan ang mga ngiti sa labi ng tuluyan ng mawala sa pansin niya ang dalaga. Gusto niyang hulihin si Cecilia sa tunay na pakay nito. Sinadya niya na dito dalhin din si Cecilia kung saan gaganapin ang auction. At mamaya niya malalaman ‘kong ano talaga ang kaugnayan ni Cecilia sa angkan nila. Ano ang tunay na pakay ni Cecilia at ang tunay nitong katauhan.
Habang naliligo si Cecilia ay tumungo siya sa mga gamit nito, kinuha niya iyon na pagkakataon para alamin kung may mga bagay na itinatago ito. Maliit lamang ang bag na dala ni Cecilia, hindi naman niya sinabihan ito na dito sila pupunta kaya wala rin itong dala na mga damit. Siya na nga lang ang bumili ng mga susuutin nito. Ngunit pansin niya rin na halos hindi bitawan ni Cecilia ang bag niya. Hindi malabo iyon sa dami ng armas na nakita niya sa apartment nito.
Oo, lingid sa kaalaman ng dalaga ay nagtungo si siya sa apartment nito. At wala si Cecilia ‘nong gabing iyon, taliwas sa sinabi nito na doon siya natulog ng gabing iyon.
Hindi niya inaasahan na isang damakmak na armas ang nakatago sa apartment nito, dahil iba't ibang klase ng lethal weapon ang naroon. Handgun, rifles, shotgun, edge and bladed weapons. Halos lahat ng klase ay naroon, at lahat ay fully loaded. May na sa ilalim ng kama niya, sa ilalim ng lamesa, lababo at sa kahit anong sulok ng apartment nito. Pero higit pa roon ay may isang part ng apartment nito, na nakatago ang isang bag at halos puno ito ng mga bagong weapon at spy equipments. May malaking pera rin ang nakalagay doon.
Ngunit wala pa rin siyang ebidensya na si Cecilia nga ang nasa likod ng mga pagnanakaw ng mga kayamanan sa mga Lucan. Alam niyang mapanganib na tao si Cecilia at maaring kalaban nila ngunit kailangan niyang makasiguro. At ‘kong ng si ito nga ang nasa likod ng mga pag-atake sa angkan ng Lucan ay kailangan niya itong masaksihan. Kai ‘kong si Cecilia nga iyon malamang hindi niya papalagpasin ang auction mamayang gabi. Kaya rin ba ito malayang sumama sa kanya dahil alam nito na dito gaganapin sa tagaytay ang susunod na auction ng Lucan?. ‘Kong ganoon, malamang nakahanda ito sa pag atake mamayang gabi.
Binuksan niya ang bag nito at maingat na tinanggal ang laman. Walet iilang makeup at kung ano pang gamit nito sa bag ang naalis na niya ngunit nanatili itong mabigat. Kinapa niya ang bag at tila may kung ano pang nakatago sa loob kaya maingat niya iyon sinuri at sa hindi siya ngkamali dahil may nakita siyang secret pocket sa loob ng bag. Isang 99mm beretta 90two pistol ang naroon. Isang dagger combat knife at knuckle duster dagger weapon. Malilit lamang ang dagger at napaka dali lang itago ang mga iyon. Hindi na kailangan ng napakaraming armas ni Cecilia dahil sa mga dala lamang nito ay nagpapatunay na bihasa ito sa pakikipag laban.
Ibinalik niya lahat ng laman ng bag nito. Sinigurado na hindi mapapansin nito na nagalaw ang mga iyon. Nang biglang may mahulog na bagay sa sahig. Dahan-dahan niya iyong kinuha at nakita ang isang kwintas.
"Haliya" aniya habang tinitignan ang hugis luha na pendant sa kwintas. Agad niyang ibinalik ang kwintas sa bag nito ng marinig niya na mawala na ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower. Napatingin siya sa dalaga na nakatapis at lumabas ng banyo. Malawak ang ngiti nito sa kanya.
"Na sa kanya ang kwintas na haliya," isa ito sa mga nawalang alahas na ninakaw sa safehouse ng Lucan. Dahil ‘don alam na niya. Si Cecilia nga ang nasa likod ng mga pag-atake sa Lucan. At hindi malabo na gumawa lamang ito ng dahilan dahil ang totoo ay a-atake na naman ito mamayang gabi.
Kailangan niyang mahuli ito sa akto. At mamayang gabi, papaaminin niya ito sa tunay na katauhan nito. Mamayang gabi rin matatapos ang pagpapangap niya sa dalaga. At sisiguraduhin niya na kapag isa si Cecilia ay ang hadlang sa mga plano niya ay maaring mamayang gabi rin ay dadanak ang dugo nito sa mga kamay niya.