Kabanata 11

2380 Words
"Mga Tanga! isang tao lang ang kalaban ninyo pero hindi niyo pa mahuli! Mga walang kwenta!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong silid. Halos hindi makakibo ang limang tauhan na nasa kanyang harapan. Nakatayo lamang at nakayuko. labis ang takot na nararamdaman nila ngunit hindi nila pwedeng ipakita iyon sa kanya, dahil tiyak na kamatayan ang babati sa kanila katulad ng tatlong lalaki na nakahandusay sa sahig. "Matinding pagbabantay po ang aming ginawa pinuno, ngunit na-hack po nila ang system. Masyadong maingat sila ni walang bakas mula sa kalaban" "Papaano naging matindi ang pagbabantay ninyo eh hindi n'yo nga nahuli! Umalis kayong lahat sa harapan ko!" Sigaw nito pabalik at dali-daling lumabas ang mga tauhan sa silid. Tumuon naman ang pansin nito kay Agos na nanahimik lang sa isang sulok. "Ikaw na lang Agos, kamusta na ang sinasabi mong misyon?" umangat ang tingin sa kanya ni Agos bago ngumiti. "Wag kang mag-alala gumagawa na ako ng paraan," "At anong paraan naman 'yang naiisip mo?" "Manahimik tayo," sagot ni Agos kaya naging palaisipan iyon sa kanila.  "Anong manahimik? Milyones na ang nawala papano tayo mananahimik?" "Magtiwala ka kay Agos," napalingon sila ng marinig ang isang boses na ngayon ay kakapasok lang ng silid nakakatakot ang aura nito at kung kinakatakutan si Arim sa kanilang grup ay mas higit pa ito.  "Aman" agad na nag bigay galang si Arim. Hinalikan nito ang pulang singsing  na nagsisilbing sagisag ng pagka-kataas taasang Lucan nito "Pero mahal na Aman." "Kung sino man ang bumabanga sa Lucan ay mistulang bubwit lamang. Hayaan mong isipin nila na 'di tayo naapektuhan sa mga ginawa nila. lalapit at lalapit yan," wika pa nito bago hinawakan ang balikat ni Agos. "Ano ang plano mo?" "Gagawa tayo ng bitag. Papaniwalain natin sila at kapag nasanay na sila, sila mismo ang lulusong sa bitag na ginawa natin'' sagot nito kaya napangisi si Olivero.  "Mabuti pa ito si Agos, nag-iisip. Hindi nagpapadala sa bugso ng damdamin. Arim, sa isang digmaan kailangan magbuwis ng buhay para sa ikabubuti ng lahat. Ang mga namatay sa nakaraang inkwentro ay alay lamang sa pagwawagi natin sa digmaang ito," Wika ni Olivero bago napahawak rin sa braso ng kanyang anak na si Arim "Maliwanag mahal na Aman" "Mabuti kung ganon, maari mo ba munang iwan kame ni Agos?" "Masusunod po Aman," Lumabas si Arim kaya naiwan sa silid si Oliver at Agos. Agad naman nag-salok si Agos ng inumin para ibigay sa kanyang ama. "Kamusta ka na anak?" "Maayos naman ama, ikaw kamusta ang kalusugan mo?" tanong niya ng makaupo ito sa tabi niya. "Mabuti naman ako, malakas pa rin at hindi magpapatalo sa kung sino man ang ba-banga sa angkan natin. Kamusta ang misyon mo?" Sabay silang uminom ng alak, natuon din ang pansin niya sa singsing ng ama ng ilipat ito sa kabilang daliri nito. "Nagmamatyag pa rin ako sa kalaban, inaalam ko rin kung saang ankan ang tumutuligsa sa atin," "Mabuti naman kung ganon" napabuntong hininga ito "Eh ang isa mo pang misyon? Kamusta na?" tinapik niya ang balikat ni Agos bago tumawa. Napangiti si Agos dahil alam na niya ang tinutukoy nito. "Wala pa rin ama, matagal pa siguro' "Isipin mong mabuti ang mga bagay bagay Agos. Pagtuunan mo ng pansin ang tunay mong misyon sa pamilyang ito" Napabuntong hininga siya bago napainom nalang ng alak "Alam ko po yon Aman" *** "Saan ka pupunta?" s**t! sabi ko pa naman hindi na ako magpapaalam kay Gabbi pero nahuli pa din ako. Nilingon ko siya bago nginitian "Doon lang" Tinaasan ako nito ng kilay bago agad na lumapit "Saan ang doon lang?" Grabe naman 'to si Gab, daig pa nanay ko "May lakad lang ako Gabbi, gusto ko lang mag chill tonight" Tumango siya bago umupo na sa sofa sa sala, mabuti na lang at hindi na ito nagtanong ng kung ano-ano pa  "Magiingat ka Cecilia, mag enjoy ka muna ngayon hanggang nagpapalamig pa tayo sa mga mata ng mga Lucan," "Wala pa din bang next mission?" Umiling ito "Kailangan muna nating mag-ingat sa ngayon, isa pa hindi pa lubos malinaw kung saan ang susunod na target natin dahil parang may kulang doon sa last clue na nakuha mo. Siguro magpahinga ka na muna sa ngayon dahil matindi rin ang dinanas mo noong nakaraang misyon, kaya ako na lang muna ang magmamanman sa kalaban ngayon," "Sigurado ka ba riyan?" muli itong tumango "Ako na muna ang bahala pag may makita akong kahina-hinala pagsasabihan agad kita--" "Salamat Gabbi," Tumango ako sa kanya bago nilapitan siya "Mag-ingat ka Gabbi ha?" "Ikaw rin. kahit saan ka magpunta o kahit na sino ang makipag-usap sayo magiingat ka. Hindi natin kilala ang tunay na anyo ng mga kalaban kaya please Cill, magiingat ka," "I know, salamat" kinuha ko ang sling bag ko bago umalis na. Tama naman si Gabbi dapat lagi akong mag-iingat dahil hindi nga namin kilala ang mga nasa likod ng mga Lucan, kung sino-sino ang mga tauhan nila. Maaring nasa paligid lang sila at nakamasid lang samin kaya matinding pagiingat ang gianagawa ko.  Sana maging ligtas din si Gabbi, wala na akong maituturing na pamilya maliban sa kanya kaya nag-aalala din ako sa isang iyon.  Napabuntong hininga siya bago napatingin sa dinadaanan ng sasakyan niya, nagpapasundo siya kay Agos sa apartment niya kung saan nagpapangap siya na doon talaga ang tirahan niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin ang headquarters nila ni Gabbi dahil delikado, at isa pa walang alam si Gabbi sa relasyon na meron sila ngayon ni Agos. Pagka-park kanyang motor medyo kalayuan sa apartment na tinutuluyan niya. Hindi kasi pwede makahalata ang mga taga doon tungkol sa kanya, ang pagkakaalam lang kasi ng mga ito ay simpleng nag oopisina lamang siya. Walang gaanong pera kaya nagtitiis sa apartment na mumurahin at uuwi lang doon para magpahinga, pero simula ng umalis siya sa trabaho ay hindi na rin siya nakauwi dito kaya malamang magtataka rin ang mga chismosang kapitbahay niya kung sakaling ipapark niya ang mamahalin niyang motor sa tapat ng apartment.  Nako mamaya makatay pa yon doon sa lugar namin no. Nang makarating siya sa apartment agad siyang binati ng mga kapit kwarto niya. Ang iba nakikichismis kung bakit ngayon lang siya umuwi. Sinabi na lang niya na may seminar sa ibang bansa ang kumpanya niya kaya ilang linggo rin siyang nawala. Isinara niya ang pinto ng apartment at pinagmasdan ang buong silid. Maayos pa rin, walang nagbago simula ng umalis siya rito. Narito ang ilan sa mga gamit at armas niya na nakatago sa bawat sulok ng silid kung saan siya lang ang nakakaalam.  Ibinaba niya ang sling bag sa maliit na mesa at tumungo sa kusina para uminom ng tubig ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad siyang napangiti, alam niyang si Agos na iyon dali-dali siyang lumabas ng apartment at nakita si Agos na nakasandig sa sasakyan nito.  "Hey," matamis ang ngiti sa labi nito.  "Narito ka na pala?" aniya pa sa binata bago napalingon sa mga chismosang kapitbahay nila na malapad din ang mga ngiti. Mga echosera talaga 'tong mga 'to "Hindi mo ba nabasa ang text ko?" tanong pa nito bago lumapit sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Hindi, ano ba 'yon?" "I said baka pumunta ako ng maaga. Miss na kasi kita" Pasimple siyang umiwas ng tingin bago ngumiti. Ano yan Cecilia? nag-ba-blush ka ba? Gusto niyang pagalitan ang sarili kasi pakiramdam niya ang landi -andi niya. Ngunit naisip niya, bakit? sila naman na at may karapan naman na siya sa binata. Lalandiin niya ito kung kailan niya gusto. Ipinalibot niya ang kamay niya sa braso nito "Miss na rin kita," Hinaplos ni Agos ang mukha niya, "Sabi na nga eh. So, maaga pa naman. Ayos lang ba na d'yan muna tayo sa loob?" Tanong ni Agos kaya napatingin siya sa paligid nila. Parami nang parami ang mga nakikiosyoso sa kanila. Kaya naisipan n'ya na mabuti pa nga at pumasok na sila sa loob.  "Tara," Hinatak niya si Agos papasok sa apartment niya. At nang isara niya ang pinto ay agad siyang hinalikan nito na kanya rin niyang tinugon.   Aayaw pa ba siya e nandiyan na ang grasya? "Kanina pa kita gustong halikan alam mo ba 'yon?" Wika ni Cecilia bago kinagat ang labi ni Agos.  "Sus, bakit di mo ginawa?" "Madaming nakatingin. Gusto ko tayong dalawa lang. Ayoko naman na mag fantasize sila sa'yo o sa'kin" napatawa siya bago mahinang hinampas ang pisngi nito.  Susko napaharot talaga! "Grabe naman 'yon, gusto mo lang siguro akong solohin ngayon?" aniya kaya lumapad ang ngiti ni Agos. "Bakit mo alam?" muli siyang hinalikan nito sa labi pero pinigilan na siya ni Cecili, "Oops! tama na nakakarami ka na, mamaya na lang ulit at baka 'di na tayo makaalis,"  "Kung sa bagay tama ka" pinaupo niya si Agos sa pang dalawahan na sofa bago tumungo sa kusina.  "Pag pasensyahan mo na ang apartment ko, medyo mainit," Turo niya pa sa bentilador sa gilid, "Wala akong ma i-aalok sayo dahil walang laman ang ref ko, ayos lang ba na tubig lang muna?'' "Pwede ba ikaw na lang?" Napailing na lang s'ya sa kalokohan nito. Kumuha siya ng baso at sinalukan ng tubig na maiinom si Agos. Dadalhin na niya sana ito sa binata pero laking gulat niya ng mapunta na ito sa likod niya.  Hindi niya ito napansin kaya kamuntikan na din matapon ang tubig dahil sa pagkabigla "Ginulat mo naman ako" "Napawi mo na 'yong uhaw ko kanina sa mga halik mo. Sabi ko naman sa'yo ikaw lang sapat na," "Sus! ang bola mo," "Hindi kita binobola Cecilia, 'di ko binobola ang girlfriend ko," ngisi pa nito.  He said it, he said the word girlfriend.  "Why what's wrong?" umiling siya bago niyakap si Agos.  "Wala lang medyo bago lang sa pandinig. Alam mo na,  you're my first, you are the first man I had. My first boyfriend kaya lahat ng 'to bago para sakin. Pero teka ang monthsary na'tin is 25 wag mong kalimutan ah?" Lumapad ang ngiti ni Agos bago muli siyang niyakap "Papaano ko makakalimutan eh iyon ang pinakamasayang gabi sa talambuhay ko," Napakagat labi si Cecilia bago mahinang tinampal ang pisngi nito "Bola talaga," "Hindi nga 'yon bola. At masasanay ka rin love. I promise you that," Ngumiti si Cecilia "promise?" Tumango ito kaya niyakap siya ni Cecilia "Thank you, Agos." "You're welcome Love, anything for my sweet peanut," Dinampian siya ng halik ni Cecilia sa mga labi bago tumungo sila sa sala. Nagpalibot ang tingin ni Agos sa silid "Matagal ka na ba nag-stay dito ?" "Oo, pero uuwi lang ako dito para matulog. Na-busy kasi ako sa dati kong trabaho," Tumango-tango ito "Dito ka natulog kagabi?" Napaiwas siya ng tingin "Oo" "Ahh--" Sana hindi nito napansin na hindi siya nag-stay dito ng ilang linggo.  "Mag-isa ka lang dito sa bahay na 'to mahal?" Tumango siya "Minsan may mga kaibigan akong pumupunta rito, usually 'yong mga friends ko from work. O kaya naman ako mag-stay sa apartment nila kaya minsan na lang din ako nakakauwi," "Can I visit you more often here?" Pigil siyang tumango bago hinawi ang kanyang buhok.  Ang haba-haba na talaga ng hair niya *** Hindi niya alam kung san siya dadalhin ni Agos, tinanong siya nito kanina at sinabing surprise daw kaya hindi na siya nag-pumilit pa. Hindi rin siya pamilyar sa daan na tinatahak nila. Kung ano-ano na pumapasok sa isipan niya pero winaksi niya iyon at nagtiwala na lang sa binata. Pasado alas sinco na nang huminto ang sasakyan nila sa isang restaurant. Pinagbuksan pa siya ng pinto ni Agos na kanya talagang ikinatuwa.  Wala pa kasing gumagawa ng ganoon sa kanya. Iniisip niya na napaka swerte niya dahil napaka gentleman ni Agos. Napatingin siya sa paligid. Mapuno at napaka lamig "Nasaan ta'yo?" "Tagaytay' "Ha?" Napangiti si Agos at hinawakan ang kamay niya "Tara pasok na tayo," Gulat pa rin siya dahil hindi niya akalain na nasa tagaytay sila. Napakalayo nila sa Maynila kaya naman pala ang tagal ng byahe. Magkahawak ang kamay nilang pumasok sa loob ng restaurant. Walang tao maliban sa mga crew na naroon kaya niya ipinagtaka.  "Bakit walang mga tao?" "Ni-reserve ko ang place for us," "Ha?" Tumungo sila sa labas na parte ng resto. Kitang-kita ang buong tanawin ng Tagaytay at ang napakagandang Taal. Pa-lubog na ang araw kaya nagmistulang paraiso ang paligid dahil na rin sa mga paper lamp na nakakalat sa may lapag. The sun set and the view is to die for. Labis na pagkamangha ang kanyang nararamdaman. Hinalikan ni Agos ang likod ng palad niya "For you my love," Ikinagulat niya rin ng may iabot itong bouquet of red roses sa kanya. Sunod ay binigyan pa siya nito ng isang box na may ribbon at ng buksan niya iyon ay puro chocolates ang laman. Hindi siya nakapagsalita agad at napatitig na lang sa binata. "Did you like it, my love?" Tumango siya at agad na niyakap ito, "Agos, ang ganda ganda rito!" "Alam kong magugustuhan mo 'to," "Sobra! Thank you," Para siyang batang paslit sa sobrang giliw sa surpresa ni Agos sa kanya. Hindi pa siya nakapunta sa Tagaytay at isa pa sa lugar na ganito kaganda. Bukod pa 'don wala pang nagbibigay sa kanya ng bulaklak at chocolates sa talambuhay niya. Si Agos pa lamang. "Anything for you love. Alam kong masyadong mabilis ang nangyari sa'tin. Hindi man lang kita niligawan para mapasagot kaya ito gusto kong bumawi sayo. Liligawan kita kahit ta'yo na Cecilia. Because you deserve it. Hindi ko man maipapangako na maging perfect boyfriend, pero sisikapin ko naman maging best boyfriend sa'yo," Masayang sabi ni Agos habang hawak hawak ang kamay niya  "Thank you Cecilia at hinayaan mo akong maging parte ng buhay mo," "Oh Agos!" hindi alam ni Cecilia kung ano 'yong bigla niyang naramdaman. Para siyang naluluha na ewan. Wala siyang ibang maisip kundi ang hapitin ito ng sobrang higpit. "No Agos, thank you dahil dumating ka sa buhay ko. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya," Ramdam niya ang bilis ng t***k ng puso niya. At that moment, she knew. She's really falling for him. Hindi na ito biro. Alam niyang hindi dapat pero wala na siyang pakialam pa. Sana totoo rin ang hangarin ni Agos para sa kanya. Sana nga talagang gusto siya nito. At di malayong mahalin siya ng totoo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD