CHAPTER 1
Nagkukumahog siya sa pagsakay ng bus sa terminal. Na-late na kasi siya sa paggising kaya naman kahit na nakita niyang puno na ito ay nagpumilit pa rin siya sa pagsakay at isiniksik ang sarili niya para hindi na rin siya maghintay ng next bus at ma-late sa papasukan niya.
Hindi na rin naman siya nahirapan sa pagsingit sa pagsakay dahil bukod sa may kalakihan naman ang kanyang katawan na hubog sa suot nitong polo bilang uniporme, matangkad rin siya sa taas na lima’t sampu. Kaya niyang makipagbalyahan sa ibang pasahero at makasingit.
Sa bandang gitna siya tumayo at pumwesto dahil hindi na rin naman siya makakausog pa sa dulo dahil may mga nauna nang nakatayo. Wala ng mauupuan kaya naman nakatayo siya sa loob ng bus na hindi pa rin umaandar dahil talaga yatang pupunuuin pa ang sasakyan.
Mabagal na napailing-iling lamang siya dahil sa pagkakaalam niya, bawal ang overloading pero sige pa rin ang bus driver at konduktor. Huwag na lang sanang mahuli dahil kung sakali man, dagdag pa iyon sa perwisyong daranasin niya sa kanyang biyahe dahil tiyak, pabababain silang lahat dito at maghahanap na naman ng panibagong masasakyan. Minsan, pasaway talaga ang mga driver at konduktor na ikinaiinis niya.
Nakasabit sa kanyang leeg ang kanyang company ID, makikita doon ang kanyang pangalan, posisyon at kung saan ito nagtatrabaho.
Siya si Vandorpe Miranda, nagtatrabaho bilang IT specialist sa isang kilala at respetadong kumpanya sa bansa. Makikita din sa kanyang suot na ID ang kanyang litrato, gwapo na siya roon pero mas gwapo siya kung titingnan sa personal.
Maikli ang gupit ng kanyang itim na itim na buhok na bumagay sa hulma ng kanyang may kaliitang mukha na maamo. Makapal ang maitim na kilay. Chinito ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at may kanipisan ang kanyang natural na mapulang labi. Wala siyang bigote at balbas kaya malinis siyang tingnan. Maputi ang kanyang makinis na balat.
Maganda din ang kanyang pangangatawan. Maumbok ang kanyang dibdib na hubog sa suot nitong polo, flat ang tiyan at mahahaba at malaki ang mga hita at binti na hubog naman sa suot nitong slack pants na itim na yumayakap sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Bumagay sa magandang katawan nito ang katangkaran.
Sa wakas ay dahan-dahang umandar na rin ang bus hanggang sa mapunta na ito sa daan. Nakuntento na yata ang driver sa naisakay niya. Sa magkabilang gilid ni Vandorpe, may katabi siyang mga pasahero at dahil may kasikipan, kapag biglang hihinto ang bus o di kaya ay madadaan sa lubak, napapagalaw siya at bubunggo sa magkabilaang tao.
“Ouch!” Mariing napadaing sa sakit si Vandorpe. Naramdaman niyang may nakaapak sa kanang sapatos niya dahilan para masaktan din ang kanyang kanang paa.
Napayuko siya, tama nga at may nakaapak na hindi man lang yata napapansin. Napatingin siya sa kanyang kanan. Nakita niyang isang lalaki ang siyang umaapak ngayon sa kanyang paa.
Nakasuot ang lalaki ng earphones sa magkabila nitong tenga na kakaiba ang hugis at may kalakihan. Mas maliit ito sa kanya ng kaunti pero hindi niya maikakaila na gwapo ang lalaki kahit na nakatagilid ito sa kanya. Hindi naman na bago sa pakiramdam niya na humanga sa kagwapuhan ng iba kapag nakikita niya kasi ay isa siyang discreet bisexual.
Hindi ito nakatingin sa kanya at lalong hindi pa rin napapansin ang pagkakaapak sa kanyang paa na lalo niyang idinadaing dahil mas lalong dumidiin lalo na at patuloy sa pag-andar ang bus.
Hindi na nakatiis si Vandorpe. Kinalabit niya ang lalaki na tumingin naman sa kanya. Mukhang bagong gising ang mga chinito nitong mata.
Itinuro ni Vandorpe ang sapatos niya. Bahagya namang yumuko at napatingin ang lalaki sa itinuturo ni Vandorpe at nakita na nito ang kung anong ibig niyang sabihin. Tinanggal naman ng lalaki ang pagkakaapak niya kay Vandorpe pero sa halip na manghingi ng paumanhin ay umiwas lang ito nang tingin sa kanya at bumalik sa pakikinig sa kung ano man ang pinakikinggan nito sa earphones.
Nakaramdam nang pagkainis si Vandorpe pero dahil pinalaki siya ng mga magulang na namayapa na dahil sa aksidente sa barko na mapagpasensya, napigilan niya ang kanyang sarili na bulyawan ito. Sa madaling salita, nagtimpi siya at hindi na pinalaki pa ang isyu.
Sa edad na labing-walo, nawalan siya ng mga magulang dahil papunta sana ang mga ito sa Mindoro para dumalaw sa isang kamag-anak nila ngunit sa kasamaang-palad, lumubog ang barkong sinasakyan ng mga ito at ang mga magulang niya ang kabilang sa mga nasawi. Mabuti na lamang at nakayanan niyang mamuhay mag-isa kaya sa edad niya ngayong bente-kwatro, masasabi niyang okay na siya at tanggap na niya ang lahat sa buhay niya. Masaya na malungkot din para sa kanya ang buhay independent.
Umiwas nang tingin si Vandorpe sa lalaki at marahang napailing-iling na lamang. Patuloy na umaandar ng may kabilisan ang bus. Minsan ay napapadikit siya sa lalaki dahil na rin sa nadadaan ang bus sa mga lubak. Wala lang naman sa lalaking ito ang hindi niya sinasadyang pagdikit gaya ng wala rin naman kay Vandorpe ang pangyayaring iyon.
Muling napatingin si Vandorpe sa lalaki. Hindi talaga niya maikakaila na gwapo ito kahit na mas maliit sa kanya. Sa tantya niya, nasa lima’t walo ang taas nito. Mukhang hindi rin sila nagkakalayo ng edad at kung mukha ang pagbabasehan, mas mukhang bata si Vandorpe.
Messy ang ayos ng may kahabaan nitong buhok na may pagka-brown ang kulay na parang sa Koreano. Bumagay ang hairstyle nito sa hugis ng kanyang mukha na may pagka-maangas. Makapal ang itim na kilay. Ang mga mata nito ay chinito at parang bagong gising. Matangos ang ilong at may kanipisan ang labi nitong namumutla ang kulay. Hindi naman ito mukhang may sakit, ganu’n lang siguro ang kulay ng labi nito. Ahit na ahit ang bigote at balbas, maputi ang makinis nitong balat. Maganda ang jawline na agaw-pansin kay Vandorpe.
Maganda rin ang pangangatawan nito na humubog sa suot nitong polo na kulay navy blue. May umbok ang bandang dibdib at flat ang tiyan. May kalakihan ang mga hita at binti nito. Hapit na hapit kasi sa mga ito ang suot na jeans.
Hindi namalayan ni Vandorpe na napatingin muli sa kanya ang lalaki. May ngising sumilay sa labi ng lalaki saka umiwas muli nang tingin.
Bumalik naman sa sarili si Vandorpe. Mabilis na umiwas siya nang tingin.
“Bakit ka ba tumitingin sa kanya? Hindi mo naman ‘yan kilala,” pagkausap ni Vandorpe sa sarili. Nakaramdam siya nang pagkahiya.
Hindi rin maiwasang maamoy ni Vandorpe ang gamit na pabango ng lalaki. Humahalimuyak kasi iyon. Amoy-malinis dahil ang bango ng pinagsamang natural nitong amoy at pabangong panlalaking gamit nito na mabango at hindi matapang sa ilong. Iyon ang mga gusto niyang amoy dahil kahit siya, hindi matapang na pabango ang gamit niya pero amoy panlalaki pa rin.
Mahinang napabuga na lamang siya ng hangin at hindi na muling tumingin sa estrangherong lalaki. Sayang, gusto sana niyang malaman ang pangalan pero wala itong suot na ID.
Sa wakas ay nakarating na si Vandorpe sa lugar ng trabaho niya. Kaagad siyang nagpara at huminto naman ang bus. Madadaanan niya ang estrangherong lalaki.
“Excuse me,” pasintabi ni Vandorpe.
Napatingin sa kanya ang lalaki. Umusog naman ito ng kaunti para makadaan siya.
Pero dahil may kasikipan ang bus, hindi pa rin naiwasang mapadikit siya dito. Naramdaman ng kanyang malaman na braso ang katawan nito na nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na kuryente. Hindi rin naiwasang madikit ang kanyang kamay sa ibaba nito kung saan, may nasalat siya na lalong nagpatindi sa kakaiba niyang nararamdaman. Kabadong-kabado siya. Nagmadali siyang daanan ito at sa wakas nakababa na siya ng bus.
Marahas na napabuntong-hininga si Vandorpe. Nakahinto siya ngayon sa gilid ng daan habang nakasunod ang tingin sa papalayo ng bus sa kanya.
“Ano bang nangyayari?” tanong nito sa sarili. Napailing-iling na lamang siya ng mariin.
Nang hindi na makita ni Vandorpe ang bus ay saka na siya nagpasyang maglakad papunta sa company building na papasukan niya.
---
Muling sumakay ng bus si Vandorpe pero this time, hindi na siya nagmamadali pa sa pagpasok sa trabaho dahil maaga pa naman. Swerte siyang nagising ng maaga ngayong araw kahit na late na naman siya natulog kagabi dahil sa paglalaro ng mobile game dagdagan pa na iniisip niya ang estrangherong lalaki kahapon.
Ewan ba niya sa kanyang sarili. Hindi naman niya ito kilala pero bakit nasa isipan niya ang mukha nitong hindi maalis sa utak niya? Nababaliw na ba siya?
Nakaupo si Vandorpe sa dulo ng bus. Sa bandang kaliwa at katabi ang bintana. Wala pa siyang katabi. Nakatingin ang mga mata nito sa labas. Kasalukuyang pinupuno pa ng pasahero ang bus na sinakyan niya.
Napabuntong-hininga siya ng malalim. Gusto sana niyang matulog pero gusto rin kasi niya na tumingin sa labas habang nasa biyahe, nare-relax kasi siya.
Napatingin si Vandorpe sa kanan niya dahil naramdaman niyang may naupo. Nanlaki nang bahagya ang kanyang mga mata sa gulat nang makita muli ang estrangherong lalaki na as usual, may suot na earphones sa magkabilang tenga. Ang mga chinitong mata ay parang bagong gising na naman. Hindi niya maintindihan pero bumilis ang t***k ng kanyang puso.
Napatingin siya sa ayos nito. Ganu’n pa rin naman ang kaibahan lang ay ang kulay ng suot nitong polo na ngayon ay kulay gray.
Hindi tumitingin sa kanya ang lalaki kaya malaya niya itong napagmamasdan. Paulit-ulit niyang sasabihin at hindi niya ikakaila na gwapo ito. Ewan ba niya, atraksyon na ba itong nararamdaman niya sa lalaking hindi kilala at nakaapak sa sapatos niya kahapon? Hindi niya alam.
Mabilis na umiwas na lamang nang tingin si Vandorpe sa lalaki at muling tiningnan ang labas. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib niya na dulot ng lalaking katabi na naman niya ngayon.
Lumipas ang kinse minutos at sa wakas ay umandar na ang bus. Ngayon ay bumabiyahe na ito.
As usual, nadadaan sa lubak ang bus kaya naman hindi maiiwasang madikit ang braso ni Vandorpe sa braso ng lalaki. At sa pangalawang araw na hindi sinasadya ay nagkatagpo sila, mas lalo niyang naramdaman ang pagtindi ng kakaiba niyang nararamdaman sa tuwing madidikit ito sa kanya.
Pinakalma ni Vandorpe ang sarili. Hindi dapat niya ito maramdaman sa estrangherong lalaki. Aminado naman siyang bago ito sa kanya dahil hindi pa naman siya nagmamahal. Kumbaga, hanggang paghanga lamang siya pero hindi pa nai-inlove kaya clueless siya sa pakiramdam na iyon. Ano nga ba ang nararamdaman niya? Paghanga nga lang ba?
Hindi naman siya impokrito kung sasabihin niyang hindi siya nagnanasa. Lalaki lamang siya at lapitin din ng tukso saka aminado siyang may L din siyang nararamdaman.
Napailing-iling nang mabagal si Vandorpe. Mahina siyang natawa nang pagak dahil kung ano-anong kalokohang sinasabi niya. Ngayon niya nasabi sa sarili na sana ay makarating na siya sa kanyang destinasyon para matapos na rin ang kakaibang pakiramdam na ito pagdating sa lalaking katabi niya ngayon sa pag-upo ng bus.
Dininig naman ang gusto niya at nakarating na siya sa destinasyon niya. Kaagad siyang tumayo at hindi na tiningnan ang lalaki na nakangiting nakasunod ang tingin sa kanya. Tuluyan na siyang nakababa ng bus bitbit ang kakaibang mga pakiramdam na kahit sa kanyang pagbaba ay hindi nawala.
---
Ayaw isipin ni Vandorpe na tadhana na yata ang naglalapit sa kanilang dalawa. Pilit niyang isinisiksik sa sarili na coincidence lamang ang lahat ng nangyayari ngunit...
Sa pangatlong pagkakataon, nagkatagpo na naman sila sa loob ng bus. Magkatabing nakatayo dahil wala ng mauupuan.
Napatingin si Vandorpe sa lalaking hindi pa rin niya kilala hanggang ngayon pero laman na lagi ng isipan niya. As usual, may earphones na naman ito sa magkabilang tenga. Mukhang bagong gising na naman ang mga chinito nitong mata. Nakasuot ito ng polo na kulay maroon na bukas ang first button at hapit sa maganda nitong katawan.
Tumingin si Vandorpe sa ibang direksyon. Ano ba itong nangyayari sa mundo niya? Sa bawat araw na lagi niya itong nakakasabay sa bus tuwing umaga at papasok siya, mas lalong tumitindi ang kakaiba niyang pakiramdam na hindi niya mawari.
Muli na namang umandar ang bus at binabagtas na ang daan. May kasikipan na naman sa loob dahil maraming pasahero, nakaupo man o nakatayo.
Hindi na naman maiwasang magkadikit ang kanilang mga brasong nagbibigay na naman ng kakaibang pakiramdam kay Vandorpe.
Malalim na napabuntong-hininga siya.
Pero may hindi sinasadyang pangyayari na mas lalong magpapalakas sa mga kakaiba niyang nararamdaman.
Biglang huminto nang malakas ang bus, dahilan para sumigaw, magpanic at mapagalaw ng todo ang mga tao sa loob. Kakapit sana si Vandorpe sa isa sa mga sandalan ng upuan ngunit hindi iyon naabot ng kanyang kamay at nawalan siya ng panimbang. Matutumba na sana siya pero kaagad siyang sinalo ng lalaking katabi niya na mabilis ang naging pagkilos. Ramdam na ramdam niya ang pagbalot ng braso nito sa kanyang bewang, ang pagdiin ng kamay nito na nakahawak sa kanyang tagiliran, naka-bend paatras ang kanyang katawan at ang lalaki naman ay nakayuko papunta sa kanya kaya halos magkadikit na rin ang kanilang mga mukha at katawan.
“P*ta! Kitang green light biglang tatawid!” galit na galit na sigaw ng bus driver sa harapan.
Pero hindi na narinig iyon nang tulalang si Vandorpe dahil sa lakas nang pagtibok ng kanyang puso habang nakatingin sa mga chinitong mata ng lalaki na mukhang bagong gising. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Kaunti na lang ay pwede nang magdikit ang kanilang mga labi. Amoy na nga niya ang mabango nitong hininga. Mukhang may candy sa bibig kasi amoy menthol.
Mas lalong napagmasdan ni Vandorpe ang mukha nito. Ang makinis na mukhang wala man lamang imperfections na makikita. Napansin rin niya ang kulay brown na mga mata nito hindi kagaya sa kanya na itim na itim ang gitnang parte.
Nakatingin lang din sa kanya ang lalaki. Ang lalim nitong tumingin. Tagos hanggang kaloob-looban niya na lalong nagpakaba sa kanya.
Pamaya-maya ay napatingin ito sa labi niya na lalong nagpadagundong sa t***k ng puso ni Vandorpe.
‘Bakit siya tumingin sa labi ko? Anong balak niya?’ natatarantang tanong niya sa kanyang isipan at hindi niya napigilang mapakagat-labi.
Doon unang nakita ni Vandorpe ang pagngisi ng lalaki dahil sa ginawa niya. Hindi niya maikakaila, mas hot ito kapag nakangisi.
Muling umandar ang bus pero ang pwesto nila, hindi pa rin nagbabago. Pinagtitinginan na nga sila pero tila sarili lamang nila ang mundo. Walang tao kundi sila lamang dalawa. Nakatitig sa mata ng isa’t-isa, tila may hinahalukay na kung ano.
Hanggang sa alalayan ng lalaki si Vandorpe para umayos ang tayo nito. Napatayo naman na ng maayos si Vandorpe na bumalik na sa sarili. Binitawan na rin siya ng lalaki kaya naman nakahinga na siya ng maluwag.
Dahan-dahang umiwas na sa kanya nang tingin ang lalaki at hindi nagsalita. Tila wala na ulit naging pakiealam sa mundo at naging wala lang ang nangyari.
Pero para kay Vandorpe... ang pangyayaring iyon ang nagpabago hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa damdamin niya.
---
Ang simpleng pagsakay niya ng palagian sa bus ay naging espesyal na para kay Vandorpe simula nang makita niya ang estrangherong lalaki.
Ang mga mata niyang lagi lamang nakatingin sa labas ng bintana para tingnan ang paligid sa labas, ngayon ay naglilibot na sa loob ng bus at hinahanap ang gustong makita nito.
Ewan ba ni Vandorpe. Ang bilis sa kanya ng mga pangyayari. Ang bilis ng mga pagbabago sa damdamin niya. Hindi niya ito sinasadya pero mas lalo lamang itong tumitindi sa bawat paglipas ng mga araw.
Nakaupo siya sa bandang dulo ng bus, gawing kaliwa malapit sa bintana pero hindi na doon nakatuon ang mga tingin niya kundi sa loob kung saan, pinanabikan niyang makita muli ang taong hindi na naalis sa isipan niya. Ang taong unti-unting nagpapabago sa kanya. Excited na excited siya sa magiging biyahe niya ngayon.
Kasalukuyang pinupuno pa ng pasahero ang bus kung saan siya nakasakay. Sa bawat pasok ng tao, isa-isa niya itong tinitingnan at inaasam na ang estrangherong lalaki na ang siyang makikita niyang umakyat at sumakay ng bus. Kaya dito rin siya pumwesto sa dulo dahil may kaatasan ang pwesto nito at nakikita kaagad ang pumapasok dito sa loob ng bus.
Napapangiti si Vandorpe habang pinapakinggan sa nakasalpak na headseat sa magkabila niyang tenga ang isang awiting sa tingin niya, bagay sa nararamdaman niya ngayon.
'Til I met you
I never knew what love was
He realize something. Hindi na lamang simpleng paghanga ang nararamdaman niya para sa estrangherong lalaki kundi espesyal na pagtingin na. Masyado nga siyang nabibilisan sa lahat ng mga pangyayari pero anong magagawa niya? Itong puso niya, hindi man kilala ang tao pero kusang nahulog na dahilan para makaramdam siya ng mga kakaiba at ngayon lamang niya naramdaman sa buong buhay niya.
Kahit sa panaginip... hindi niya ito inasahan ngunit kusang dumating at tunay na ipinaramdam sa kanya.
Ang estrangherong lalaki lamang na palagian niyang nakikita ang siyang nagparamdam sa kanya ng mga kakaibang nararamdaman. Ito lamang ang kaisa-isang taong nagparamdam sa kanya ng kahulugan ng pag-ibig.
Alam na niya ito dahil sa palagian niyang pagbabasa at panunuod ng mga kwentong may temang romansa at pag-ibig ngunit ngayon, nararamdaman na rin niya at dahil iyon sa estrangherong lalaki. Simula nang magtagpo ang mga landas nila, naging masaya siya. Kahit makita lamang niya ang lalaki, nagiging sapat na iyon para lumigaya ang puso niya.
Patuloy lamang ang pagpasok ng mga pasahero. Patuloy lamang din si Vandorpe sa pag-asam na makikita niya muli ang estrangherong lalaki.
Gusto niyang pigilan ang nararamdaman dahil may bahagi sa kanya na nagsasabing wala itong patutunguhan. Wala silang koneksyon dahil hindi naman niya ito kilala ngunit may bahagi rin sa kanya na nagsasabing huwag niyang pigilan dahil nagbibigay iyon ng saya. Hindi man niya ito kilala pero pakiramdam niya, ang lakas pa rin ng koneksyon niya dito.
At kung pipigilan man niya ang kanyang nararamdaman, tiyak rin niyang mabibigo lamang siya dahil habang tumatagal, mas lalo lamang itong tumitindi.
Halos malapit ng mapuno ang bus ngunit hindi pa rin niya nakikita ang estrangherong lalaki. Hindi niya maiwasang makaramdam nang pag-aalala at lungkot.
Umaasa pa rin siya, sa pagpasok niyang muli sa trabaho at sa pagsakay niya sa bus na ito, mula niyang makikita ang estrangherong lalaki. Gusto niya itong makita. Gusto niyang makasama kahit man lang dito sa apat na sulok ng mahabang sasakyan na ito.
Nawala na ang ngiti ni Vandorpe ng tuluyan ng mapuno ng pasahero ang bus. Bakas ang pagkadismaya at kalungkutan sa kanyang mukha. Hanggang sa tuluyan nang umandar ang bus at bumyahe ay hindi niya nakita ang estrangherong lalaki.
Napabuntong-hininga nang malalim si Vandorpe. Ngayon niya sinasabi sa sarili na dapat hindi siya masyadong umasa, na dapat wala lang sa kanya ang pagkakakita rito. Edi sana... hindi siya ganito ngayon. Hindi sana siya nasasaktan.
---
Naging malungkutin si Vandorpe sa mga sumunod na araw. Kahit sa trabaho ay naging ganu’n din siya na ikinataka rin ng mga kasamahan niya dahil kilala nila ito bilang masayahin din. Hindi pa rin naalis sa isipan niya ang estrangherong lalaki na simula nu’ng isang araw, hindi na niya muling nakita kaya naman ang pagsakay niya sa bus ay bumalik na naman sa pagiging simple.
Ngunit hindi man na niya ito nakikita, ang damdamin naman niya ay mas lalo pang tumitindi. Ngayon na niya sinusubukang patigilin ito ngunit lagi lamang siyang bigo. Hindi na nga niya alam kung ano ang gagawin.
Sa palagian niyang pagsakay pa rin sa bus, umaasa siyang makikita pa rin ito ngunit lagi lamang siyang bumababang sawi.
Mahinang nagbuga nang hininga si Vandorpe, as usual ay papasok na naman siya ulit sa trabaho. Sakay na siya ng bus na hinihintay pang mapuno ng pasahero. Nakaupo siya sa dulo, bandang kaliwa malapit sa bintana. Hindi na siya tumitingin sa paligid at tanging sa labas na lamang ng bintana. Ayaw na rin kasi niyang umasa at mabigo na naman. Masakit sa damdamin niya ang umaasa sa isang bagay na wala ng kasiguraduhan.
Ngayon niya naisip, ano bang dahilan para mahulog ang damdamin niya sa isang estranghero? Hindi man lamang niya naisip kung anong buhay ang meron ito. Baka mamaya ay may asawa na ito o di kaya ay may kasintahan. Hindi niya ito kilala pero bakit nakaramdam siya ng mga ganito?
Bakit pakiramdam niya, kahit hindi niya ito kilala at hindi alam ang buhay na meron ito... gusto pa rin niya ito makasama? Hindi niya iniisip ang mga kaakibat na negatibo at patuloy lang siya sa pagkakagusto dito. Nababaliw na ba siya? Marahil oo.
Napabuntong-hininga nang malalim si Vandorpe. Naramdaman niyang may naupo sa kanan niya pero hindi na niya binigyang pansin. Nakatingin ito sa kanya at may ngiting nakasilay sa labi.
Napuno na ang bus kaya naman nagsimula na itong umandar at tinahak ang daan. Nakatingin pa rin si Vandorpe sa labas ng bintana. May lungkot na mababanaag sa kanyang mukha.
Pamaya-maya ay hindi sinasadya ay napatingin siya sa taong nasa kanan niya at nanlaki bigla ang mga mata niya sa gulat. Nagsimulang dumagundong ang puso niya sa kaba, ang kaninang lungkot ay napawi at napalitan ng saya.
Nakikita ng mga mata niya ngayon ang estrangherong lalaki na matagal na niyang inaasam na makita. Ang gwapong mukha nito at ang mga mata nitong mukha na namang bagong gising. Hindi na ito nakasuot ng earphones pero ang porma, kapareho pa rin ng dati, polo na ang kulay naman ngayon ay navy blue.
Hindi niya inakalang makikita itong muli. Nawalan na kasi siya ng pag-asa pero muli iyong nabuhay.
Malaya niya itong napagmamasdan kasi ay hindi ito nakatingin sa kanya. Kung alam lang ng lalaking ito kung gaano siya nanabik, kung gaano niya ito ka-miss.
Sa nakasaksak na earphones sa magkabilang tenga ni Vandorpe, muli niyang narinig ang kantang masasabi niyang kahulugan at nagpabalik na naman sa nararamdaman niya ngayon.
Bumaba ang tingin ni Vandorpe, nakita na niyang may suot itong ID. Hindi na niya pinaglagpas na tingnan at basahin ang nakasulat doon.
Rafael Ace Dimalanta, PR Head, Deinty Five Star Hotel.
Hindi mapagsidlan ang tuwa ni Vandorpe. Sa wakas at nalaman na niya ang pangalan ng estrangherong lalaki. Hindi niya namalayang napangiti siya ng matamis.
Napatingin sa kanya ang lalaki na ikinagulat niya pero hindi naman siya nag-iwas nang tingin. Ang mga mata nitong chinito at mukha na namang bagong gising na sa tingin niya, isa sa mga dahilan kung bakit siya nahulog dito.
Napangiti ang lalaki. Lumabas ang mababaw nitong biloy at nakita niya ang pantay at maputi nitong ngipin na mas lalong nagpagwapo dito.
“Long time no see,” mahinang sambit ng lalaki na rinig na rinig naman ni Vandorpe dahil tila ang boses lamang nito ang naririnig niya. Hindi na naman niya ito inaasahan. Nagsalita ang lalaki at narinig niya ang buo at malalim nitong boses. Rinig na rinig niya kahit na may nakasalpak na earphones sa tenga niya.
Napangiti lalo si Vandorpe. Alam niya... nahahalata na siya ng lalaki sa mga kakaiba niyang kilos pero anong magagawa niya? Hindi niya maitago.
“May girlfriend ka na?” pagtatanong ng lalaki na mas lalong ikinagulat ni Vandorpe. Iling ang naging sagot niya.
“Asawa?” tanong pa nito. Again... iling na naman ang naging sagot ni Vandorpe. Tila nawawala na siya sa sarili.
Mas lalong napangiti ang lalaki.
“Boyfriend?” tanong pa muli ng lalaki.
Napailing ng todo si Vandorpe. Para na siyang tanga sa harapan ng lalaki pero kasi, sobra ang kaba niya ngayong kaharap muli ito. Gusto niyang malaman nito na single at available siyang magustuhan ng iba.
Lalong napangiti ang lalaki. Natuwa sa naging sagot ni Vandorpe.
“Good... dahil handa na akong maging boyfriend mo,” saad nito na ikinahigit sa paghinga ni Vandorpe. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito.
“I’m Rafael,” pakilala nito sabay lahad ng kaliwang kamay.
Tiningnan ni Vandorpe ang nakalahad na kamay ni Rafael. Hindi niya alam kung tatanggapin ba niya o hindi. Ang bilis ng mga pangyayari.
Pero mabilis si Rafael. Kinuha nito ang kanang kamay ni Vandorpe at hinawakan, bahagya pang pinisil.
“Nice too meet you... Vandorpe,” wika nito sabay bigay ng pamatay na ngiti na lalong nagpadagundong sa kabang nararamdaman ni Vandorpe.
“K-Kilala mo ako?” nauutal na tanong ni Vandorpe. Hindi siya makapaniwala.
Ngumuso si Rafael. Tiningnan naman ni Vandorpe ang itinuro ng nguso nito. Ang suot niyang ID.
“Since first day alam ko na ang pangalan mo at hindi na iyon naalis sa isipan ko,” pag-amin nito na lalong nagpalakas sa t***k ng puso ni Vandorpe. Kahit ang tiyan niya... tila may kung ano-anong bagay na lumilipad sa loob.
Hindi pa rin binibitawan ni Rafael ang kamay ni Vandorpe. Halata ang pagkamiss sa huli na ilang araw din niyang hindi nakita dahil sa pinadala siya ng kumpanyang pinapasukan niya sa ibang branch para doon muna pumasok.
Sa araw na iyon na pagsakay ni Vandorpe sa bus... magsisimula ang maganda at nakakakilig na istorya nilang dalawa.