Sino pa nga bang walang hiya. Ikaw lang yun Danilo. Nabosesan ko sya ng magsalita na syang muli. Napakasama nya talaga.
Kamusta ka na?
Ahh talaga? Kamusta? Bakit may pa kidnap pa?
Ayaw mo akong pansinin eh. Kyo na ba ni Henry? Ang walang hiyang lalaking iyon.
Hwag kang mag alala. Mas walang hiya ka dun.
Paano mo nalaman? Di mo kilala ang lalaking iyon.
Mabait sya sa akin. He cares for me and my company. Magpapakasal na rin kami for your information.
Subukan niya. Kung makukuha ka pa niya sa akin.
Ano bang problema mo? You left at di na nagpakita pa ng matagal na panahon, ngayon kikidnapin mo ako? You’re pathetic.
Sorry kung natagalan akong marealize ang mga mali ko at mga dapat komg gawin,” mula sa pagiging boses hambog ngayon ay nagpapaawa ang boses nito. “Akala ko wala na akong pag asa. Akala ko makakalimutan kita. Akala ko mabubura kita sa isip ko pero hindi. After 21 years, mahal pa rin kita.
Tang*** mo Danilo. 21 years. Bullshit ka. I hate you so much. Nagkahiwalay kami ng anak ko, pinaalaga ko sya sa iba dahil ayaw sa kanya ni Daddy at dahil ayaw mo sa kanya,” yung galit ko nauwi sa pagkaawa ko sa sarili. Naiyak ako ng maalala ang nakaraan. Parang sariwa pa ang lahat. Kung nanindigan ka lang at pinanagutan mo ako, di sana ganito.
Tinanggal niya ang piring ko sa mata. Tumulo ang luha ko at tinitigan siya ng masama. Kinamumuhian ko sya. I wasted my life, my time for Belle, my time to be happy and to have my own family. Nafocus ako sa mga negosyo ko at napabayaan ang anak ko dahil kailangan kong patunayan ang sarili ko sa aking ama. Wala akong ibang magawa kundi sundin sya dahil wala akong mapupuntahan at natakot akong maghirap at walang maipakain sa anak ko.
I’m sorry.
Sorry? Sorry lang.
What do you want me to do?
At parang sya pa ang galit. Parang sya pa ang walang choices noon. Duwag sya at pinabayaan kami.
Ano pa bang magagawa mo? You already wasted so many years. I keep on waiting para kunin mo ako pero umasa lang pala ako sa wala. Wala kang kwenta at ngayong may chance na akong mabuo ang pamilyang gusto ko, bigla kang susulpot. Para ano? Para ano pa?
I’m sorry anna kung naduwag ako noon. Naduwag ako ng matagal na panahon pero hindi na ngayon. Kukunin na kita ngayon. Bubuo tayo ng pamilya ngayon. Yun ang gusto mo di ba. Tutuparin ko na ang gusto mo. May pagkakataon pa para sa atin. Please, pagbigyan mo akong muli. Itatama ko ang mga mali ko. Babawi ako.
Nangako na ako kay Henry. Pakakasal ako sa kanya. Sya ang laging nasa tabi ko ng nagdaang taon. Hindi ko man totoong mahal si Henry ay alam kong mahal ako nito.
Hindi pwede. Hindi ka pakakasal sa kanya,” galit na saad nito. Kanina lang ay nagmamakaawa sya peroi ngayon ay galit na sya.
Wala kang karapatang magdesisyon para sa akin.
Wala ba talaga? Kung wala nga, wala ka rin namang magagawa para ituloy ang kasal ninyo.
Sira ulo kang baliw ka. Pakawalan mo nga ako dito. Ang sakit na ng braso kong nakatali.
Dyan ka lang habang di ka kumakalma. Sabay nilayasan ako nito. Iniwan ako sa isang kwarto na nakatali. Napakawalang hiya. Nakakabwisit.
Danilo! Sigaw ko sa lalaki na nilock pa ang pintuan ng kwarto. Para namang makakatakas ako sa itsura kong ito.
Nakaramdam ako ng pagod at gutom. Di ako nakakain ng ayos kagabi at sa palagay ko magtatanghali na.
Maya maya ay bumukas ang pintuan.
Maam kung gusto nyo na daw po kumain tanong ni Sir.
Oo nagugutom na ako.
Pakakawalan daw po kayo kung di kayo gagawa ng karahasan. Sabi ng babaeng pumasok
Teka, ako pa ba ang marahas dito? Ano sa palagay mo ang magagawa ko?
Basta Maam sumunod na lang kayo kay boss baka kung anong gawin niya sa inyo. Malupit yun lalo na po sa mga pasaway.
Oo na. Kalagan mo na ako at gutom na ako. Baka pati ikaw makain ko na sa tindi ng gutom ko.
Boys, kalagan na si maam. Dalawang lalaking mukhang goons ang pumasok. Agad akong kinalagan.
Wala naman akong gagawing kahit ano. Ang gusto ko ay kumain na. Ilang araw na rin akong nagdidiet para sa event na saglit ko lang naatenan. Bwisit kasi itong Danilo na ito. Naglakad kami palabas ng kwarto at pagkatapos naglakad pang muli. Malaki ang lugar. Di ko masabing bahay dahil magulo ang paligid. Parang abandoned mansion pero maganda sana. Madumi at magulo lang.
Sa dining kami nagdiretso. Naroon ang walang hiya. Kumakain na.
Napansin kong pumayat siya, maayos ang gupit ng buhok at bumagay sa kanya ang simpleng tshirt na itim. Gumuwapo pero mukha pa ring gangster. Nakaraang kita ko sa kanya ay mukha na syang tatay ko sa tanda ng itsura pero iba sya ngayon.
Upo ka. Kumain ka muna.
Nasa kabilang side ako ng long table. At sya naman ay nasa kabila. Maraming pagkain ang nakahain. May morcon. Ang paborito ko. Chicken pastel at lechong kawali.
Pa impress ang loko. Lahat paborito ko.
Di na ako nag inarte. Kumuha na ako ng kanin at ulam. Kinagat ko ang lechong kawali na malutong. Napapikit ako sa sarap. Ilang linggo nang oatmeal at nilagang itlog ang ulam ko para maachieve ang 26 na waist line. Tumaba kasi ako at nag 29 ang bewang ko.
I'm enjoying the food then he interupt me.
Masarap ba? Ana, did you like the food? Anabelle? Makulit n saad nito
Ano ba? Tawag ka ng tawag. Masungit na saad ko. Ang sarap ng kain ko tapos nangungulit sya.
Di ka sumasagot eh. Bakit ka ba ganyan kapag kumakain ka?
Masarap eh. Pwede ba mamaya tayo mag usap. Kung may gayuma to di ito tatalab sa akin.
Napangisi sya sa sinabi ko. Nakakainis sya sa kakulitan niya at di naman ako nagbibiro.
Sige na kumain ka na lang.