Isang buwan na kaming nagtatago ng aming relasyon. Si Ivan nga ay miss na miss na rin si Prince at laging nagtatanong.
Tell grandma that you like to see Tito Prince. Araw araw nyang kinukulit si mommy. At laging sagot nito.
“Soon baby. Hindi pa pwede.”
But why lola? I like him. Sagot ng bata.
Lets go back to Ate Gladys mommy. I dont like here. Tampong saad ng bata.
Anabelle, hwag mo nang idamay yung lalaki sa away ninyo ni Danilo. Miss na ni Ivan si Prince. Kawawa naman ang bata. Gusto mo bang lumayas yan at babalik na daw sa ampunan. Pangaral ni lola kay mommy
Fine. I will let you see him pero hwag makapunta punta yang Danilo na yan dito.
Minsan nagpapadala pa rin ng maraming bulaklak si Big boss. I still dont want to call him daddy. Basta di ko feel. Minsan naiisip ko ang ginawa nya sa amin at masakit iyon para sa akin. Minsan naman gusto kong magkausap sila ni mommy at bigyan nito ng pagkakataon ang lalaki.
Di naman tinatanggap ni mommy o minsan sinisira nya lang at tinatapon sa basurahan. Nanghihinayang kami ni lola dahil ang gaganda pa naman ng mga bulaklak.
Ako nakakatanggap din from him pero nadadamay sa galit ni mommy.
Minsan nagkita kita kami. Ang lalaki si Prince at ako.
I’m sorry bella. Saad niya. Pumayat na sya. Effective ang workout nila ni Prince pero may sama pa rin ako ng loob sa kanya.
He hand me a bag full of clothes para kay Ivan. I was so touch medyo naiiyak pero nagpipigil.
Thanks po. Magugustuhan nya to. May ilang toys din na kasama ang supot na inabot nito.
Sana mapatawad nyo ako. Marami akong maling desisyon.
Mahigpit ang lolo mo. Di ko naipaglaban ang mommy mo. At kahit ikaw, tinangka ko ring ipalaglag. I’m sorry anak.
I let him hug me. Wala naman akong sagot. Wala akong masabi para sa kanya. Naaawa ako pero naiinis din sa kanya. Ang duwag nya kasi noon.
Nagpaalam din sila at nagkahiwalay na kami. Sabi ni Prince mag taxi na ako pauwi at di nya ako maihahatid. He gave me some money kahit ayaw ko. Isinakay nya muna ako bago siya muling sumama sa boss niya.
After two months mula ng magkita kaming tatlo ay may business event nanaman sina mommy. Kasama doon ang boss ni Prince kasi stockholder din sya sa business na iyon.
Mom is so beautiful in her long gown. Pretty rin naman ako sa mini dress ko. As usual nandoon si Tito Henry na mukhang may gusto kay mommy. Todo alalay nga nito at mukha silang couple.
Hello my princess, biglang sumulpot si Prince sa likod ko.
Hello my prince charming. So handsome naman like Ivan.
Wow ang gwapong bata naman nito. Kiss tito.
Prince may sasabihin ako.
Mahal mo ako?
Sira. Hindi yun.
Prince, Belle, may tumawag sa amin. I saw a change man infront of me. Mas fit, bagong gupit, kuminis ang kutis but he's still a pinoy skin color. Bagay ang suot niyang suit sa kanya.
Boss? saad ko.
Boss? Dapat yata daddy na. He hugged me ang kiss me on my cheek. Natulala ako sa bagong itsura ni boss este ni daddy pala. Gwapo rin naman pala sya kapag naayusan.
Hello little boy. Parang kamukha kita ha.
Natawa si Prince sa sinabi ni dad.
Anong problema? Pareho naman kaming gwapo ha. Look at his nose. Karga ni daddy si Ivan at si Prince napatitig sa maglolo. Wala pa rin syang alam.
Hawig nga po, napilitang saad nito pero napatingin din ako. Ngayon ko lang napansin na same nga ang nose nila. Ang kutis naman ng bata ay kay Prince nakuha na maputi. Pero wala pa rin itong kaalam alam.
Are you my lolo? Tanong ng bata.
Yes I’m your lolo.
Ano, kasi po sir. Sasabihin yata ni Ivan na ampon ko lang ang bata.
Ahh, Prince, Hayaan mo na sila, pigil ko sa lalaki.
Napatingin lang ito sa akin na parang gusto nyang icorrect si daddy sa sitwasyon na mali naman ang pagkakaalam niya. Namroblema tuloy ako sa pagsisinungaling ko.
Tinitigan ko lang sya para quiet lang sya.
Mas gwapo pa ako dun sa lalaking yun di ba.
Oo naman boss. Mas mapayat lang yun at mas maputi. Mas mukhang mayaman at mas mukhang may breeding.
Ano kamo? Inis na sagot ni daddy kay Prince.
Ehh boss daddy, konting facial pa at inom ng vitamin E. konting gluta pa at work out. Natatawang saad ni prince.
Hwag mo akong madaddy daddy baka samain ka.
Sorry na boss. Mas gwapo ka dun ano ka ba? Binibiro lang kita kanina.
Ayusin mong sagot mo Prince. May kalalagyan ka.
Lolo, hwag mo pagalitan si Tito.
Tito? Bakit tito? Takang yanong ni daddy kay Ivan
Daddy, upo na tayo. Hala ka. Mabubuking na ba ako.
Iba ang ama?
Yes. Napasagot ako ng di oras at wala sa ayos. Anong gagawin ko?
Kasi daddy, magpapaliwanag sana si Prince.
Prince ako nang mag eexplain, saad ko
Ok.
Sinong gagong yun? Tanong ni daddy kungh sino ang ama ni Ivan pero biglang may tumawag sa akin.
Belle, come here! Masungit na tawag sa akin ni mommy kaya kunuha ko rin si Ivan at aalis na sa tabi ng dalawang lalaki..
Prince ako ang magsasabi ok.
Yes dear.
Iniwan ko na sila at sana hindi magdiskusyunan yung dalawa tungkol sa bata at di magkaroon ng hakahaka.
Dont go near him ok.
Yes mommy. Hay para akong bata na kung kelan nagkaedad saka nagkaroon ng mahigpit na mommy. I miss my freedom. I miss my Prince more.
Hi di ko na inintindi si mommy at nagenjoy na lang sa party. Minsan napapasulyap ako kay Daddy, nakatingin lang sya kay mommy kahit may kausap itong iba. Nagkakatinginan na lang din kami ni Prince. Si Ivan naman ay busy sa cellphone ko. Sabi ko kasi busy ang tito niya kaya di nya ito makakaksama.
Kailangan ko na rin pa lang umamin kay Prince. Malilito sila ni Daddy.
PRINCE
hindi mo sya anak?
Hindi po. Inampon lang sya ni Belle.
Sigurado ka? Parehong edad sabi mo tsaka medyo hawig mo sya. Pwera sa ilong. Ilong ko talaga yun. Sigurado ako. Ganung ganun ang ilong ko noong bata pa ako. Iba kasi ang tangos ng ilong mo. Pagmasdan mong maigi. Wala ba kayong similarities? Baka nalilinlang ka ng anak ko. Pabaya ka kasing ama.
Ako pabaya? Inutos mong ipalaglag ang bata. Ayaw mo ng bata sa samahan noon.
Ako ang may gusto? Bakit ako? Anak ko ba ang pinagbubuntis nya. Sira ulo ka talaga.
Dahil sa takot ko sayo kaya sinabi kong ipalaglag niya.
Ipinalaglag ba?
Natahimik ako. Di nga ako sigurado kung pinalaglag ni Belle ang bata. Posibleng anak ko nga si Ivan. Kung gayon, kailangan ko na talaga syang pakasalan. Pero may priorities syang iba. Hahayaan ko muna sya.
Nakaramdam ako ng saya sa pag iisip na anak ko nga si Ivan. Matalino si boss kaya maaaring tama sya. Hay, bakit di ko man lang naisip ang bagay na iyon. Di kasi ako nag aral.
May plano ako mamaya.
Ano yon boss?
Basta, kalmahan mo lang. Hwag kang gagawa ng pagkakamali at malilintikan ka sa akin.
Kay maam Anabelle?
Shhh ang ingay mo.
Belle
I kept looking for mom. Nawala sya pero naroon naman si Tito Henry na kanina nya pa kasama. Where is she?
Prince, nakita mo ba ang mommy ko?
No, why?
Di ko sya makita. Kanina ko pa hinahanap.
Dad, si mommy di ko makita.
Nandyan lang yan. Baka may kausap.
Kinakabahan ako. Never syang nawala sa spot light kapag may party. Sa abot tanaw ko lang palagi siya.
Iha, uuwi na ako. Kailangan ko ng magpahinga. Prince, ihatid mo sya,” paalam na ni daddy.
Yes dad. Yes boss. Sagot ni prince
Eh si mommy? Npag-aalala kong tanong.
Kaya nya ang sarili niya. Gabi na rin at inaantok na siguro ang apo ko. Umuwi na kayo. Wala syang pag-aalala sa mommy ko. Nakaramdam ako ng inis.
My phone beep.
Mauna ka ng umuwi Belle. May nga kausap pa akong importante. I was in a meeting room right now.
Nag text na. May meeting pa daw sya. Nawala ang pag-aalala ko.
Umuwi na kami ni Prince. Hinatid nya ako sa bahay namin ni mommy. Ang loko, gusto pang mag stay kaya pinagbigyan ko at nasa kwarto ko sya. Si ivan naihiga na namin sa bed nito at nakatulog na.
He kiss me right away.
Wait naman
I miss you so much.
Miss rin naman kita pero di naman ako sobrang hayok sayo.
Eh, nakakagigil ka eh. Sobrang ganda mo ngayon.
Hindi na ako magpapaganda kahit kailan.
Kahit magpakalosyang ka pa. I'll still want you. I will still love you.
Galawang gustong makaisa nanaman ha.
Totoo yun at syempre gusto ring makaisa sa mahal ko. O baka pwedeng dalawa o tatlo pa habang wala pa ang mommy mo.
Lagot tayo pagdating nya at malamang nandito ka.
Di pa uuwi yun. Marami syang ka meeting. May kilala ako doon at sabi ko timbrihan agad ako pagtapos nila ng meeting.
ANABELLE
Walang hiya ka Danilo. Ikaw ang may pakana nito di ba? Magpakita kang hayop ka,” sigaw ko
Nagising akong nakaupo sa isang malambot na upuan. Medyo grogy pa ako pero galit ang nararamdaman ko sa taong gumawa sa akin nito. Nakatali ang mga kamay ko. Nakapiring ang mga mata.
Narinig ko ang mga yabag na papalayo sa akin at meron namang papalapit. Narinig ko ang isang tunog na kahoy na upuan na inilagay sa harapan ko.
Hi. May lalaking nagsalita. Di ko mabosesan.
Sino ka? Anong kailangan mong hayop ka? Kalagan mo ako.
Sino pa bang iniisip mong gagawa nito?