Chapter 1 (Reminisce)

1337 Words
Nine years ago... University of Santo Tomas, Manila "Hey, Mandy! D'yan na naman si detective, inaantay ka," nanunuksong sabi ni Catherine sa kaniya. She rolled her eyes. She had been avoiding this kind of situation from the start. Ayaw niya muna bigyan ng atensyon ang kahit anong pwede mag-distract sa focus niya sa pag-aaral. "Hindi ako lalabas, pakisabi na lang na hindi ako pumasok." Nagmamadali siyang bumalik sa kung saan siya galing kanina. Ayaw niya makita nito. Saka na siya lalabas ng university para umuwi sa dorm niya. Aantayin niya muna ito makaalis. Hindi na niya nilingon pa si Catherine at ang ibang mga classmates at kaibigan, diretso na siya pumunta sa library ng university. She will stay there for a while at kapag siguro nasabihan na ang detective na makulit na wala siya ay baka umalis na ito. She already entered the library and start looking for a book na babasahin while killing her time. She was about to go to the vacant table when she saw him na nauna na naupo sa bakanteng upuan doon sa table kung saan siya dapat patungo. She sighed. It seems na hindi niya talaga maasahan si Catherine sa mga ganitong pagkakataon. Catherine was so eager na magka-boyfriend siya. Actually ay ito rin ang nagpakilala sa kaniya sa lalaki. "Hi!" He sweetly smiled to her na ginantihan na rin niya ng matipid na ngiti.  "So you're here too..." she uttered, ayaw niya man ito makausap ay hindi naman niya pwede iwasan kapag ganitong nakita na siya. Ayaw niya magmukhang immature na nahihiya dahil nakakita ng crush. Yes! She admit it na crush niya ang lalaki na nasa harap niya ngayon. Pag-amin na nasabi niya kay Catherine na mukhang ipinaalam naman nito agad sa lalaking kaharap niya ngayon. "Why are you here, detective?" "I just want to invite you for dinner later," he whispered dahil nakatingin na sa kanila ang librarian. "What if I say I don't want to go with you?" she asked him in a whisper too. Sasagot sana ito nang lapitan sila ng librarian ay bigyan ng warning look. They both smiled on that at nagkaunawaan na lumabas na lang bago pa sila palabasin ng librarian. They were walking patungo sa entrada ng university when he asked her again... "I just want to invite you for dinner and since it is already past 5 P.M., pwede na siguro tayo mag-early dinner if okay lang sa'yo?" he smiled again to her, ngiting nanunuyo. "Okay," she agreed smilingly. Wala naman siguro mababago sa plano niya kung pagbibigyan niya ito sa simpleng dinner. They ended up talking comfortably the whole dinner. Ang planong early dinner ay nauwi pa sa pamamasyal. She didn't know that it would made her feel happy. Nag-enjoy siya ng totoo habang kasama ito. "Gusto sana kitang ligawan if you will only allow me," he confessed to her at napangiti naman siya.  Tahimik lang siya, ayaw niya mag-komento sa sinabi nito. Natatakot siya sa kakaibang nararamdaman. Natatakot siya na masisira ang pangako niya sa sarili niya na magtatapos na walang boyfriend.  "Could you wait till I got my license?" nakangiti niyang sabi while looking into his eyes.  She saw him smile, a confident smile. "Don't test my patience, sweetheart. You may be disappointed." "So you couldn't wait for long?" her voice sounded sad, sabi na nga ba niya at hindi ito makapaghihintay. Sa dami ba naman nitong nakasasalamuha na magagandang babae sa uri ng trabaho nito, why did she thought na kaya nito maghintay at mag-stick sa kaniya. Matagal lang ito nakatingin sa kaniya and when she thought na wala ito plano sagutin ang tanong niya ay muli itong nagsalita... "Did I say anything like that?" ****** "Dito na lang ako, lakarin ko na lang at malapit na rin lang ako sa dorm," she told him. Ang totoo ay ayaw niya lang talaga magpahatid pa sa may entrada ng dorm, ayaw niya mapag-usapan. It was already 9 P.M. at ngayon lang siya inabot ng ganito kagabi sa pag-uwi. Isang oras na lang at curfew na, masasaraduhan na siya ng dorm. "Sure ka?"  "Yes. I want to walk actually," she lied. Ayaw niya lang talaga makantiyawan. Inihinto naman nito ang makina ng sasakyan at hinayaan na makababa na siya mag-isa. Alam niya na ayaw lang nito makita na may naghatid kaya nagdadahilan sa kaniya. Nasa sidewalk na ito at lumingon sa kaniya at kumaway ng nakangiti. He smiled looking at her kahit hindi naman na siya nakikita nito. Two weeks ago ay nakilala niya ito, kaibigan niya ang kuya ni Catherine na bestfriend nito. Nang araw na iyon ng Linggo ay dumalaw siya sa kaibigan at habang nag-uusap sila tungkol sa buhay-buhay nila dahil matagal silang hindi nagkita ay doon niya nakita and dalaga, kasama ito ng kapatid ng kaibigan niyang si Tyrone. They were there because of a requirement that they need to do. Nalaman niya na nasa huling taon na pala ito sa medical school, neuro-surgeon ang gusto nito maging specialization ayon kay Tyrone. "Mukhang interesado ka kay Mandy at kanina ka pa tanong ng tanong," nanunukso ang ngiti ni Tyrone sa kaniya. "May magagalit ba?" he asked. Ayaw niya naman manira ng relasyon kaya mas mabuti nang alam niya agad ang sitwasyon. "Wala naman. No boyfriend since birth 'yang si Mandy sabi ni Cath-Cath. Marami nagtangka manligaw pero ayaw yata talaga mag-boyfriend. Ang sabi ni Cath-Cath ay focus daw talaga sa pag-aaral 'yang kaibigan niya." "Parang interesado ka rin sa friend ng kapatid mo," he said to analyzed Tyrone. Mahirap na at baka may plano rin pala ito manligaw. "G*go! Parang kapatid ko na rin 'yan. Nakita ko na 'yan simula pa noong kakaumpisa pa lang nila ni Cath-Cath sa pre-med course nila. Mga nene pa talaga sila noon, kaka-graduate lang ng highschool. Basta kaibigan ng kapatid ko ay parang kapatid ko na rin." Tyrone went to the fridge to look for more beer habang nagsasalita. May nakita naman ito agad ng dalawang beer in can at inabot sa kaniya ang isa. "Tinamaan na yata talaga ako," sabi niya sa kaibigan habang nakatingin sa dalaga na nasa sala ng bahay nila Tyrone. Nasa balcony sila at natatanaw niya ang dalaga mula roon. Natawa naman ito sa sinabi niya. Napalingon rin sa kapatid at kay Mandy na pilit may binubuong kung ano mula sa mga materyales na dala-dala. Napangiti siya ng sa muling pagtingin kay Neo ay nakatitig lang ito sa dalaga. "Huwag ka masyadong pahalata, bro. Nakakahiya..." natatawa nitong sabi sa kaniya dahil nakita nito ang pagkailang sa mga mata ni Mandy ng makitang nakatitig siya dito. "Yeah..." he said then, "baka imbes na magustuhan ako ay matakot pa." After that day ay muli siyang dumalaw kina Tyrone pero hindi na niya muli pa nakita ang dalaga na kasama ni Catherine. Hindi siya nakatiis at kinausap ang kapatid ni Tyrone na very eager naman at kinikilig na gusto siyang tulungan.  "Basta ipangako mo na never mo lolokohin ang best friend ko," Catherine said to him. "Mukha ba akong manloloko?" Catherine shrugged her shoulders first and said, "malay ko kung manloloko ka o hindi, 'yang kuya ko kasi ay marami na pinaiyak na babae. Baka gano'n ka rin!" "Kuya mo lang ang manloloko, Cath. Huwag mo ko idamay," natatawa niyang sabi dito at paglingon niya ay nakita naman niya na palapit si Tyrone sa kanila. "Musta, bro?  Napapayag mo na ba 'yang kapatid ko ibigay sa'yo number ng best friend niya?" Tyrone said habang  naglalakad papalapit. "Naninigurado pa nga na hindi tayo magkatulad..." he said to Tyrone na nagpakunot-noo naman dito. Natawa naman si Catherine then said, "manloloko ka kasi kuya kaya iniiwas ko ang best friend ko dito sa best friend mo at baka magkatulad kayo." Tyrone just gave his younger sister a look. Nakangiti na nakatingin lang sa kapatid. Waring may iniisip then... "Magkano na nga 'yong hinihingi mo sa akin nakaraan para pambili ng bag na  gusto mo?" Tyrone said to Catherine na nagpalaki naman ng mga mata nito. "Kuya, you are bribing me!"   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD