Present
"Neo, you need to rest."
Napalingon siya sa nagsalita, that was Tyrone. Alam niya na nag-aalala na ang mga kaibigan sa kaniya pero ano ang magagawa niya. Sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ni Mandy. Kung nakipagkita siya dito noong araw na iyon ay baka hindi ito nawala. Kung hindi niya inuna ang trabaho ay siguradong hindi ito napahamak at nakuha ni Nemesis.
She was last seen sa parking area ng favorite nilang restaurant. CCTV footage were cleared enough na nakitang may lalaking kumuha rito. Lumapit ang lalaki sa kasintahan niya at may kung ano ang itinurok sa braso ni Mandy. She'd been drugged at nawalan ng malay.
After that ay makikitang binuhat ito ng lalaki at isinakay sa mismong sasakyan ng dalaga. Days had passed at natagpuan ang kotse ni Mandy sa isang area sa Tarlac, vandalized. Neo felt desperate with that lalo na nang makita and code name ni Nemesis na nakaukit sa steering wheel. The psycho killer is taunting the authorities, taunting him.
Nemesis. It was the code name the killer used. A code name that comes from a word that is very ambiguous in its meaning. The word nemesis was tattooed on the victims faces. The killer used the old Filipino alphabet, alibata, on the victim’s tattoos.
"'Tol, hindi ka na raw natutulog at hindi ka na rin kumakain. Everyone in your team ay nag-aalala na sa iyo. Why don't you take a break?" Tyrone said to him na nagbalik sa isipan niya sa kausap. He was still silent, hindi niya alam kung may dapat ba siyang ipaliwanag sa hindi pagpapahinga, he was really hurting. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nawawala si Mandy.
"Catherine wants to talk to too you pero hindi mo raw sinasagot ang mga calls niya," dugtong pa na sabi ni Tyrone.
Tyrone kept on talking at ayaw niya intindihin ang mga sinasabi nito, ang atensyon niya ay kung paano mahahanap si Nemesis at ang maliligtas si Mandy.
"Neo!"
Bahagya siyang nagulat sa may kalakasan nang pagbanggit sa pangalan niya ni Tyrone. Napatingin na siya dito then Tyrone sigh by looking at his sad eyes. It was very obvious na hindi na siya okay pero hindi siya pwedeng huminto sa ginagawang paghahanap sa kung nasaan si Nemesis para matapos na ang lahat ng problema niya, para muli niya makita nag kasintahan.
"I'm really sorry on what happened pero wala tayo magagawa kung hahayaan na lang natin na balutin tayo ng kalungkutan. Kailangan mo rin gawaan ng paraan maging maayos ka. I will help you to find Mandy pero sana naman maging stable ang mental at physical health mo para maging okay ang lahat."
Pagtango na lamang ang isinagot niya sa kaibigan.
******
Tinitingnan niya ang babaeng natutulog ngayon sa kama, tatlong araw na silang magkasama. Alam niyang napapasaya niya ito, masaya ito sa kaniya. Napangiti siya, unti-unti ay buburain niya si Neo sa isipan nito at sa kaniya na lamang iikot ang mundo nito. Sila na lang dalawa at sa mundo nila ay walang makakasira.
Nilapitan niya ang babae at naupo sa tabi nito, napakahimbing ng tulog nito. Dahan-dahan siyang nahiga sa tabi nito at yumakap dito, he hugged her in spoon position and kissed the back of her head.
“I love you, Mandy”
******
“Salamat at napagbigyan mo kaming mag-asawa.”
Neo just smiled on them. The one who said that was Dr. Edmundo Oliveros, Mandy’s father. Nasa office pa siya kanina at plano mag-overtime when he received their call. Iniimbitahan siya ng mga ito para makasama sa hapunan. He couldn’t say no. How could he declined sa mga magiging biyenan niya. Nalulungkot siya at siguradong mas nalulungkot ang mga ito.
“I promise na maibabalik ko si Mandy, Dr. Ed…” Tiim-bagang niyang sabi. Two weeks na mula nang ma-kidnap si Mandy at hanggang ngayon ay walang dini-demand sa pamilya kung kailangan ba ng ransom para sa kalayaan ng dalaga. Alam niya naman na wala ide-demand si Nemesis, he was a killer and never asked any money from his victim’s family. But depth in his mind ay umaasa siya na sana humingi na lang ng ransom si Nemesis kapalit ni Mandy.
He knows na buhay pa si Mandy, two weeks na ang lumipas at tatlong biktima na ni Nemesis ang natagpuan. Mga biktima na sa tuwing nababalitaan niya na natagpuan ay nagbibigay sa kaniya ng kaba na halos magpasabog sa dibdib niya sa sobrang lakas dahil sa kakaisip na baka si Mandy na ang natagpuan at nakakahinga naman siya ng maluwag at nabubuhayan ng pag-asa kapag nalaman na iba ang biktima.
“We are really looking forward on that day, nag-iisang anak namin si Mandy at wala kaming ibang pinapagdasal kung hindi ang makita pa siyang buhay…” Dra. Rebecca Oliveros voice broke while saying that.
Dr. Ed stood up at nilapitan ang asawa, hinawakan ito sa braso at masuyong hinaplos-haplos ang likod nito para hindi tuluyang umiyak.
“Sorry…” Neo said. Hindi niya alam kung ano pa ang maaari niyang masabi para mabawasan ang lungkot na nararamdaman nila.
“And that is why we invited you,” Dr Ed said to him then went back to his seat, he continued, “we heard that you are blaming yourself too much. Namamayat ka na. Wala ka na sapat na tulog at kain. You should take care of yourself.”
“Mandy will not like what you are doing to yourself,” Dr. Becca said.
Neo did not say anything, his jaw was just clenching dahil sa kakapigil na umiyak. He was indeed desperate, and getting more desperate dahil hindi niya nagawang protektahan ang babaeng pinakamamahal niya. He was unworthy of her, unworthy of everyone’s love and care.
******
20 years ago…
“Mauna na kayo!”
“Hindi! Sabay-sabay tayo aalis dito,” matigas na desisyon ng kaniyang ina. Kailangan na nilang umalis sa bahay nila base sa naririnig niyang pagtatalo ng mga magulang.
“Bukas ay darating ang chopper at mauuna kayo ni Anton sa Manila. Hindi tayo puwede magsabay at marami pa kami aasikasuhin ni Miguel dito,” sabi ng ama niya. Kanina pa nagtatalo ang mga magulang niya at wala alam ang mga ito na narinig niya ang lahat. Hindi na napansin ng mga ito na nakaawang ang pintuan at naroon siya, nakikinig sa mainit na pagtatalo ng mga ito.
Sa batang edad niya ay hindi niya maintindihan kung ano ang problema, isa lang ang naunawaan niya, may gustong pumatay sa pamilya nila kaya kailangan nila tumakas.
“Saan tayo pupunta?” Hindi na nakatiis na pumasok na siya sa loob ng study ng ama, ang mga mata ay nagtatanong.
“Anton, ang sabi ko ‘di ba sa’yo ay hindi ka dapat sumasali sa usapan ng mga matatan—”
Naputol ang sinasabi ng kaniyang ina dahil sa putok na narinig nila mula sa labas. Mabilis siyang hinila nito at agad sila nakalapit sa kaniyang ama. Nanlalaki ang mga mata nito, nagtatanong habang nakatingin sa kaniyang ama.
“Miguel,” tawag ng kaniyang ama sa tiyuhin niya, “itakas mo ang mag-ina ko at huwag na huwag kayong babalik dito.”
Natatakot na siya dahil alam niya, nararamdaman niya na may masamang mangyayari sa pamilya nila. Mabilisan na ipinahawak ang baril sa kaniya ng kaniyang ama at binigyan rin ang kaniyang ina.
“Anton, bata ka pa man pero alam ko na kahit paano ay naturuan ka na namin gamitin ‘yan,” kausap ng ama niya sa kaniya, “huwag mo hahayaan na may mangyari hindi maganda sa inyo ng mommy mo.”
Hindi niya alam kung bakit niya kailangan tumango pero iyon ang ginagawa niya, kailangan niya bigyan ng pagsang-ayon ang ama. Kailangan niya ipaalam dito na hindi niya pababayaan ang sarili at ang ina.
“Hindi kita iiwan dito, Marco… Hindi,” umiiyak na sabi ng kaniyang ina, “Miguel, umalis na kayo ni Anton. Ipangako mo na hindi mo pababayaan ang anak namin, ang pamangkin mo.”
Naging mabilis na ang mga pangyayari dahil sa sunud-sunod na putukan mula sa labas. Patulak na pinalabas na sila ng kaniyang ama papunta sa secret door mula sa likod ng isang shelf. Natatakot at naiiyak na mahigpit siyang yumakap sa ama at ina. Gusto niya umiyak ng malakas pero ang tingin ng ama niya ay nagsasabing kailangan niya tatagan ang sarili niya.
Nang muli siyang hawakan ng Tito Miguel niya ay agad na siyang bumitaw sa ina at mabilis na ang naging pagkilos nila. Nang makapasok sila sa secret door ay agad itong isinara ng kaniyang ama at mabilis na ang naging pagtakbo nila ng Tito Miguel niya.