Memory: Two

1370 Words
Two Maaga akong pumasok kinabukasan dahil kailangan ko magreview para sa quiz namin ngayong araw. Naglalakad ako sa tahimik na hallway nang makasalubong ko si Tita Jeannette. "Good morning, Tita. Bakit po ang aga niyo?" tanong ko. She smiled at me. "Good morning, iha. I attended some meetings kaya maaga rin ako pumasok. Ikaw bakit ang aga mo, kumain ka na ba ng breakfast?" "Pupunta po sana ako sa library para magreview for our upcoming quiz. Hindi pa po ako kumain Tita dahil nagmamadali ako." sagot ko. "Join me then, masyado pang maaga." Sumunod ako sa kanya sa school cafeteria at nagorder siya ng pagkain para sa amin. "Kamusta ka Kadence? Pinagalitan ka ba ng Mommy mo kagabi?" I didn't expect na itatanong niya pa sa akin yan kaya nagulat ako. "It was fine, Tita. You know Mommy, kaya ayon she's mad and questioning me saying that I've been neglecting my studies." sagot ko. "How about your Dad?" dagdag niya. "Of course he's mad too Tita. Sabi ko po I got the highest score and he said that's not an excuse because it's still a failing mark." nawala ang ngiti sa mga labi ko habang nagkukwento kay Tita. "Buti ka pa Tita, you're fine with everything that Kuya Caden do. Lagi po siyang nagshishift ng course pero sinusuportahan niyo pa rin siya." sabi ko kay Tita. Si Kuya Caden ay ang anak ni Tita, he keeps shifting course but tita was fine with it pa rin and it saddens me that Mom was not like her sister. "Ayaw ko naman siyang ipressure, gusto ko lahat ng ginagawa nya ay masaya at nage-enjoy siya. Masaya ako, kapag masaya ang Kuya Cad mo." I looked at tita habang nagkukuwento siya tungkol sa anak nya. I envy him, sana ganiyan rin mga parents ko kaso malabo. I felt sad while listening to tita's story. "Nakita mo na ba siya Kadence? He looks so happy whenever he draws. Finally nahanap nya na ang gusto nya sa Architecture. He's been shifting from one course to another pero ngayon nagtagal na siya sa course niya." Naalala ko nabanggit sa akin ni Kuya Cad na architecture ang course na kinuha nya and he's really enjoying it. He looks happy pag nagkukwento siya tungkol sa course niya. Nagsabi ako before kila Mommy at Daddy na gusto kong kunin na course ay Architecture but they got mad. Paano ko daw ita-take over ang company kung iyon ang kukunin kong course and it's a waste of time daw. I have always love drawings and stuffs about art pero laging against ang parents ko dahil sayang lang daw sa oras and I should study na lang daw instead of doing nonsense things. Tumigil ako sa pagiisip dahil nalulungkot ako sa tuwing iniisip ko na lahat ng gusto ko ayaw nila para sa akin. I looked at tita then she smiled at me." Ikaw Kadence, masaya ka ba sa course mo ngayon? Nahanap mo na ba ang gusto mong gawin? Are you contented?" ~ Buong araw ko inisip ang tanong ni Tita. Masaya nga ba ako sa course ko ngayon? Is it something that I want to do? Or is it something that my parents want me to do. Is this who I am and who I want to be? Wala naman akong ibang alam na buhay bukod sa pagiging studyante na ineexpect ng lahat na dapat palaging on top. I don't even have a life outside school or friends that I can explore the outside world with. All I do was about academic stuff and things that would make me excel in school. It was tiring and I wanted to break free but I can't, I should not. Naglalakad ako palabas ng building namin nang may mahagip ang paningin ko. Isang flier na nakapaskil sa school bulletin board. Their face was familiar it was them-The Pathfinder. Binasa ko ang nakasulat." BE ONE OF US. ARE YOU BRAVE ENOUGH TO EXPERIENCE THE ADVENTURE THAT AWAITS YOU?" Naghahanap sila ng bagong member, ang tagal kong tinitigan ang flier bago ko inalis ang paningin ko rito. Aalis na sana ako nang may humawak sa braso ko. "Interesado ka ba?" nagulat ako at lumingon sa taong humawak sa braso ko. It was her, Ashley Marie Ramirez. Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at tumingin ako sa kanya. "Hi, Kadence." masiglang bati nya. "Hi, Ashley" I gave her a faint smile. "Wow kilala mo pala ako?" gulat na tanong niya. "Oh of course, magkaklase tayong sa isang subject last semester." sagot ko. Her smile widen."So interesado ka ba sumali?" "Ah hindi, tiningnan ko lang." her smile faded. Tiningnan nya ako and she looked sad. "Sigurado ka ba? Sayang naman." tanong niya. "Busy kasi ngayong semester. I don't have the time to join any club." desidido kong sagot. "Oo nga pala pero kapag nagbago ang isip mo pwede kang dumaan sa office anytime." "Sige, I'll go ahead." I gave her one last smile before heading to the cafeteria. ~ Naghanap ako ng mauupuan sa cafeteria na malayo sa mga tao. Binaba ko ang tray ng pagkain ko at nilabas ang mga libro na kailangan ko ireview for our upcoming quiz sa ibang subject. I was busy reading nang may marinig akong ingay. Of course this is the cafeteria pero nangingibabaw ang ingay nila. Tiningnan ko kung saan ito nanggagaling and it was them, the members of Pathfinder. I looked at Ashley and our eyes met, kumaway sya sa 'kin and I just gave her a smile. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko nang hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa kanila. Ang tatlong lalaki ay tawa nang tawa pati na rin si Ashley at ang babaeng katabi nya na nagaasaran. I can't help but to stare at them, I felt a strange feeling. It feels like I'm lost and I'm longing freedom habang tinitingnan ko silang magtawanan. ~ Nasa classroom na ako at tapos na ang last subject namin. Hinintay kong umalis lahat ng estudyante bago ako lumapit kay Tita. Napatingin siya sa akin habang nililigpit nya ang mga gamit nya. "What is it, Kadence? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nya. I don't know if it's necessary to ask her about this pero sa tingin ko si Tita lang ang makakaintindi sa 'kin. "Uh Tita interested po ako sa isang school organization. I mean it's irrelevant to my course pero I want to try pa rin po." I opened up. She looked at me amused "Really? Ano 'yan, let's talk about it." she asked interestingly. Naglakad kami palabas ng campus habang naguusap. I told her about the Pathfinders and I said I'm interested regarding the organization. "Tita sa tingin mo ba papayagan ako nila Mommy? Won't they get mad?" curious na tanong ko. "Kadence hindi naman kailangan ang opinion ng Mommy mo when it comes to the things you want to do. May magagawa ba sila kung 'yan ang gusto mo." nakangiting sabi ni tita. "What if they'll get mad Tita? You know they don't like when I dissapoint them or disobey them po." malungkot na sabi ko. "Do what makes you happy, iha" she said encouraging me. "It's not that easy po kasi Tita, I will not join na lang po" I gave her a small smile. ~ Umupo ako sa study table at nilabas ang flier na kinuha ko sa bulletin board. Hindi ko alam kung bakit ko kinuha 'to dahil sabi ko naman hindi ako sasali. Alam ko naman sa sarili ko na I wanted to pero natatakot ako sa sasabihin nila Mommy. Naalala ko seatmate ko si Ashley last semester sa isang subject. Lagi nyang kinukwento sa akin ang about sa organization nila. I'm interested in helping other people kaya kapag nagkukwento siya ay nakikinig ako. Kaya I wanted to join pero malayo ang ginagawa nila sa course ko kaya hinayaan ko na lang. But that's not the case anymore more. I don't want to disappoint my parents but I am craving freedom. I want to decide for my own and I want to do what I want. Maybe I'm just tired from doing the same routine kaya ako nagkakaganito. This is just a phase Kadence, you will get over this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD