Nakatikwas ang nguso na nakatingin si Raine kay Carlo. Kanina pa kasi may umaaligid-ligid na nakata 2 piece na blonde sa talipandas na ogre. At kung kagabi ay sapilitang inimpose nito sa kanya ang kissing rule nila, mukhang nakalimutan na nito iyon ngayong umaga dahil mula pa kanina sa Maynila hanggang makarating sila ng Balesin ay deadmatology ito sa kanya. At naiinis siyang talaga dahil mukhang naisahan na naman siya nito kagabi. Hinalikhalikan lang siyang talaga dahil ngayon ay harapharapan pa itong nageenjoy sa pakikipagflirt sa babaeng kakulay ng buhok ng mais ang ulo at ang Carlo, hindi naninita! Mukhang gustong-gusto pa ata ang pasimpleng paghaplos haplos ng higad sa braso nito maging ang fake na hinhin tuwing tumatawa ang higad queen. Eh ano ngayon sayo? paninita ng lohika niya