Lunes Unang araw ng pasukan matapos ang rambulan nila ni Maxine. Bumenta ang ibinigay na alibi ni Carlo kay Ms. Monet. Pero, nasermonanan pa rin siya nang ‘di oras. Hindi raw siya pwede sa extreme sports kaya dapat na niyang tigilan ang pagmo-motor. Ayos na rin sa kanya ‘yon. Basta ang importante h’wag nang mag-alala ang mga ito. Palabas na siya ng gate ng CHF nang tumunog ang cellphone niya. -New Number- Wait for me. Nagkibit-balikat siya at dineadma ang text msg. Hindi naman niya kasi kilala. Tuluyan na siyang lumabas ng CHF at nagsimulang maglakad patungo sa SGA. Napaigtad at napahiyaw pa siya sa sobrang nerbyos dahil sa malakas na pagbusina sa likuran niya. Inis siyang napalingon sa pinanggalingan ng tunog. Lalong nalukot ang mukha niya nang makita ang kotse ni Carlo. Hum