Hindi ko alam na may ikaiinis pa ako kay Ford, na may ititindi pa ang pagkadisgusto ko sa kaniya. Minsan kapag nakikita ko siyang palakad-lakad sa campus ay gusto ko na lang siyang sakalin o kaya ay sipain palabas ng eskwelahan. Kung kaya ko lang siyang palayasin dito para bumalik ang kapayapaan, baka ginawa ko na. Pagtapos ng pagpunta namin sa beach, naging abala ako sa school’s publication. Minsan tuwing nagkakasabay-sabay kami sa hapag nina Ford at Parker sa bahay, hindi ko alam kung paano pa ako makikipag-usap kay Parker dahil laging nakatingin si Ford at para bang nagbabantay, naghihintay na may makumpirma pero wala pa man, parang siguradong-sigurado naman na siya. Wala naman akong sekreto. Hindi rin totoo ang sinasabi niya na may gusto ako kay Parker pero mukhang hindi siya m