Mabilis na lumipas ang isang panibagong araw. Maaga akong umuwi dahil maaga ring umuwi sina Marshiela. Missing in action siya kahapon at ganoon din kanina, may problema yata sa kanila. Bukod pa roon, maaga akong umuwi dahil ngayong araw ang pagdating ni Madam Elora, ang mama ni Parker. Nauna na raw ito dahil si Senyora at ang iba pang pinsan ni Parker ay nag-e-enjoy pa rin sa bakasyon ng mga ito sa Spain. Pagdating ko noong hapon, tahimik ang bahay. May lakad yata si Madam Elora kaya pagdating ko galing eskwelahan ay wala siya. Lagi itong nagsha-shopping o kaya ay nasa kaibigan nitong may-ari ng isang jewelry business. Nangalumbaba ako sa aking study desk. Dumagdag pa sa iniisip ko ang report na isusulat ko para sa school’s publication. Kung gagawan ko nga ng feature section si Ford,