“Psst!” Hindi ako lumingon. Patuloy lamang ang paglalakad ko padaan sa damuhan. Ngayong araw na ang mismong school event kung saan magpe-perform kami nina Marshiela bilang representative ng college department na kinabibilangan namin. Kalma ka lang, Deborah. Hindi mo kailangang pagbigyan ang mga kapritso ni Ford. Ni hindi ko siya obligasyon na lingunin. Halos hila ko na si Marshiela na bumabagal na naman ang lakad porket padaan na naman kami sa harapan nina Ford. Lagi silang tumatambay rito sa oval at ginagawa nilang markadong pwesto ang metal barrier gayong bawal naman doon. At ang lalong nakakainis, hindi na sila sinisita ng mga nasa student committee. “Psst, Deborah!” At sinundan ng tawanan. Nilingon ko si Ford at mga barkada niya. Nakasandal siya ngayon sa metal barrier at n