Kabanata 10 - Atensyon

2291 Words

Hindi ko kilala ‘yan. Muli na namang nag-init ang pagmumukha ko noong maalala ang sinabi ni Ford sa mga kaibigan niya noong tinanong siya tungkol sa ‘kin. At ang halakhakan nilang magbabarkada! Kahit nga nakalagpas na kami roon sa metal barrier, naririnig pa rin ang tawanan nila. Habang hila ko si Marshiela, nagawa ko pang sumulyap pabalik para tanawin ang demonyong si Ford, kaso lang noong nakasalubong ko na naman ang mga mata niya at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin ay napalunok na lamang ako at nakaramdam na naman ng pagkairita sa kaniya. He puffed another on his cigarette. Binuga niya iyon sa hangin at umangat-angat ang dalawang kilay habang nasa akin ang tingin at may nanunudyong ngisi sa labi. Nag-iwas na lang ako ng mga mata at tuluyan nang hinila si Marshiela p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD