Kabanata 9 - Hindi Kilala

1744 Words

Ano kayang pakiramdam maging mayaman? Dinilat ko ang mga mata ko mula sa pagkakahiga sa ilalim ng puno. Rinig ko ang banayad na paggalaw ng mga dahon nito dahil sa pagtangay ng hangin, parang musika sa aking tainga. Nakaka-relax. Sumilip ang sinag ng araw mula sa pagitan ng mga dahon. Para na akong kinukuha ng liwanag tuwing tumatama ito sa aking mga mata dahilan para mapapikit ako. Palagi akong napapaisip simula noong bata pa ako, pati ang mga kasama ko sa bahay-ampunan na kasama kong lumaki. Ano nga kayang pakiramdam na lumaki sa isang mayamang pamilya? Iyong hindi mo na kailangan isipin kung saan ka kukuha ng pangkain sa araw-araw. Hindi mo na iisipin kung makakapagpatuloy ka pa ba sa pag-aaral dahil mataas ang matrikula, o kung libreng edukasyon man, kailangan mo pa rin ang p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD