Tulala sa isang tabi at 'di mapakali. "Maty, bakit dextrose iyang ikinakabit mo at hindi oxygen?" Dahil sa gulat ay naitusok ko sa ilong ng pasyente iyong karayom sa dulo ng dextrose. "Aray!" Napasigaw na lang sa sakit iyong pasyente ko. "Hala! Sorry po. Sorry po." Hindi tuloy ako magkanda-ugaga kung paano ko ito paaaluhin. "Ako na nga diyan Maty! Ikaw na lang mag-check ng vital signs noong pasyente ko sa room 47!" Sinunod ko na lang si Maggie kaysa naman mabulyawan pa ako noong pasyente ko. Anak naman kasi ng pasig oh! Ilang araw na akong napapaisip tungkol kay Maly-namnam ko. Hindi ako maka-move on sa mga nalaman ko sa kaniya noon pang nakaraang linggo. Imagine, pumapatay lang naman siya 'dati'. Napapraning na tuloy ako. Hindi ko malaman kung paniniwalaan ko pa ba siya o sis