PROLOGUE

3323 Words
DISCLAIMER This story is not suitable for young ages 18 and below or sensitive minds. Contain s*x scenes, adult language and situation intended for mature readers only. Spg R-18 Plagiarism is a crime! Read for your own risk! ******* “ANG daya mo naman, kung hindi ka titigil sa pagtawa sisipain ko iyan alaga mo!” pagbabanta ni Nanami sa asawa. Tumigil sa pagtawa si Venom at nakangiting tumingin sa kanyang asawa. Ito lang ang matapang na kausapin siya sa ganoong paraan, kaya naman talagang minahal niya ito ng sobra. “Tumayo ka!” saad pa ni Nanami kaya napakunot ang noo niya. “Bakit naman?” “Basta, tumayo ka, who knows baka nagtatago ka ng isa sa mga card mo diyan sa kinauupuan mo,” nakangusong sabi pa nito kaya napailing siya. “Hindi ako mandaraya patas akong maglaro aking asawa, alam nating dalawa na magaling talaga ako sa larong baraha,” sabi pa niya kaya lalong napanguso ang babae. “But also, how many times have you won, so how did you say I was cheating on you?” Nagkibit-balikat pang dagdag nito at humigop at uminom martini na alak na inuutay utay niyang inomin. “Kung gayon, bakit hindi mo ulit ako hinayaang manalo sa pagkakataong ito?” “Dahil gusto kong makita ng aking magandang prinsesa kung gaano kahusay ang kanyang ama, maglaro,” sabay kindat ulit niya sa kanyang asawa na nagkakandahaba na ang nguso sa pagtatampo. Umirap si Nanami sa asawa niyang si Venom, habang naniningkit ang mga mata. “What, nasa tiyan ko pa lang naman siya, kaya ’di pa niya iyan makikita.” She dramatically gasped habang pinapasadahan niya ng palad ang malaki niyang tiyan. “Kaya siguradong malungkot siya ngayon, dahil natalo na ng tuluyan ang kanyang mommy,” sabi ni Nanami at parang naiiyak na. “Itigil mo nga 'yan.” Nagkunwaring inis na sabi niya sa kanyang asawa sa iniaasal nito, pero alam niyang nagdadrama lang ito sa kanya. “Ikaw ay walang pusong asawa at ama, ’di ka kasi nagpaparaya sa isang buntis.” Bumuntong-hininga ito, na parang nanlulumo dahil di na kuha ang gusto nito sa kanya. “Huwag kang mag-alala my little angel, hindi gagawa ng ganoon si mommy sa iyo. Palagi kang hahayaan ni Mommy na manalo sa bawat laro dahil mahal na mahal kita, ’di na natin bati ang daddy mo.” Biglang kausap nito sa kanyang tiyan kaya napangiti na siya sa inaasta nito dahil huli niyang umaarte lang ito dahil wala namang luha ang nalabas sa magandang mga mata ng asawa. Napaungol siya bago nagsalita, “Okay itigil mo na ang pagpaparamdam sa akin na isa akong masamang ama.” Kunyaring seryoso niyang sabi sa asawa na masyadong madrama. Tinitigan naman siya nito sa pamamagitan ng nakakaawang ekpresyon kaya bumigay na siya sa pagpapa-cute nito sa kanya. “Ikaw kasi hindi mo kasi ako hinayaang manalo ulit.” Pagtatampo pa nito at saka nagkibit balikat habang nakanguso. “Argh!” Bumaba ang tingin niya sa tiyan ng kanyang asawa, saka dahan-dahang iniwas ang tingin doon ang galing talagang mangunsensya ng kanyang asawa. “Ano ba ang dapat kong gawin para hindi ka na magtampo riyan?” pagpaparaya niya sa asawa alam naman niyang nag-iinarte lang ito pero dahil buntis ang kanyang asawa ay pagbibigyan niya ito sa pagtatampo nito para lang sumaya na ito ngayon. “Yehey okay, kunin mo ang basket at pumunta ka ngayon sa palengke at bilhin mo mga ito.” Biglang pagbabago ng mood nito kaya napailing siya. She batted her lashes, smirking deviously that her plan is working. “Ikaw yata ang mandaraya sa ating dalawa eh, alam mo ba iyon, idinaan mo ako sa pagpapacute mo,” sabi niya at kinuha niya ang basket na ginagamit sa pamamalengke upang sundin ang utos ng kanyang asawa. “Tinawag mo bang mandaraya ang iyong magandang asawa na nagdadala ng maganda mong anak?” kunyari ay nashock ito sa pambibintang niya rito, sabay fake gasped nito sa kanya. “Hindi kaya, baka namali ka lang ng pandinig, ang sabi ko, sige mamimili na ako ng lahat ng gusto mong ipabili, para maging masaya na si baby natin sa tiyan mo.” Nagmamaang maangang sagot niya sa kanyang asawa. “Mabuti naman, kaya sige na mamili ka na at gutom na ako, I mean ang baby na.” Nangising saad nito kaya he knows na naginarte lang talaga ito sa kanya. “Tsk, oo na po, kung hindi ka lang buntis, pinarusahan na kita,” sabi niya at malagkit niyang tiningnan ang kanyang asawa kaya na gets naman nito ang sinabi niya rito. “Hoy, tigilan mo nga ’yan. Huwag kang mag-alala, sa susunod hahayaan na kitang ikaw lagi ang mananalo, pero ngayon pagbigyan mo muna kami ni baby,” Sabi nito kaya tuluyan na siyang natawa sa kanyang asawa. Tumayo na lamang siya sa kanyang kinauupuan para mamalengke na at nang makakain na ito. “Oh, saan ka na pupunta?” tanong ni Nanami habang nakatingin sa kanya. “’Di ba sabi mo mamalengke ako, kaya ito na aalis na ako para mamili.” Nakasimangot na saad niya rito kaya natawa ito ng walang humpay. “Ha, ha, biro lang naman aking asawa, sineryoso mo naman,” natatawang saad nito kaya napasimangot siya rito. “Hmm! ikaw talaga, akala ko talaga tutuhanin mo na pamamalegkehin mo ako, alam mo naman na I hate that, lalo na kung ’di kita kasama, baka lahat ng paninda sa palingke ay bilhin ko na lang,” Bumuntong-hininga siya dahil alam naman nito na wala siyang alam sa pamamalingke. Hinawakan naman nito ang kanyang kamay, kaya hinila niya ito pataas sa pagkaka-upo para makalapit eto ng husto sa kanya. “Napakabigat mo na pala mahal ko,” pang aasar niya sa asawa kaya kaya nahampas siya ng babae. “Biro lang, tara doon muna tayo sa tabing dagat at nang makita natin ang sunset,” pagyaya niya sa asawa at agad niya itong binuhat upang hindi na ito makareact pa. Bago pa maproseso ni Nanami ang nangyayari ay nabuhat na niya eto kaya wagas itong napatili. “Diyos ko po naman Venom, ibaba mo nga ako ang bigat ko na kaya, ibaba mo na lang ako,” sabi nito sa pamamagitan pa rin ng pagtili. “Hindi, okay lang iyan, kaya pa kita kaya relaks ka lang diyan.” Matigas naman niyang sagot sabay lakad patungo sa dagat na nasa labas lang ng kanilang bahay bakasyonan. “Sure ka, hindi ba talaga ako masyadong mabigat?” tanong na nito sabay pulupot na nito ang mga braso nito sa kanya leeg. “Oo naman, kayang kaya ko kayo ng anak natin, trust me!” Sagot naman niya kaya masayang sumandal si Nanami sa dibdib niya ng may ngiti sa labi nito, habang patungo sila sa dagat ay naisip niyang masaya siyang nagkaroon siya ng asawa na tulad ni Nanami. “WHERE are you now, honey?” tanong niya sa nasa kabilang linya ng tawagan niya ito. “Dapat pala sinamahan na kita riyan sa hospital,” sabi niya ng sabihin nito sa kanya na paalis pa lang siya ng hospital. “Don't worry alam kong busy ka, kaya okay lang na hindi mo ako nasamahan,” nakakaunawang sagot naman nito sa kanya. “Miss na miss na kasi kita,” aniya sa kanyang asawa. “Sus kahapon lang tayo naghiwalay ng landas mister ko, miss mo na agad ako. Hindi ba nasa iyo ang mga larawan ko sa cellphone mo? Kaya iyon na lang ang itigan mo at kausapin mo na para bang nandiyan lang ako, kaya mababawasan ang pagkamiss mo sa akin,” Pagbibirong mungkahi nito kaya inilibot niya ang kanyang mga mata. “Ang mga larawan mo ay walang halaga kumpara sa totoong ikaw. Hindi naman kita mahahalikan mula sa larawan mo, mas masarap kang halikan kung totoong labi mo ang mga iyon.” Paglalambing niya habang sinabi ang mga katagang mahal niya ito. “May labi rin naman ako sa bawat larawan ko, hindi ba kaya iyon na lang muna pagpantasyahan mo.” At tumawa ito na parang nanunodyo. “Ha, ha, nakakatawa.” kunyari ay hindi niya nagustuhan ang biro nito. “Okay, okay, pauwi na ako ngayon kaya itigil mo na ang pagtatampo mo sa akin.” “Anong oras ka makakauwi? Damn, sana pala ay sinundo na lang kita diyan sa ospital.” “Ano ka ba okay lang talaga kami at saka naging busy ka, remember? At ayokong ma-forfeit mo ang mahahalagang meetings mo ng dahil lang sa akin.” “Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ikaw lang at magiging anak natin, lahat ay gagawin ko my wife, kaya kahit kansilahin ko ang lahat ng meeting ko ay gagawin ko.” Mapagmahal na sabi niya kaya kinilig naman ang kanyang asawa. “Hon, pinapakilig mo naman ako, kaya nga love na love kita. Sige na ibababa ko na itong tawag mo, dahil nasa biyahe na ako pauwi, kaya magkikita na tayo.” Masayang sabi nito kaya nasabik siyang napangiti. Ngunit isang malakas na tunog ang narinig niya sa kabilang linya, dahilan para mapatayo siya at mawala ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala. “A-anong nangyayari riyan honey?” biglang tanong niya rito. “Hindi ko alam. Sa tingin ko. . .Ahhh!” Napuno ng malalakas na sigaw ang kabilang linya. “Amore, anong nangyayari? Nanami, kausapin mo ako, magsalita ka!” Nanginginig na tanong niya sa kanyang asawa. Nagkaroon ng katahimikan at mayamaya lamang ay, “T-tulungan mo ako a-asawa ko,” bigla niyang rinig niya ang natatakot na boses sa kabilang linya. “V-venom. . .help! S-save o-our baby.” Naghihingalong saad nito at narinig niya ang dalawang putok ng baril bago namatay ang kabilang linya. “NANAMI!” Sigaw niya habang nanginginig ang boses niya dahil sa kaba at takot para sa kanyang asawa at magiging anak nila lalo na at hindi niya na kikita ang mga nangyayari. OSAKA HOSPITAL “N-Nasaan ang asawa ko?” tanong niya sa nurse sa front desk. “Sabing nasaan ang asawa ko?” galit niyang turan n may pag-aalala sa kanyang boses. “Please calm down, mister,” pagpapakalma ng nurse sa kanya. “Don't fvcking tell me to calm down! Nasaan ang asawa ko?” sigaw na niya rito kaya napaidtag naman ang nurse. “Nurse Linda,” tawag ng isang nurse sa nurse na nasa front desk. Humakbang ang nurse na nangangalang Linda para lapitan ang tumawag na nurse sa kanya. “Nasaan sabibang asawa ko?” sabat niya sa dalawa. “'Yong buntis po ba na isinugod dito ilang minuto lang ang nakakalipas?” tanong ng isang nurse na tumawag doon sa Linda. “Oo. Nanami Borromeo ang pangalan niya,” Sagot naman agad niya. “Sumama ka sa akin.” Dinala niya sa emergency room kung saan inaasikaso ng mga doktor ang asawa niya. “Maghintay ka lang po dito, malapit nang lumabas ang doktor.” Umalis na ang nars pagkatapos nitong sabihin iyon sa kanya. Naglakad-lakad siya sa pasilyo at tahimik na nagdarasal para sa interbensyon ng Diyos sa sitwasyon ng kanyang asawa. Hindi niya kayang mawala ito. Mamamatay siya kapag may nangyaring masama sa kanyang asawa. Sinubukan naman siyang pakalmahin ni Marcel, kaya nagpasya siyang huminto sa paglakad lakad at umupo at matiyaga siyang naghintay sa paglabas ng doktor . Sa wakas ay lumabas ang doktor mula sa emergency room, habang tinanggal nito ang guwantes na walang ekspresyon sa mukha. Tinitigan niya si Venom na may takot sa mukha. “Ikaw ba ang asawa ni Mrs. Nanami Borromeo?” Mabilis na tumango si Venom, “Yes. Kumusta siya?” kinakabahang tanong niya. Napabuntong hininga ang doktor bago nito sinagot ang tanong niya; ”Siya ay nabaril sa dibdib na malapit sa puso,” “Ano?” Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya nang sabihin ng doktor ang mga katagang iyon. “Dalawang beses siyang binaril doon. Kaya kailangan natin siyang operahan sa lalong madaling panahon para maalis ang bala ngunit,” malungkot na tingin ang ibinigay nito sa kanya. “Hindi namin magagarantiya na parehong mabubuhay ang iyong asawa at anak.” Naiiling na saad nito kaya napasinghap siya ng malakas. “A-Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya sa kaharap. “Kinalungkot kong sabihin ito pero, kailangan mong pumili, mister Borromeo. Gagawin namin ang lahat para mailigtas ang ang mag-ina mo pero walang kasiguraduhan na makakaligtas ang isa sa kanila.” Naglandas ang mainit na luha sa kanyang mukha ng marinig ang sabi ng doktor sa kanya. Ang kanyang puso ay tumigil sa pagtibok ng ilang segundo. Hindi niya kayang mawala ang kanyang asawa at ayaw din niyang mawala ang kanilang anak. Nang biglang naalala niya ang pangako niya sa kanyang asawa. “Maipapangako mo ba sa akin?” “Ang ano mahal ko? Kahit ano ay mangangako ako sa'yo na may kasiguraduhan na tutuparin ko iyon.” Saad naman niya rito. “Kung sakalinc may mangyari man sa akin. . . “Ano walang mangyayari sa'yo, kaya huwag ka ngang magsalita ng ganyan,” na-titense na sagot niya. “Shhh, makinig ka muna sa sasabihin ko, okay!” Nagsusumamo nitong sabi sa kanya kaya napatango siya. “S-Sige!” Dahan-dahan niyang sabi. “Kung may mangyari man sa akin sa panahon ng aking panganganak . . .pakiusap,” tumigil ito at tumingala ito sa kanya habang naka-upo sila sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa karagatan na kanilang kinatatayuan. “Ililigtas mo ang anak natin, kaysa sa akin. Mangako ka ah!” Naalala niya ang huling sinabi nito nang araw na nasa bahay bakasyonan sila habang nakatanaw sa dalampasigan at pati ang huling sinabi nito bago mawala ito sa kabilang linya kanina. “Please, save o-our baby.” Mariin niyang naikinuyom ang kanyang kamao, habang sinasabi ang mga katagang iyon. “Iligtas mo ang aming a-anak!” LUMIPAS ANG DALAWANG ARAW Iba't ibang mga aparato ang nakakabit sa murang katawan ng anak niya. Hindi niya maalis ang tingin sa kanyang anghel na hindi pa nagmumulat ng mga mata mula nang maoperahan eto. Iniligtas ng mga doktor ang kanilang anak ni Nanami na siyang pinakamabuting desisyon na kanyang ginawa, kahit ang kapalit niyon ay ang buhay ng kanyang yumaong asawa na hindi na talaga na iligtas pa ng mga doktok. Wala siyang pagpipilian kundi iligtas niya ang kanyang anak, lalo na at request na rin ng kanyang yumaong asawa, kahit masakit sa kanya ay pinili niyang buhayin ang anak niya dahil iyon ang hiniling ng kanyang asawa na ipinangako niya noong nabubuhay pa ito. Hindi na siya umaalis sa ospital simula nang pumanaw ang kanyang asawa at hindi na rin siya tumitigil sa pag-iyak mula noon. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sa mag-ina niya, kung sinamahan or sinundan niya ito sa hospital noong hapong iyon, hindi sana mangyayari ang malagim na pagkamatay ng kanyang asawa. Dapat nandoon siya ng mga oras na nasa panganib ang kanyang asawa para na protektahan niya ito at ang ipinagbubuntis nito. Hindi siya tumigil sa paghahanap kung sino ang nasa likod ng pag-ambush sa kanyang mag-ina, hindi siya titigil sa paghahanap hangga’t hindi niya na lalaman ang taong nasa likod niyon. Dahil pagbabayarin niya ito ng mahal at kahit kapalit man nito ay ang buhay ng taong may kagagawan ng lahat ng iyon ay gagawin niya para lamang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang asawa at pag-aagaw buhay rin ng kanyang anak. “Please wake up baby. Don’t do this to me or to your mother sacrifice. Please open your eyes. Mabuhay ka anak alang alang sa akin at sa pagsadakrepsiyo ng mommy mo, para mabuhay ka,” humihikbing saad niya sa kanyang munting anghel, habang hinawakan niya ang maliit na kamay ng kanyang anak. Mayamaya lang ay may napansin siya sa bata parang bumibilis ang takbo ng paghinga nito kaya agad siyang tumawag ng doktor para suriin ang kanyang anak. Tumulo ang kanyang mga luha sa habang nakatingin naman sa doktor at tatlong nars nasa silid na pumasok kanina ng tawagan niya ito sa intercom, sinusubukan nilang buhayin ang kanyang anak kaya abot abot ang kanyang pananalangin sa Panginoon para sa kaligtasan ng kanyang anak na natitira na lang niyang alala sa kanyang asawa. Ni hindi niya makita ang magandang mukha ng kanyang anak, dahil hindi siya maaring pumasok doon, kulang kasi ito sa buwan, kaya nagkaroon ng mga komplekasyon sa munting katawan ng bata na ikinabahala niya ng mga oras na iyon. Halos kalahating oras din ang lumipas ng matapos ang mga ito at lumabas na ang doktor at ilang nars sa loob ng silid kung nasaan ang kanyang anak. Huminga ng malamim ang mga ito bago nagsalita ang doktor na ligtas na raw ang kanyang anak kaya nakahinga siya ng maluwag. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kung pati ang kanyang anak ay mawawala rin sa kanya. Kaya labis ang saya niya ng makaligtas ang kanyang anak sa kapahamakan. Kaya pinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya titigil na hanapin ang pumatay sa kanyang asawa kahit ano pa ang mangyari. Maghihiganti siya sa pinakabrutal na paraan na walang awa-awang mararamdaman sa kanyang puso at isipan dahil walang pusong gumawa niyon sa ang kanyang pinakamamahal niyang mag-ina. MAKALIPAS ang ilang buwan mula ng mamamatay ang kanyang asawa nang makalabas sila ng kanyang anak sa hospital ay walang nagbago sa buhay niya, kung mayroon man, lumalala lang ang setwasyon sa bawat araw na lumilipas. Kinandong niya ang kanyang magandang anak at sinusubukan niyang pigilan ang malakas na pag-iyak nito ng makarating siya galing trabaho. “Shhh, tahan na anak, nandito na si daddy.” Mahinahon niyang sabi habang pinaghehele niya ito. Pumasok si Marcel sa loob ng silid ng kanyang anak, kasabay ang katulong niyang si manang Eve na taga bantay ng kanyang anak kapag wala siya sa bahay. “Eto, kunin mo siya at ipaghele mo muna manang Eve.” utos niya kay Eve kaya kinuha naman nito ang sanggol sa kanyang mga bisig. Unti-unti namang tumigil sa pag-iyak ang kanyang anak at natulog na ito sa mga bisig ng kanyang pinagkakatiwalaang katulong kaya lumabas na sila roon, iba talaga kapag babae ang kakaraga sa kanyang anak mabilis niyon napapatahimik ang kanyang anak. “Anong balita?” tanong niya kay Marcel at seryosong hinintay ang sasabihin nito. Napabuntong-hininga naman si Marcel bago nagsalita; Tumahimik ka muna, master,para masabi ko lahat saiyo!” "Wala pa nga ako sinasabi kaya bakit mo ako pinapatatahimik?” na iinis na tanong niya sa kanyang kanang kamay. Huminga muna ng malalim si Marcel bago nagsalita ulit at lumapit sa kanya. “Dahil alam ko na kung sino ang taong nasa likod ng pagkakaamatay ng asawa mo master!” Seryosong sabi nito kaya napatingin ako rito. “Talaga kilala mo na? The who?” galit na sigaw niya. “Si mister Dee mo master,” “Anong. . . the f**k!” lalong nagalit siya sa nalaman at sa balita. “Opo, lahat ng ebidensya ay tumuturo sa kanya. At para ma-finalize ang lahat, umalis na siya ng bansa para takasan ang kanyang atraso sainyo. Wala rinc nakakaalam ang tungkol sa kanyang kinaroroonan. Limang buwan na rin daw siyang nawawala, pagkatapos ng insedenteng kinasangkutan ni Lady Nanami, kaya lalong lumkas ang aking hinala na siya talaga ang may pakana ng lahat.” Mahabang sabi ng kanyang kamang kamay na si Marcel. “Kung ganoon, hanapin mo siya. Siguraduhin mong mahahanap mo siya. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko napapatay ang lalaking iyon.” Babalang sabi niya at saka napasuntok siya sa mesa. “Pangako master, hindi ako titigil sa paghahanap hangga't hindi ko siya naihaharap sayo.” May kasiguraduhan na sabi naman sa kanya ni Marcel. “Ngunit siguraduhin mong buhay siya na dadalhin sa akin, kahit gaano katagal ay maghihintay ako, dahil ako ang magpipira-piraso sa katawan ng hayop na iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD