TAMA ba ang narinig ko? Gusto ako ni Quinn? Well, ayon lang 'yan kay Jasper. Natural, kaibigan n'ya ang mokong na 'to. Kumbaga sa family. . . love your own. Pero naisip ko rin, baka asar lang talaga s'ya sa akin. Hindi rin naman kasi naging maganda ang una naming pagkikita. Ikaw ba naman ang tamaan ng graba ng walang sabi sabi, matutuwa ka ba? Nakarating kami sa palengke pero hindi pwedeng ipasok ang kotse. Kailangan naming maglakad papasok. Hindi naman kalayuan pero alam mo 'yong kita mo na kaagad ang basura sa gilid tapos ang amoy ay nakakasulasok? Oh well, I am no longer in North America. I will be living here for a year so I have to get used to it, kahit ayaw ko. "Pinagtitinginan ka ng mga tao," sabi ni Jasper sa akin na natatawa. Lumingon ako sa paigid at totoo nga ang sinasabi n'y