QUINN Kanina pa ako naghihintay kay Brooklyn. I was bored with my date kaya pagkatapos naming kumain ay inihatid ko na s’ya pauwi at nagdiretso ako ng bahay. Alas kwatro pasado na ay wala pa. Nang makita ko ang kotse ni Jasper ay nakahinga ako ng maluwag. At the same time, nakaramdam din ako ng inis dahil ang tagal nilang bumalik. Nang umibis sa sasakyan si Brooklyn ay nagtataka s’yang tumingin sa akin. “Are you lost? Doon ang bahay mo,” sabi n’ya sa akin at itinuro ang bahay namin. “I was waiting for you,” maiksing sagot ko sa kanya. Lalong lumalim ang gatla sa noo n’ya. “Ha? May usapan ba tayong magkikita?” Sa halip na sagutin ko s’ya ay hinarap ko si Jasper. “Saan ba kayo nagpunta at ang tagal n’yong bumalik?” Jasper laughed a little. “Sa palengke. Sa mall. Kumain ng kwek-kwek s