HINDI MAPIGILAN NI Celeste na mapangiti nang makitang masaya ang mga kaibigan niya na nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kasintahan niya. Ang akala niya ay mahihiya ang mga ito. Mabuti na lang ay marunong talaga ang mga ito na makisama. Kung makipag-usap ang mga ito, parang matagal ng kakilala ang mga ito. Nag-iinuman ang lahat maliban sa kanilang dalawa ni Cynthia. Simula nang ipinatingin nila ito sa psychologist ay ipinagbabawal na iyon dito. Taos puso naman nitong sinunod iyon para magpatuloy na talaga ang paggaling nito. “Cele, ayaw mo ba talagang uminom?” tanong ni Demitrica. Napatango siya. “Oo. Alam mo na, nandito si Mommy.” “Tama pala,” sabi nito. Napangiti na lang siya at hindi na sumagot. Kahit na gugustuhin man niya na uminom ng alak kasama ang mga ito ay hindi na talaga