“GRABE KA MAKATITIG sa Tito mo, Cele. Ano na? Gusto mo na mag-crush reveal? G*ga ka ba?” bulong ni Cynthia. Kinurot ni Thamara kaniyang tagiliran. “Mahahalata ka ni Zorro.” Napabuntonghininga na lang si Celeste. Nakatitig lang siya sa tinatayuan ng kaniyang tiyuhin mula roon sa bukasan at p*****n ng ilaw ay ang dami na niyang iniisip na posibleng mangyayari. Hindi niya maitanggi na isa sa dahilan kung bakit siya nagkaganoon ay ang nangyari sa kanila roon sa kuwarto nito. “Sorry,” aniya. Nilingon ni Celeste si Zorro. “Yakapin mo ako, please? Mas better kung patalikod.” “W-What?” Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. “Please, Z?” hiling niya rito. Desperada na siya. Hinawakan ni Cynthia ang kamay nito at tinulak palapit sa kaniya. “Go. Maiingget lang kami sa gidli. Magkakamay na lang a