“HEY! LASING KA na nga!” natatawang sabi ni Demitrica. “H-Hindi ako lasing, Ate Demi, okay?M-Mahal na mahal ko lang talaga ang Uncle ko. Kasi alam ninyo, isa siya sa taong nagmamahal sa akin nang totoo. Ipiniramdam niya sa akin na kahit hindi ko maabot minsan ang standard ni Mommy, magaling pa rin ako.” Napahawak siya sa kaniyang dibdib. “Iiyak lang muna ako saglit, ah? M-Malapit na kasi ang graduation namin, pero natatakot ako na hindi ko maabot ang iyong gusto ni Mom na dapat maging magna c*m laude ako.” Natapos niyang sabihin iyon ay nagmamadaling tumayo si Hiro at pinuntahan siya. Niyakap siya nito nang mahigpit habang hinihimas ang kaniyang likuran. Hindi lang niya napigilan na mapaluha. Para sa kaniya, ang pait ng mundo sa kaniya. “Akala ko, Cele, love mo si Uncle Hiro as lover. K