“HOLY WOW! Z? Tami?” Mayroong pagtataka sa mukha ni Celeste habang tinititigan ang kaniyang mga kaibigan. Kung may namamagitan man sa dalawa ay wala siyang isyu roon. Mahigit isa at kalahating buwan na rin na hiwalay si Thamara sa kasintahan nito na nahuli nitong nagloko. Naabutan nito mismo iyon sa condo ng kasintahan. Wala itong ginawa masyado sa babae, pero sa dating kasintahan nito ay pinagsasampal nito iyon nang walang tigil. Hindi lang doon nagtapos ang lahat, dahil pinahiya nito ang kasintahan sa sariling social media nito dahilan para mag-viral. Kahit ang mukha ng babae ay inilagay nito iyon doon. Tinakpan pa ng emoji sa katawan pero sa mukha ay wala. Hinayaan niya na makilala rin ito. Ginawa nito iyon dahil iyon ang sa tingin nito na ikapapayapa ng puso nito. “Are you in a rela