Kabanata 4

3097 Words
Single Dad ( KABANATA 4 ) KABANATA 4 GALIT NA GALIT si Ate Ester na pinatawag si Jane at Karen. Natatawa naman akong nakinig din, kasama ko na nang mga oras na iyon si Kenny. Pinakakain ko na siya ng tanghalian. “Ano ba ang trabaho ninyong dalawa rito?“ tanong ni Ate Ester sa dalawa. “Katulong po.“ Sabay na tugon ng dalawa. Mga nakatungo ang mga ito at nakikita ko kung paano magbait-baitan ang dalawa. “Katulong? Pero ang pinagkainan ninyo ay itinambak nyo rito sa lababo? Ano kayo may tagapahugas? Sino pa ang paghuhugasin nyo nan, si Lita?“ singhal nito sa dalawa. “Ate Ester huwag po kayong magalit samin, dapat kay Alice kayo magalit!“ saad ni Jane. “At bakit kay Alice? Siya ba ang tagapaghugas dito ha?“ “Nag-offer po kasi siya samin na siya ang maghuhugas ng pinggan namin. Kaya akala namin ay totoong gagawin nga niya. Un pala ay may masamang balak siya para mapagalitan kaming dalawa ni Karen.“ “Totoo po ’yon, Ate Ester. Hindi naman po namin akalain na lolokohin pala kami ni Alice. Galit po yata samin si Alice.“ Dugtong naman ni Karen kay Jane. Napanganga ako sa sinabi ng dalawa. Gusto ko sanang pumunta roon para sabihin na nagsisinungaling ang dalawa, ngunit hindi ko naman maiwan si Kenny. Sinusubuan ko kasi ito. “At bakit naman gagawin sa inyo iyan ni Alice? Alam ninyo, kayong dalawa kanina lang ay sinasabi nyo sa akin na nagkukuwentuhan kayo. Tapos ngayon sisiraan nyo si Alice para lang sumalo sa katamaran ninyong dalawa? Aba ay hindi kayo pinasasahod dito para sa mga ganiyang ugali ninyo!“ ani Ate Ester sa dalawa. “Kayo po ang bahala kung hindi po kayo maniniwala sa amin. Pero iyon po ang totoong nangyari. Akala namin ay kaibigan na namin si Alice pero hindi po pala.“ Wika ni Jane. “At kaya pala ginagawa nyong kaibigan si Alice para gawin ninyong utusan? Baka nakakalimutan ninyo na ang trabaho niya rito ay yaya ni Kenny. Hindi yaya ninyong dalawa kaya kung hindi ninyo aayusin ang trabaho ay baka sabihin ko na kay Sir Kinly ang lahat ng ginagawa ninyo!“ “Hindi na po mauulit, Ate Ester.“ Nakatungong sambit ni Karen. Talaga itong dalawang ito. Ipapahamak pa ako sa mga kasinungalingan. Mabuti na lang at hindi basta-basta naniniwala si Ate Ester. “Linisan ninyo iyang lababo at pagkatapos niyan ay bumalik na kayo sa inyong mga trabaho.“ Utos ni Ate Ester sa dalawa. Nang makaalis si Ate Ester ay sumilip ang dalawa sa kabilang dinning area kung saan nagpapakain ako kay Kenny. “Ano, masaya kaba sa ginawa mo? Kung inaakala mo mapapalampas ko ang ginawa mo puwes nagkakamali ka!“ pagbabanta sa akin ni Jane. Hindi naman ako natakot dahil kahit dalawa pa sila ay kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Natuto akong maging palaban dahil lumaki akong walang tagapagtanggol kundi ang sarili ko. Ako ang nagtatanggol sa mga kapatid ko sa tuwing may nakakaaway, kaya hindi ako natatakot sa hamon ninyong dalawa. Hindi ako nagsalita bagkus nakatingin lang ako sa kanila. Pinagmamasdan kung paano ito magalit dahil sa sarili din nilang kagagawan. “Tara na, Jane! May araw din sa atin ang babaeng iyan!“ yaya ni Karen sa kaibigan. Pagkatapos kumain ni Kenny ay lumabas kami sa malaking bakuran at doon pinaglaro si Kenny ng bisekletang nakatambak lang doon. Maganda pa iyon at halatang hindi pa nagagamit. Kaya naman ito ni Kenny dahil may tatlong gulong ito na sakto lamang para sa edad niya. “Itutulak kita, Kenny. Hawakan mo lang itong manibela. Tapos iliko mo kung saan mo gusto.“ Saad ko kay Kenny na madali namang naunawaan ng bata. “Ok yaya. Yaya alis tayo punta tayo trabaho daddy.“ Wika ng bata na ang gusto palang puntahan ay sa trabaho ng daddy niya. “Naku, Kenny. Hindi tayo makakarating doon kasi mabagal lang itong bike. Saka hindi ko alam kung saan nagwowork ang daddy mo e. Dito lang tayo sa loob ng garden, maganda naman dito hindi ba?“ “Pero gusto ko trabaho daddy. Gusto ko sama daddy.“ Pangungulit muli sa akin ni Kenny. “O sige, pero kailangan nating magsabi kay Daddy mo pag-uwi niya. Kasi baka mapagalitan tayo pagpumunta na lang tayo sa trabaho niya. Okay lang ba sa ’yo na maglaro muna tayo ngayon para magamit mo naman itong bike mo o, sayang kasi ito. Alam mo ba ’yong mga kapatid ko gustong magkameron din ng ganito, pero mahal kaya hindi ko sila mabilihan. Kaya huwag mong sayangin itong bike mo kasi mabubulok lang dito sa garahe ninyo.“ Saad ko kay Kenny. Pero sa pangungumbinsi ko kay Kenny ay bigla namang may nagsalita sa likuran namin. Walang iba kundi si Jane. “Ay parang kasalanan pa ng bata kung bakit hindi ka makabili ng bike ng kapatid mo at yung sakanya ay tinatambak lang niya riyan hanggang sa mabulok. Hoy, Alice! Magkaiba kayo ng mundo ng alaga mo, mayaman siya at mahirap ka kaya huwag mong isisi sa bata ang mga hindi mo nagagawa para sa mga kapatid mo!“ saad nito sa akin. “Hoy Jane, hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin kay Kenny. Ipinaliliwanag ko lang sa kaniya na huwag niyang sayangin ang bike para naman maranasan niya ang pagba-bike.“ “Hindi ganiyan ang narinig ko, Alice. Hindi ako bingi, kabata-bata pa niyan e ginaganyan mo na!“ “Hindi ko kasalanan kung mahina ang pang-unawa mo. Problema mo na ’yon kung mas matalino si Kenny sa ’yo. Kasi si Kenny nauunawaan niya ang sinasabi ko, samantalang ikaw hindi. Kaya sino ba ang utak bata sa inyong dalawa?“ sagot ko sakaniya na parang kinainis naman nito. “Aba’t talagang sumasagot ka pa ha!“ Lalapitan sana ako nito para sabunutan, ngunit may isang lalaki ang pumigil sa kaniya. “Jane, tigilan mo iyan!“ sigaw nito. Isang may edad na lalaki ang sumulpot at hinawakan ang si Jane para sa pagtatanggakang pananakit nito sa akin. “Mang Ruben?! Hindi mo ba alam ang ginawa ng babaeng iyan? Pinagagalitan niya ang bata!“ pagsusumbong nito. Si Mang Ruben ang family driver. Siya rin ang naghatid sa amin ni Kenny sa clinic ni Doc Fred. “Hindi po totoo iyan, Mang Ruben.“ Wika ko sa driver na si Mang Ruben. “Narinig ko ang lahat kasi kanina pa ako riyan sa gilid. Kaya huwag kang gumawa ng eskandalo, Jane! Mahiya ka sa anak ni Sir Kinly. Ipinakikita mo pa ang ugaling kalye mo sa harapan ng bata. Pinagagamot iyan ni sir para hindi magkaroon ng trauma, tapos sayo lang pala magkakatrauma ang bata?!“ Ani Mang Ruben kay Jane na kinatigil naman nito. “Tsk! Pareho talaga kayo ng ugali ni Manang Ester. Palibhasa matanda na kayo pareho kaya hindi na kayo tumatanggap ng paliwanag at nabubulag kayo sa mga salita ng babaeng ito!" dinuro pa ako nito sabay taas ng kilay. “Ikaw ang walang pinagkatandaan. Ikaw itong malinaw pa ang memorya, malakas makapag-isip ng tama ay ikaw pa itong may kamalditahan at baluktot mag-isip.“ Sagot naman nito kay Jane. Walang nagawa si Jane sa sinabi ni Mang Ruben. Siguro ay alam na hindi siya mananalo sa matanda kaya ito na rin ang unang sumuko. Tumalikod na ito at umalis sa lugar. “Salamat po, Mang Ruben. Kung wala kayo baka kung ano na ang nagawa sa akin ng Jane na iyan. Hindi ko po alam kung bakit mainit ang dugo niya sa akin.“ “Tama lang ang ginawa mo sa kaniya na sinagot mo siya. Kasi matagal ko nang nakikita ang kamalditahan ng babaeng iyan, hindi lang ako nagsasalita. Alam mo hindi lang ikaw ang ginanyan niyan. Lahat ng nagiging yaya ni Kenny at mga bagong katulong na napasok ay inaaway nang magkaibigang iyan. Hindi pa lang natityempuhan iyan ni Sir Kinly e pero kung siya ang makakita nan siguradong tanggal na kaagad ’yan.“ “Paano naman po makikita ng amo natin e parang lagi naman po siyang wala rito. Nami-miss na nga po siya ng anak niya kaya nagyayaya papunta sa trabaho ng daddy niya.“ Bumuntong-hininga si Mang Ruben sabay tingin kay Kenny. “Kawawa nga iyang batang iyan, sabik sa kaniyang daddy palagi. Madalas ngang umiyak iyan at hinahanap ang daddy niya, pero abala naman si Sir Kinly sa trabaho kaya ang bata ay nangungulila, hindi lang sa kaniyang ina maging sa kaniyang ama na kasama naman niya sa bahay. Malaki ang pinagbago ni Sir Kinly simula nang maghiwalay silang mag-asawa.“ Kuwento sa akin ni Mang Ruben. “Bakit po Mang Ruben? Bakit po ba sila nagkahiwalay? Mahigpit po ba si sir sa kaniyang asawa?“ curious na tanong ko. “Alam mo Alice, walong taon na akong driver sa pamilyang ito. Girlfriend pa lang niya si Mam Angela ay nakita ko na kung gaano sila nagmamaghalan. Hanggang sa magpakasal silang dalawa. Nang magpakasal sila e madalas na silang nag-aaway ni Sir Kinly. May gusto kasi itong si Mam Angela na pinigilan naman ni Sir Kinly. Iyon lang ang nadinig ko sa pagtatalo nilang dalawa. Hindi ko alam kung ano iyon pero parang ayaw ni Sir Kinly na gawin ni Mam Angela. Hanggang sa mabuntis si Mam, ito na nga si Kenny. Naging bugnutin lalo si Mam Angela kasi pakiramdam niya ay kaya siya binuntis ni Sir Kinly ay para magtigil na ito sa bahay. Lagi kasing lumalabas si Mam Angela, kasama nito lagi ang mga kaibigan niya. Akala ni Sir ay matatapos na ang mga gawain ni Mam na kinaaayawan niya pero inantay lang pala nitong makapanganak siya.“ “Hala! Grabe po pala ano, ano po kaya ang kinaayawan ni Sir na gawin ni Mam?“ tanong ko rito. “Hindi ko alam kung ano iyon pero noong panahon na iyon ay tingin ko ay hindi pa handa si Mam Angela sa pag-aasawa kasi puro barkada pa rin ang nasa isip niya. Naging abala si Sir Kinly sa trabaho lalo na at siya na ang nagma-manage ng mga naiwang pamana sa kaniya ng kaniyang ama at ina. Ganoon pa man ka-busy si Sir Kinly ay hindi nito nakakalimutan na palaging surpresahin si Mam Angela, lalo na sa mga magagandang okasyon nilang mag-asawa. Laging nariyan ang mga supportive ni Sir Kinly na kaibigan na pare-parehong magaganda ang trabaho. Kasama na riyan si Dok Fred. Pero matapos ang isang taong kaarawan ni Kenny ay doon natuklasan ni Sir Kinly na may kabit pala si Mam Angela. Kaya nang malaman niya ito ay pinalayas niya si Mam.“ “Kawawa naman po talaga ang bata, dahil sa pagkukulang ng kanilang mga magulang ay ngayon ay nangungulila ang bata.“ Bigla akong nalungkot sa kondisyon ni Kenny. “Kaya iyan palaging banggit niya ang daddy niya kasi hinahanap niya.“ Hinaplos ko ang buhok ni Kenny. Tumingin sa akin ang bata at ngumiti. “Yaya, push!“ wika nito sa akin. “Sige po, Manong Ruben at maglalaro lang po kami ni Kenny. Mamaya na lang po ulit." Paalam ko rito sabay tulak ko sa likurang bahagi ng bike niya. “Yehey! Yehey!“ tuwang-tuwa sa galak ang bata habang nagpapauli-uli kami sa bakuran. Hindi namin namalayan na may dumating na sasakyan at sakay noon ang Daddy ni Kenny. Pagbaba ni Kinly sa sasakyan ay sinalubong kaagad siya ni Manang Ester. Kinuha nito ang gamit na dala ng amo. “Sir napaaga yata kayo?“ tanong nito dahil alas kuwatro pa lang ng hapon. “Magpapalit lang ako ng damit at may pupuntahan ako mamaya. Nasaan si Kenny?“ tanong nito. “Naroon po sila sa garden, naglalaro po sila kasama ang yaya niya.“ “Naglalaro ng ano?“ “Nagba-bike po sir," tugon ni Ester. “Bike?“ Naalala ni Kinly ang bike na regalo niya sa anak noong ika 3th birthday nito. “Ngayon lang niya nabalitaan na ginamit ng anak ang bike. Nangako pa naman siya sa sarili noong binili niya ang bike na yon ay tuturuan niyang magbike ito pero hindi na naman niya natupad ang pangako. “Pupuntahan nyo po ba sir?“ tanong ni Ester sa kaniya. “Yes. Sisilipin ko lang ang anak ko, kasi baka matagalan ako pagnakita niya ako.“ Saad nito habang nagpatiuna nang maglakad patungo sa hardin kung saan naglalaro ang kaniyang anak. Sa hindi kalayuan ay natanaw niya si Kenny na tuwang-tuwa sa pagba-bike. Malakas ang tawa nito at aliw na aliw sa paglakaro. Pero hindi lang iyon ang kaniyang napansin, maging ang babaeng nag-aalaga kay Kenny ay napansin din niyang tuwang-tuwa sa ginagawa kahit na nakakapagod. Sandali lang niyang tingnan ito at tumalikod na. Hindi kasi siya ’yong tipong nai-impress na sa mga ginagawa ng babae. Lahat ay binabayaran para mapasaya ka, kaya ayaw niyang tanawin iyon ng utang na loob at napapasaya niya ang anak niya. Trabaho niya iyon bilang yaya ni Kenny at bayad lahat ng ginagawa niya sa anak niya. Pero dahil sa pag-iisip ay may biglang nagsink-in sa isipan niya. “Siya kaya ’yong nakita ko sa swimming pool?“ Sandali siyang napatingin kay Manang Ester na naghihintay ng utos niya. “Hindi sir, natanong ko na iyan sa kaniya. Hinala ko ay anak ng Hardinero natin ang nakapasok sa loob ng bakuran. Sinabihan ko na sila na bawal nang magsama at magpapasok ng hindi trabahador.“ Tumango-tango si Kinly sa sinabi ni Manang. Pagkatapos noon ay tumalikod na ito at nagpasok na sa loob. Ayaw na niyang magpakita sa anak niya at baka humabol pa ito sa kaniya. “Manang, sa sabado ay aattend ako sa kasal ni Celine at Gab. Ihanda mo ang susuotin ni Kenny at isasama ko siya.“ “Okay sir, sasama rin po ba si Alice sa inyo?“ tanong ni Manang. “Oo, kailangan ko siya para bantayan si Kenny." Tugon ni Kinly sa kaniya na kaagad namang naunawaan ni Ester. Pagpasok niya sa kuwarto ay muli niyang naalala ang sinabi ng kaibigang si Fred. “Baka nga tama si Fred na kailangan ako ng anak ko. At kailangan na bigyan ko siya ng panahon para mapunan ang pagiging ama ko sa kaniya. At kahit na mag-isa lang ako ay hindi niya maramdaman na may kulang sa kanya. Hindi dapat maranasan ng anak ko ang pangungulila sa ina niya at baka isang araw marinig ko na hanapin nito ang nanay niya. Hindi ako papayag na kunin niya si Kenny dahil wala siyang kuwentang ina!“ Inis na tumayo na si Kinly at nagtuloy na sa bath room para magshower. Kailangan niyang maligo para mawala ang init ng ulo niya. Kumukulo na naman ang dugo niya sa tuwing naaalala niya ang kaniyang dating asawa. Ilang minutong naggayak si Kinly ng kaniyang damit, bago lumabas upang muling umalis. Pero nakasalubong niya si Jane. Ang isa pa niyang maid na madalas niyang nakikitang nagpapakita ng interest sa kaniya. Nagpapatay malisya naman siya dahil hindi siya kailanman papatol sa mga babaeng mababa ang lipad katulad ng kaniyang dating asawa. “Sir Kinly, puwede ko po ba kayong makausap?" anito. “I have no time to discuss none sense things.“ Malamig na wika ni Kinly kay Jane. “Pero sir hindi po none sense ito, tungkol po ito kay Kenny at sa bagong yaya niya na si Alice.“ Natigilan si Kinly sa sinabi nito. At saglit na nagkaroon ng interest sa sasabihin nito. “Okay. Speak!“ utos nito. “Kasi sir kanina nakita ko si Alice na pinagagalitan niya si Kenny. At sinasabi niya sa walang muwang na bata na dapat nilalaro niya ang bike niya kasi ung kapatid daw niya ay hindi makabili ng ganoong bike tapos si Kenny daw ay tinatambak lang ang bike niya.“ Pagsusumbong nito sa kaniyang amo. Nagsalubong ang kilay ni Kinly. Tila hindi nagustuhan ang tabas ng dila ng bagong katulong, pero sandali siyang nag-isip. Dahil galing ito sa hirap ay ipinauunawa nito sa kaniyang anak na masuwerte siya at may mga natatanggap siya na dapat ginagamit niya. Ganoon pa man ay hindi niya dapat pinipilit ang bata na laruin iyon kung ayaw. Pero sa nakita ko naman kanina ay masaya si Kenny sa kaniyang paglalaro. Hindi naman masamang pagsabihan ang kaniyang anak, kung nasa tama. “May sasabihin ka paba?“ tanong ni Kinly kay Jane. “Wala na sir, hindi po ba kayo nagalit sir? Pinagagalitan po niya si Kenny? Ano po bang malay ng bata sa mga ganoong bagay hindi po ba? Kung hindi niya kayang bumili dahil mahirap lang sila e huwag niya isisi sa bata. Yon po ’yung point ko sir, kawawa po si Kenny sa kaniya.“ “Ilang taon ka na rito sa bahay ko, Jane?“ tanong ni Kinly sa kaniya. Ngumiti ito dahil sa wakas napansin din siya ng kaniyang amo at nagkaroon ng sapat na oras na kausapin siya at tanungin ng personal na bagay. “I think sir mag three years na po ako rito,“ proud na sabi niya sa amo. “Sa tatlong taon na pagtatrabaho mo, iyan ba ang naging papel mo rito? Ang makialam sa trabaho ng iba?“ “Po? Hi-hindi po sir, concern lang naman po ako kay Kenny.“ “Hindi ko kailangan ng concern mo, ang kailangan ko ay ang worth it na trabaho mo rito sa bahay ko. Huwag mong sinasayang ang pera na binabayad ko sa iyo, dahil hindi spy ang trabaho mo rito kundi maid. Naiintidihan mo ba?“ “O-opo sir, pa-pasensya na po sir...“ naluluhang napatungo si Jane. Habang si Kinly naman ay nagpatuloy sa paglabas ng bahay at sumakay ng sasakyan. Nakita naman ni Manang Ester si Jane na pababa ng hagdan at pasimpleng natawa si Manang Ester. Nadinig pala niya ang pagsusumbong nito sa amo. “Buti nga sa iyo, napapala ng pagiging inggitera mo.“ Bulong ni Manang Ester sa sarili. Matagal nang inis si Manang Ester sa magkaibigang Karen at Jane, dahil lahat ng katulong na umalis ay nagsusumbong sa kaniya nang pangbu-bully ng dalawa. Hindi lang niya nakikita na ginagawa ito dahil kung makikita niya ay pagsasabihan naman talaga niya. Ang kaso ay magaling tumayming ang dalawang hitad. Malaki talaga ang hinala niya na si Jane ang nasa labas ng bahay ng dis oras ng gabi dahil madalas niyang nakikita itong lumalabas ng bahay ng gabi at sinisilipan ang amo niya habang naliligo. Hinahayaan lang niya ito, at nasa isip niya ay balang araw mahuhuli din siya at mapapaalis sa trabaho. Jobelle Radones
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD