Chapter Three

1669 Words
Malakas ang ihip ng hangin na gumugulo sa buhok ko. Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Tito Mike. Siya na ang maghahatid sa akin doon para doon na rin sasabay si Daddy pabalik ng Manila. I can't believe he'll be leaving me alone in that place. We're going to Isabela, where my parents grew up. Ang mag-aalaga raw sa akin doon ay yung nanay-nanayan din ni Mommy before. Alam kong magulo, hindi ko rin maintindihan. Pwede namang sa Manila nalang para doon ako kila Lolo. Bakit kailangan pang probinsya? "We'll be there in an hour," ani Tito Mike. Magpapalipas na sila ng gabi sa Isabela dahil padilim na rin. "Can I back out?" Paglalambing ko kay Daddy saka sumandal sa balikat niya. He hugged me from the side and kissed my temple. "I will try to talk to your Mom," sambit niya na alam kong wala rin naman siyang magagawa. When Mom says it, it should be done. Or else, pareho kaming malalagot ni Daddy. Sa sobrang tagal ng byahe ay nakatulog ako. I was awakened by my Dad. "Wake up, Kate..." Kinusot ko ang mata at unti-unting tumingin sa paligid. Medyo madilim kaya halos wala akong makita bukod sa bahay na nasa tapat ng sasakyan. I look around and there are no houses. What kind of place is this? May lumabas na isang lalaki mula sa bahay. I think the man is the same age as my Dad. Nakipag-high five siya kay Dad at kay Tito Mike. Then his eyes drew to me. Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako, medyo awkward nga lang yung akin. "Your daughter?" Tanong nung lalaki kay Dad. "Ang laki na niya..." "Come here." Sinenyasan ako ni Daddy na lumapit kaya naglakad ako patungo sa kanila. "This is Chandria Kate, my daughter. Anak, this is your Tito Ricky." "Hello po." "Hello, pretty girl. Pasok na kayo." The house is small. As in maliit lang. Wala naman akong masabi sa kalinisan dahil malinis naman talaga. Naka-tiles sila hindi tulad ng inaasahan ko. The house is made of concrete materials. Ang mga upuan, mesa, cabinet ay gawa lahat sa kahoy. Una kong napansin ang TV nila na may kaliitan. Seriously? Paano silang nakakapanood diyan? I can't help but to roll my eyes. Nahagip ng tingin ko ang isang lalaki na pababa ng hagdan. Yung hagdan nila ay literal na hagdan talaga. It's a straight ladder with six steps. Mayroon ding hagdan pababa na tatlong step yata o apat patungo sa underground. Nagtataka siyang tumingin sa gawi namin. Lumapit siya sa Daddy niya at pinakilala siya ng huli kay Dad at kay Tito Mike. I didn't mind them. Umupo nalang ako sa matigas na upuang kahoy at sa loob-loob ko ay naaasar. Why am I fvcking here? Maliit lang ang bahay to the point na kahit nasaang parte ka ay maririnig ka ng kahit sinong nasa loob ng bahay. And another thing... "It's hot," reklamo ko na hindi ko inaasahang mapapalakas. Pinanlakihan ako ng mata ni Daddy at napansing sa akin lahat nakatingin ang mga naroon. The guy beside Tito Ricky smirked arrogantly. Gusto ko sana siyang irapan pero pinigilan ko ang sarili. Una, nakikitira lang ako dito at kailangan kong maging mabait at pangalawa, nakatingin ang Daddy niya sa akin. "Matutulog na ako, Pa," anito saka humarap sa dalawang kasama ko. "Good night po," magalang niyang sambit saka yumuko at umalis. Nanatili naman ang tingin ko sa kanya hanggang sa umakyat siyang muli sa hagdan at pumasok sa kaisa-isang pintuan na naroon. As in hagdan lang siya na diretso tapos may pintuan. Hindi ko lang alam kung isang kwarto lang ang nandoon o marami dahil medyo maluwang ang espasyo. Halos kalahati na iyon ng bahay at hindi naman siguro pwedeng ganoon kalaki ang kwarto niya lalo’t may mga kasama siya sa bahay. "Kate!" Kumurap-kurap ako at tumingin sa gawi ni Daddy. Pumunta na raw kami sa kusina nila. Tumango ako at sumunod. Abala ang mga mata ko sa pagsuyod sa kabuuan ng kanilang kusina. May mahabang lababo na naka-tiles at mahabang mesa na gawa sa kahoy. Mamahalin pero makaluma, ganoon ang disenyo ng mesa. May mga banga na siyang pinaglulutuan nila. Napangiwi ako sa mga gamit na naroon. Lahat ay pang mga manual na gamit. Wala halos mga makinerya tulad ng coffee maker at electric thermos. Ang naroon lang ay ang oven na pagkalaki-laki pa. Makaluma nga talaga. "Oh, ang laki na pala ng dalaga mo, Harry." "Oo nga, 'Nay," Dad answered. "Kumusta ho kayo?" "Eto, malakas pa naman," sambit ng matanda at bahagyang humalakhak. Napatingin ako sa gawi niya. An old woman wearing a white house dress is standing in front of my Dad. Katabi nito ay ang isa ring matanda na lalaki. Hindi ako sigurado kung ilang taon na sila pero mukha pa naman silang malakas. The old woman's face is bright. Happiness is evident on her face as she talks with everyone. Bumati sila sa akin at ganoon din ako pero agad ding nabaling ang atensyon sa kwentuhan nila Daddy. Maingay ang hapag hindi tulad ng nakasanayan ko. Sa New York ay tahimik kami lagi na kumakain at madalas naman ay hindi sabay-sabay. "I'm sleepy, Daddy," bulong ko kay Daddy. Nahihiya ako at hindi ko rin naman alam kung saan ako matutulog. I was trying so hard not to yawn in front of them. Dad said something to Tito Ricky and the latter excused us. Bumaba kami sa may apat na step na pababa na parang underground style na siya. May two doors pa roon. Typical province houses. Maliwanag naman siya at may bintana din. "Ito ang guest room," turo niyo sa kaliwang bahagi at sunod niya namang tinuro ang isa. "At ito ang magiging kwarto mo. Gusto ko sana na sa taas ka na rin kasi doon kami lahat pero baka mas gusto mo ng walang kasama..." "Thank you po." Binuksan nito ang pintuan at bumungad sa akin ang malinis at maayos pero may kaliitang kwarto. Loft bed siya at sa baba ay parang may study area. There's a cabinet din where I can store my things. There's also a window which is also made of wood, not the glass and metal ones. Halos one-fourth lang ito ng kwarto ko sa New York, baka mas maliit pa pero sino ba ako para magreklamo, hindi ba? Umalis din sila agad para makapagpahinga ako. I still have to shower though. Wala naman akong sariling CR kaya muli akong lumabas na may hawak na tuwalya, ilang skin care products, at damit. "Akala ko ba matutulog ka na?" Dad asked when he saw me. Lahat sila napatingin sa akin, abala pa naman sila sa pagku-kwentuhan. "I need to shower, Dad." "Mag-sho-shower ka?" The old woman asked. "Teka, hanapin ko lang yung flashlight. Sira kasi yung ilaw sa CR, hindi pa nagagawa." What? Paano akong makakapag-shower kung hawak ko ang flashlight? Umasim ang mukha ko at alam kong nakita nila iyon. I shrugged. "Uhh... bukas nalang po ng maaga." Frustrated akong bumalik sa kwarto. Sa halip na mag-shower ay nagpunas nalang ako ng katawan. Medyo nalalagkitan pa ako sa sarili pero anong magagawa ko? Kaysa naman maghawak ako ng flashlight habang nagsho-shower. Ugh! So annoying. Agad din akong hinila ng antok dahil sa pagod. I was awakened by my phone's alarm. Alas syete palang. Tch. It's early. Bumangon ako at dumiretsong lumabas sa pag-aakala na patungong CR ang pinto na iyon. Later I realized that I'm in some other place. Annoyed at the idea, I took my things and got out from my room. Nasalubong ko yung lalaki kagabi. Kaakyat ko sa pinakataas na baitang ng hagdan at pababa naman yung lalaki mula sa taas. Kunot ang noo na bumaling siya sa akin. "Uhm," should I ask him? Bahala na. "Where's your bathroom here?" "Ang arte," bulong niya na hindi ko maliwanag na narinig. "Dumiretso ka lang. Lalabas ka sa pintuan tapos may pintuan doon na parang maliit na kwarto, doon na." "Wait, what?" Nanlaki ang mata ko. "The bathroom is outside the house?" "Oh, bakit? Anong problema doon?" "Who does that?" "Kami." Marahas akong nagbuga ng hininga saka iniwan siya doon. Hinanap ko ang tinutukoy niya at madali lang naman iyong makita. I groaned in annoyance when I saw the inside of the bathroom. Hindi siya naka-tiles. Sementado lang siya and then there's a toilet bowl, a big bucket, one black dipper, and a soap, and some shampoo sachets. Oh my fvcking no... Paano akong titira sa ganitong lugar? Maski tissue wala! Fvck it! May pagsabitan doon at doon ko inilagay ang mga damit. I locked the door with their improvised lock na hindi ko naman alam kung matibay ba. What if someone enters? Mangiyak-ngiyak akong naligo doon at nagbihis. Hindi ko alam kung paano kong kakayanin ang mga susunod pa na araw at buwan. Paglabas ko ay muli kong nakasalubong yung lalaki. He smirked when he saw me. Para siyang nanalo sa isang contest pero siya lang ang may alam. "How's your first day?" Maarteng tanong niya na ginaya pa ang tono ng boses ko. "Uunahan na kita, bawal ang maarte rito. Hindi pwedeng ganyan ang ugali mo." "Inaano ba kita?" Bakas ang inis sa boses ko. Hindi ko mapigilang hindi siya pagtaasan ng boses dahil totoong nakakairita siya. "Wala naman. Sinasabihan lang kita, ikaw rin." Aalis na sana siya pero muli siyang humarap. "Bawal din ang ganyang gising. Alas syete? Dapat alas kwatro palang bumangon ka na. Bawal din ang tamad dito." My lips parted. How dare he!! "I'm not here to be your slave or something." "Hindi din ako slave dito, Miss," anito. "Pero lilinawin ko lang, wala ka sa syudad na kinasanayan mo kaya matuto kang makisama sa mga tao rito." Tinikom ko ang bibig saka hinayaan nalang siya. Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako ha! I will report him to my Dad. Sumisipol siyang umalis sa harap ko at nagpunta sa likod ng bahay. Gosh! Ang baho dito. Ang dami kasing mga hayop na kung ano-ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD