Nakahinga lang ako ng maayos nang huminto ang tricycle. Nanatili ako sa loob habang si Xan ay bumaba ng sasakyan. Pinanood ko siyang maglakad patungo sa gilid ko. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin at sa tingin ko ay ganoon din ang reaksyon ko ngayon. "Bakit hindi ka pa bumaba?" May inis sa boses na tanong niya. "Huwag mo akong artehan diyan at iiwan talaga kita rito." Wait... Bababa na rito? Mula sa loob ng tricycle ay sinilip ko ang labas pero wala akong makitang maski dalawang palapag lang na building. "Nasaan ang mall?" "Pinagsasasabi mo?" Bumaba ako ng tricycle saka nakahalukipkip na tiningnan siya ng masama. "Akala ko ba bibili tayo ng school supplies?" "Oo nga. Anong tawag mo rito? Palengke. Bilihan ng mga pagkain, gamit, at kung ano-ano pa." Laglag ang panga na tiningnan ko