Single Life with Friends

2807 Words
Jade's POV Hay naku!!!! Ang init-init na nga ng panahon sumasabay pa 'tong mga nasa paligid ko sa init ng ulo ko. Eto kasing mga nasa tabi ko wala nang ginawa kundi lumandi. Porque may mga boyfriend na sila, di na nila ako pinapansin dito. Para tuloy akong ewan! Nasa iisang sulok, lonely, habang napapaligiran nilang lahat na wala nang ginawa kundi magkalat ng asukal sa sahig dahil sa mga baduy nilang pickup lines. Kaya simula nang makompleto na nila ang mga "new best friends" nila (ahem, boyfriends pala) naging mukhang bitter na ako kahit di naman. Pero pangangatawanan ko na, pinagmukha nila akong bitter eh. Malay ko bang isasama nila 'tong mga boyfriend nila, eh wala naman yun sa usapan. Nagmukha pa akong third wheel sa kanilang lahat. Ayan tuloy mukha akong hugutera sa pag-ibig kahit wala pa ako nun. Salamat sa nakikita ko mula sa relationship nila, natututo ako without experiencing heartbreak. -____-' Yung totoo, ang mga kaibigan kong mga nasa relationship talaga ang nagbago sa akin para maging bitter. Di naman kasi talaga pero look at me now. Anong ginagawa ko? Eto nakatingin dun sa aquarium na malapit sa aming table, sinasabayan yung batang lalaki na nakatingin din. Parehas kaming nakatulala at sinusundan ng tingin ang bawat paglangoy ng mga isda sa loob ng aquarium. Nakikipagtagalan pa nga ata sya sa akin. Buti pa sya mukhang naaaliw. Samantalang ako, wala lang talagang matignan. Naku kung alam ko lang ganito pala ang kakahantungan ko, sana pala di na ako sumama. Sarap irapan nitong mga to! Akala mo tunay na mga kaibigan, yun pala uunahin pa yung mga boyfriend nila!!!!! Ayos lang naman sana kung kasali talaga sila sa inaasahan kong usapan, kaso USAPAN NAMIN TO! Bakit, pag ba may date sila, naandun ba ako sa tabi nila at nakikibuntot?! Hindi naman ah! Oh eh, bakit sila nakikisama pagnaandito ako?!!! Ano yun, aagawin ko ba sa kanila ang mga kaibigan ko?!!! Ang grabe naman, girls out kaya to! Friday kasi ngayon kaya lumabas kami para kumain. Ang tagal kong inintay ang araw na to dahil lagi nang busy sa school. Hindi rin kasi magtugma ang mga schedules namin dahil iba't iba kami ng kurso. Kaya yung inaasahan kong araw na pwede akong magrelax, hindi pa rin pala. Syempre, pagnakasunod na ang mga boyfriend nila, bilang kaibigan, hindi ko sila makwentuhan ng mga pang babaeng mga bagay-bagay. Nakakailang naman kasi kung gagawin ko. Bawal din pumunta sa mga stores, yung mga bilihan ng mga pang babaeng gamit. Nahihiya kasi ako. Boyfriends naman kasi nila yun kaya tamang yung mga personal nilang bagay lang dapat ang ishare nila. Ano ako, magpapahiya ng sarili para akitin sila kasama yung mga boyfriend nila sa make-up stores, ganun? Sa pagkakatanda ko, nagkikita-kita naman sila after school every week, tapos ngayon kahit isang araw ni hindi man lang nila ako pagbigyan para gawing girls out 'tong araw na to?! Kung ganto rin pala, dapat nagkanya-kanyang lakad na lang kami! Napailing na lang ako. Di ko alam na pati pala pagkakaibigan may mga buy one take one na ngayon. Kaibigan ko lang yung kinausap ko, tapos may plus one na palang kasama. Galing. Ang hirap makisama sa mga kaibigan na may mga jowa! Kung pwede lang sana na ipunin ko lahat ng single, edi mas party-party kaming lahat ngayon at no limitations. Hindi naman sa party girls kami, pero iba pa rin kasi yung lakad namin nung single kaming lahat. Yung tamang makokontento na kami at ang saya na basta matuloy lang ang alis namin, kahit kung saan na makapunta. Nakaka-miss lang yung mga ganung days. "Oi Jade, ang haba na naman ng nguso mo. Dapat kasi girl maghanap ka na ng boyfriend mo, para sa ganun sumaya ka naman, girl." puna sa akin ni Rina. Kanina pa kasi nya ako nakikitang pairap-irap dito. Akala ko naman papansinin na ako, yun pala mamumuna lang. Ang lakas talagang mangasar nitong mga to. "Oo nga, Jady! Kung ako sayo titigilan ko na yang pagka-choosy mo. Baka tumanda ka nan ng mag-isa!! Nakakatakot yun! Dapat tumulad ka sa akin. Tignan mo ako stable na pagkagraduate." may sumilay namang ngiti sa mga mata ni Stella. Iniripan ko yun. Siya lang naman ang makakapagsabi ng ganyan dito sa barkada. Pano yung boyfriend nyang si Jerome, last year pa nagproposed sa kanya. Yun lang naman ang niyayabang nya. Pasalamat talaga sya, at sya ang unang nakaranas ng mga proposed-proposed na yan kaya ang taas ng tingin namin sa kanya. Nakadikit na kasi sa isipan namin na si Stella ang unang nakakita ng true love nya. Noong dati kasi, panay tingin lang kaming apat nina Rina sa kanila ni Jerome, sa tuwing nag-aaway sila. Hindi pa namin maintindihan yung concept ng selos-selos na yan eh. Pero katagalan, nakita talaga namin ang Stella na kakaiba sa noon at ngayon. Ganun nga talaga siguro ang nagagawa ng pag-ibig, nakaka-pagpabago. May iba't ibang rason na rin kasi silang nag-away pero tignan nyo, hangang ngayon sila pa rin. Bilang kaibigan, masaya sa parte namin na nakita namin lahat ang pag-grow nilang dalawa. Kaya nung nalaman naming may next stage pa sila sa relationship nila na gustong apakan, wala na kaming nagawa kundi ang maging masaya para sa kanila. Sigurado na din kasi ang future nila dahil after graduation, magpapakasal na daw sila. Mas matanda kasi si Jerome at magtatapos na bilang doctor, kaya wala na ring iisipin si Stella kung saka-sakaling magpapakasal nga sila. Very matured sila kaya okay lang naman, wala namang nakakabigla. Matagal na sila, 7 years ko na nga atang tinitiis yung mga kabaduyan nila. Nakita ko rin naman kung pano sila tumagal kaya wala akong tutol. Ang point ko lang naman kaya marami akong sinasabi eh........ "Oh, tapos?" bored ko syang tinignan. Natawa dun sila Cheska. "Alam kong happy ka na, pero wag mo naman akong itulad sayo. Stella, masaya ako ngayon nang ako lang. Ayaw ko pa ng sakit sa ulo. Hay naku!" mabilis na pagbuga ko ng hangin, para ipakita talaga ang iritasyon ko sa topic na yan. Sobrang sakit talaga sa ulo ng usapang yan. "Hinaan mo yang boses mo, Jade." malumanay na sita sa akin ni Molly. Tumango na lang ako. Dalagang Pilipina kasi 'tong si Molly. Kanina pa ata to hiyang hiya na kasama ako. Sorry naman kung napapalakas yung boses ko. Ganto na kasi talaga ako. "Ewan ko sayo, Jady! Basta ang akin, payo lang yun. Gragraduate na tayo oi! Si Rina nakita kong masaktan, nagmove on, at tignan mo ngayon, happy! May boyfriend. Si Molly naman, eh diba sabi nya di sya magboboyfriend, o eh ano ngayon? Binigyan ng chance ang love and right now, magto-two years na sila ni France. Etong si Cheska, nakita kong magpapalit-palit ng boyfriend. Nagbago na't lahat-lahat, pero at least lagi syang may reserba." Natawa naman kaming lahat sa huling sinabi ni Stella. Totoong totoo kasi yung sinabi nya, lalo na dun sa huli. "Tignan mo kami, may boyfriend. Jady, ikaw na lang talaga. Simula't sapol, simula nung maging friends tayo, di kita nakitang magkaboyfriend ni minsan." "Babe, pinag-iinitan mo na naman yang si Jade." biglang rating ni Jerome. Napairap tuloy si Stella. Actually, lahat sila, lahat ng boyfriend ng mga friends ko dumating na. Magdidinner kasi kami ngayon at syempre dahil sila yung mga lalaki, sila yung umo-order para sa mga kaibigan ko. Me, on the other side, pinapasabay nila ako. Pero minsan ako na yung umaayaw, nakakahiya din kasi. Di naman sa natamaan ako sa sinabi ni Stella, dahil lagi ko naman yan nakikinig. Pero kung titignan ko silang lahat, they all look happy. Ewan ko lang kay Cheska, medyo lipad kasi 'tong isang to. Marami na syang relationships na napagdaanan at lahat naman masaya syang tignan. Yun nga lang laging may problema. Ewan ko ba kung bakit parang ang kakaiba ng mga lalaking nakikilala nya, kaya hindi sya magtagal sa isang relasyon. Napatagal siguro ang pagkakatingin ko sa kanila kaya napansin nila. Si Stella binibigyan ako ng 'Look at me, I told you so, dapat magboyfriend ka na!!' na tingin dahil sa pinaghahain pa sya ni Jerome. Sus, ang kailangan mo katulong, Stella. Si Rina naman nagprepretty eyes sa akin sabay flip ng hair. Isa pa to, akala mo sobrang ganda. Lumihis na lang ako ng tingin. Di titigil yan kakaflip ng hair nya for sure. Gusto nya lagi yung ganyang pangasar eh. Pero noong heart broken pa yan, proud to be single at puro bitter lines sya, mas malala pa sa akin. Wala naman akong sama ng loob kaya naiintindihan ko naman, eh kaso ngayon puro pagpapacute na. Kakaiba din 'tong si Rina eh. Hay naku, kung magiging ganyan lang din pala ako dahil sa love life, eh wag na! Nakakatimang pala yun eh. "Ano ba type mo? Baka naman may kakilala ako." biglang sangat ni Geo, ang kasalukuyang boyfriend ni Cheska. Mukhang hindi nya ata nakinig yung sinabi Stella kanina, buti na lang. Napatingin na lang ako sa kanya dahil sa tanong nya. Ang kwento sa akin ni Cheska, marami raw kaibigan talaga 'tong si Geo. Katunayan nan nagkakilala sila sa isang party through friends. So ang ibig sabihin ba nun ilalakad nya ako sa mga kaibigan nya? Ewan ko kung bakit, dahil malinaw na walang masama dun, pero kakaiba kasi ang vibe sa akin ng pagiging 'friendly' ni Geo. Parang ang too close nya kung gagawin nya yun. Sabagay hindi naman ito ang unang beses na nag-alok sya ng kung ano-ano. Sa mga gantong lakad din kasi, sya rin ang nagpri-prisentang bumili sa akin ng mga pagkain o di kaya kumakausap sa akin pag di na ako napapansin nila Stella. Ang dami rin nyang kwento at minsan kung saan-saan pa ako gustong imbitahin. Ganun sya umakto sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa rason na naiilang sya sa mga boyfriend nila Stella, o dahil sa magaling lang syang makisama kaya ang feeling close nya sa akin. Hay, ewan ko! Ano ba 'tong iniisip ko?! Ah basta! Don't judge me, pero yun yung dahilan kaya wala pa akong tiwala sa kanya ngayon. "Oo nga naman, Jady." segunda ni Cheska na binigyan pa ako ng creepy smile. Yung may meaning na parang may masamang binabalak. Grabe, talaga 'tong isang to. Hindi man lang sya naweirduhan na ilalakad ako ni Geo! Nakaka-offend ha, kaibigan kaya nya ako! Ganto ba talaga pagsingle? Puro na lang ganto yung pag-uusapan. Porque't meron sila tapos ako wala. -___-' Ang sakit naman sa ulo. Paano naman ang climate change? Ang kahirapan? Ang world peace?!!! Hindi na ba pwedeng itopic yun pag may love life na?!!! "Naku, di ko kailangan nan. I'm happy on my own. Ang kailangan ko lang ay maglive muna with my passion and dreams." proud kong sabi. Pero nakatanggap ako ng bored look ni Cheska na parang may nakasulat sa mukha nyang "Seriously?". "Ano bang passion and dreams yan?" tanong ni Geo. "Syempre, yung mga gusto ko munang gawin. Kailangan mapursue ko muna yung signature dish ko. Makagraduate. Magwork on my dream restaurant. Magtravel, to enjoy living alone, makapag-alaga ng aso. Ganun lang! To achieve what makes me who I am as an individual----" unti-unti namang nawala yung sinasabi ko nang nakita kong tinawag ng isang nanay yung batang nakatayo malapit dun sa aquarium. Luminga ang batang lalaki, habang ako napatigil na talaga at sinundan sya ng tingin, nang biglang pumihit ito ng pagtalikod. Nagpapalit-palit tuloy ang tingin ko sa mga kausap ko at dun sa bata. Makikita kaya nya yun? Katulad nang pag-iintay nila sa akin ng sasabihin ko, ganun ko din inintay yung bata bago ko napagtantong di nga nya napansin! Mabilis na nagpatuloy ang katawan ko sa pagkilos nang saktong dumulas ang hakbang nung bata sa sahig. Bago pa tuluyang bumagsak ang likuran nito sa lupa ay deretsyo ko nang sinalo sya mula sa likod. Hindi ko alam kung paano, pero basta kailangan may gawin ako! "Ay!!! Naku!" At dahil sa kaba, tanging hiyaw na lang ang nakinig ko mula dun sa mga babaeng nakaupo sa next table namin. Wala na akong alam kundi pumikit na lang ng madiin. Parang nawala ng panandalian ang mga sensya ko dahil sa bilis ng pangyayari. "HUAHH!!" rinig kong iyak nito na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napamulat kaagad ako ng mata at medyo nagpanic dahil sa kaba na kung baka may ano pang sumakit sa kanya. Ang lakas kasi ng iyak nya. "Hey, hey boy. It's okay. It's okay. Don't cry, sshhh. Please don't cry. Shhhh." malumanay kong sabi at hinarap to sa akin. Marahan kong binuhat sya ng saglit para maiayos ang pagkakalong nya sa akin. Tinignan ko kung may sugat ba sya, pero mukhang wala naman dahil kung titignan ang pwesto namin, wala syang naging contact sa sahig dahil sa pagkakasalo ko. Nung kasing nadulas sya ay tanging kamay lang nya ang nakapitan ko, tapos dumulas pa kaya wala akong nagawa kundi ang hatakin sya papalapit sa akin. Kaya ayun, sa akin naman nya tinuon ang bigat nya, kadahilanang parang naitulak nya ako, dahil dun sa akin sya napahiga bago bumagsak. "HUAAAHHH!!!" deretsyo naman 'tong yumakap at umiyak pa lalo. "Naku Miss!!! Salamat! Salamat!" pagsalubong sa akin nung nanay at kinuha yung bata. "Thank you, thank you!!!-----Oh, ang baby ko. Ayos lang yan. May masakit ba? Tahan na." rinig kong sabi nung nanay habang kinarga ang anak at lumingon ulit. "Pasyensya ka na Miss ha. Salamat ulit." Napatango na lang ako. Wala na akong nasabi dahil ang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. Ako yung lubos na kinabahan dahil akala ko hindi na ako aabot. Siguro talagang nabigla lang sya kaya ganun kalakas ang iyak nya. Buti na lang at may kaingayan 'tong restaurant na to, kung hindi baka isipin ng mga tao pinaiyak ko yung bata. "Ayos ka lang Jady?" tanong sa akin ni Molly. Halata sa mukha nya ang pag-aalala, dahil dun ngayon ko lang napansin ang posisyon ko. Nabigla siguro talaga ako sa nangyari. "Buti nasalo mo yung bata." puri sa akin ni Jerome. "Great catch." "Thank God talaga mabilis reflex mo, Jady." dagdag pa ni Stella na hanggang ngayon ay sinusulyapan pa yung bata. Tatayo na sana ako nang may kirot akong naramdaman sa mga tuhod ko, nagpanginig yun ng buong binti ko. Aray! Di ko man lang namalayang biglang luhod pala ako. "Okay ka lang?" nakita ata yun ni Molly kaya nagtanong ulit. Umiling na lang ako bago bumalik sa upuan ko nang di nagpapahalata. "Oh, ano nga ulit sinasabi ko?" tanong ko sa kanila para maibalik yung vibe. Di naman big deal sa kanila yung nangyari kaya parang na pick up na din kaagad nila ang gusto kong mangyari, at pinagpatuloy ang usapan kanina. "Grabe girl. Pang Q&A na sagutan yun ah." pangasar ni Rina. "Yes naman, passion and dreams." "Oh, eh di na pala kita hahanapan. Mukhang nakukuha mo naman ngayon yung mga gusto mo, diba?" lingon sa akin ni Geo. Teka, ano nga ulit sinasabi nito? "Ang alin?" kunot-noo kong tanong. "Yung to live alone. Lonely ka na naman Jady. Mukhang na achieve mo na!" pang dagdag pa ni Cheska. Eto talagang isang to. "Achieve na achieve mo pa nga eh!!" "Oi tumigil ka!!! Marami pa akong sasabihin. Nakita ko kasing sinasabayan nyo ako kanina kaya nawalan ako ng gana!" Totoo naman eh. Mga bastos to! Kung hindi lang talaga nangyari yung kanina, talagang sisitahin ko sila. Kinig na kinig ko kaya kanina yung mga pagbulong nila habang nagsasalita ako. Yung tipong parang ng ma-mock. "Pano kasi Girl, nakinig na namin dati yan." "Oo nga eh, mukhang memories na memories nyo na." nakakawalang gana talagang kausap 'tong mga to. "In fairness naman sayo, Jady. Bagay sayo ang may bata." out of no where na sabi ni Stella. Saglit tuloy kaming lahat nagsitigilan, pero pang ilang segundo lang dahil sabay-sabay din kaming umiling. Ay juiceko. Pag wala talagang masabi si Stella kung ano-ano ang naiisip. "Alam mo, baka ikaw pa ang unang ikasal sa atin. Alam mo ba, yung ganung situation can indicates na malapit na ang true love mo. Pagpapalain ka ni God dahil sa ginawa mo kanina." Hay naku, Stella talaga. "Tumigil ka nga! Kung gusto mo, mag-abang ka rin sa may wet floor sign at mag-intay ka ng may madulas, para naman masabi mo ring pagpapalain ka ni God sa love life mo." "Grabe, sya oh! Jade naman!!! Kung sa akin nangyari yun, I'll considered myself lucky kung nasalo ko yung bata! Meaning happy ang true love ko! It's a blessing." pagmamaktol pa nya. Di ko alam kung gusto ba nyang sya yung madulas o yung sumalo. Eh kasi siya na nga yung lucky nga daw sa lovelife, at ikakasal na nga, diba? Tapos kung ano-ano pang sinasabi. Stella talaga oh, basta lang talaga masita at may masabi lang sa pagiging single ko. Sus! True love is coming daw! Lol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD