Prologue

333 Words
Grabe, antok na antok na ko. Halos lahat ata ng energy ko nagdedrain na. Sana naman makatulog na ako. Kulang na kulang yung halos iglip ko kanina. Diba dapat ang tawag dun power nap? Bakit ganun di naman ako naka-charge kahit ilang percent man lang? Buti pa 'tong mga kasama ko humaharok na. Sila 'tong may sabing matitibay sa puyat, pero tignan nyo, mas nauna pa. Kung sabagay halos lahat ata ng tao dito sa canteen parang mga zombie na. Ginawa ba namang library at tulugan 'tong dapat kainan. Hay naku, mata bumagsak ka na. Konting-konti na lang makakamtan na kita tulo------ "Jade Ocampo." "Oh hi!!!" biglang bangon ko mula sa pagkakaubob na may pagsigaw pang kasama. Nabigla naman kasi ako sa tumawag sa akin. Ayan tuloy nawala yung antok ko! Bwisit! Pero nang lingunin ko naman to, isang hindi pamilyar na mukha ang nakita ko. Bumugad sa akin ang maliwanag na ngiti ng isang lalaki na tinalo pa ang toothpaste commercial sa sobrang pantay at puti ng ngipin. Maski ang mga mata nito ay ultimo parang kumikislap. Nagtataka tuloy ako sa kung ano bang meron sa mukha ko at ang saya-saya nyang nakatingin sa akin. Hiyang hiya naman ako sa mukha nya kung tatawanan nya ako. Bakit di ba uso sa kanya yung salitang "examination" ha!? Porque sobrang kinis at puti nya ay tatawanan na nya yung "puyat" ko. Aba! Grades ko kaya to! Hiyang hiya naman ako!!!!!! "Oh, may kailangan ka ba o kikimkimin mo yang tawa mo?" walang gana kong sita dito. Pano kasi mukhang tawang tawa na sya sa kaloob-looban nya, tinatago lang. Pero sa halip na tumawa ay kumunot bigla ang expresyon nya. Slow ata 'tong isang to. "Bakit? May kailangan ka ba?" muli kong tanong. "Ah, yes-----" At di ko inaasahang ang sumunod na mga salita ang gigising sa buong systema ko at manggugulo ng mga susunod na araw ko na susundan pa ng buong buhay ko. "You will be my girlfriend." Huh? Aba, adik to ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD