Shawn P.O.V
NAPAMURA ako sa hangin at nagngitngit ako sa galit habang tinanaw si Andrei at Ella Marie na papalayo. Gustong-gusto kong habulin sila at bigyan ng suntok si Andrei. Nakakabadtrip! Kanina ko pa sila sinunsundan at mula pa kanina kitang-kita kong masaya sila. And I hate my self dahil hindi ko nakita kay Ella ang ganong kasiyahan sa tuwing ako ang kasama niya. Pakiramdam ko wala akong pag-asa sa kanya kahit na nga akong boyfriend niya.
Sumakay ako ng kotse ko at pinaharurut ang sasakyan ko wala akong lugar na pupunta kung saan na lang ako dalhin. Gusto kong makalimot, gusto kong mapag-isa. Hanggang sa napadpad ako sa isang Bar malayo sa Quezon city. Kumuha ako ng Vip room at um-order ako ng alak. Gusto kong magpakalasing para mawala ang sakit na nararamdama ko. Ganito ba ang nangyayari kapag pinipilit ang isang bagay na gusto mo. Kapag pinipilit mo ang isang tao na mahalin ka. Sobrang sakit.
"A-Ano ba ang kulang sa'kin? Gwapo naman ako. Macho, matalino, mabait, famous. B-Bakit hindi mo ako kayang mahalin bakit sa iba ka tumitingin. Kausap ko boteng hawak ko. Pagkatapos tumawa ako mag-isa daig ko pa ang nahihibang dahil sa kalasingan.
"M-Mahal kita Ella..." sabi ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa upang kahit paano ay mapawi ang pagkahilo ko.
"Sir, kaya niyo po ba ang sarili niyo? Gusto niyo po tawagan ko ang pamilya niyo?" Tanong ng lalaking pakialamerong sumita sa'kin.
"I'm okay, leave me alone." Sagot ko habang nakasubsob ang mukha ko sa ibabaw ng table.
"Pero Sir-
"I've said leave me alone!" Sigaw ko sa kanya.
"Sorry!" Tumalilis palayo ang lalaki.
"B-Bakit ba palagi may hadlang sa kaligayahan ko." Sabi ko. Ilang saglit pa nakatulog na ako.
"Shawn... Shawn gising!"
Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko. Boses iyon ng isang babae. Agad kong inangat ang mukha ko at mula sa malabong vision ko nakita ko ang mukha ni Ella.
"E-Ella!" tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit. "Sexy girlfriend, akala ko hindi mo na ako hahanapin." Sabi ko habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
Pilit siyang kumakawala sa'kin. "You're crazy! I'm not Ella." Sagot niya.
Tinitigan ko pa siyang maigi. Hindi ako nagkakamali siya si Ella ang mahal ko. I cupped her face and deeply kissed her lips while my eyes closed. Nakahimas pa ang isang kamay ko sa braso niya at ang isang kamay ko ay nakahawak sa balakang niya.
"Ohh!" Sambit ko nang maramdaman ko ang pagtugon niya sa'kin. "Sexy girlfriend... I love you." Bulong ko pa sa kanya.
"Y-Yes, I'm Ella, your girlfriend. I love you so much sweetheart." Sagot pa niya sa'kin at hinalik-halikan pa niya ako.
Tumango ako at sumunod sa kanya. Hindi ko na kasi kayang maglakad ng diretso dahil sa kalasingan ko. Mabuti na lang talaga at dumating si Ella ang mahal ko.
"Get in, sweetheart." May pagmamadali sa tono ng boses niya nang pasakayin niya ako sa kotse.
Gusto ko sanang tanungin kung bakit Sweetheart na ang tawag niya sa'kin. At kailan pa siya pinayagan ng parents niyang magdrive na mag-isa. But, all my questions is remain a questions. Dahil paglapat pa lang ng katawan ko sa headboard ng kotse niya. Siniil niya ako ng halik at ang kamay niya ang kusang naglakbay sa katawan ko. I'll never felt like this before. Hindi siya ganito kapusong sa'kin. Maybe because alam niyang may kasalanan siya sa'kin at bumabawi siya sa pamamagitan nito.
"Ella..." anas ko sa pangalan niya habang tumutugon ako sa halik at yakap niya.
Itinapat niya ang bibig niya sa tenga ko at nag-iwan ng init nang dilaan niya ang ibaba ng tenga ko. Pagkatapos she whisper. "I want you sweetheart. Let's go some private place that we can enjoy our sexy time together." Malambing niyang sagot sa'kin.
"I want you too. I love you very much." Sagot ko pa.
"Good, just sleep and relax you can touch my legs or kiss while im driving." Pilya niyang sabi.
Kahit na nga isang malaking katanungan sa'kin ang nangyayari kay Ella. Hindi ko na iyon pinansin ang mahalaga ay kasana ko siya. Sumubsob ako sa hita niya habang nagdadrive siya. Habang nagdadrive siya sinasadya niyang ibuka ang legs niya. She trying to seduce me. Pero kaya ko pa namang maghintay kahit na nga sinasabi niyang touch it and lick it. Hindi ko ginawa bagkus ay bumangon ako at isinandal ko ang ulo ko sa dashboard at pinikit ko ang mga mata ko. Mamaya ko na lang siya papaligayahin kapag nakarating na kami sa private place na sinasabi niya.
ELLA'S P.O.V
"Thank you sa time Ella, happy friendsary." Sabi ni Andrei sa'kin matapos niya akong ihatid sa bahay.
Pilit ang naging ngiti ko sa kanya. "Thank you rin." Sagot ko.
Tinitigan niya ako. "Nagi-guilty ka ba dahil sa ako ang pinili mong makasama ngayon at hindi ang boyfriend mo?"
Tumango ako at pagkatapos yumuko. Hindi ko kasi kayang salubungin ang tingin niya sa'kin.
Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, mukhang may love quarel pa yata kayo ng boyfriend mo. But, don't worry kung maghihiwalay kayo nandito naman ako for you."
Tiningala ko siya. "Andrei!"
"For you as bestfriend." Pilit siyang ngumiti sa'kin.
Nararamdaman kong iba ang gusto niyang ipahiwatig sa'kin pero mas mabuti na iyong gano'n na lang ang narinig ko mula sa kanya para magagawa ko pa siyang harapin sa susunod na araw. "Thank you, Bestfriend." Sagot ko.
"Okay! Baka ma-traffic ako sa daan. So, I have to go, see you tomorrow." Sabi niya sa'kin.
"Goodbye and thank you." Tipid kong sagot.
Kumunot-noo ko nang hindi pa siya kumikilos para umalis nanatiling nakatitig siya sa'kin.
"May dumi ba ako sa mukha? Bakit hindi ka pa umaalis?"
Kakamot-kamot siya sa batok. "Wala bang goodbye kiss diyan?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "ANDREI!"
"Friend kiss lang naman. Wag kang mag-assume na sa lips." Sagot niya.
"Aba't ako pa talaga ang assumera!" Inis kong sabi.
"Joke lang, goodbye kiss lang walang malisya ito." Sabi pa niya.
"Sige na nga!" Lumapit ako sa kanya at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
"Grabe ka Ella nilagyan mo pa ako ng laway." Biro niya nang hawakan niya ang hinalikan ko.
Pinaghahampas ko siya. "Ang kapal mo talaga!"
Tumawa siya ng malakas habang papalayo. "Bye!" Sabi niya, pagkatapos sumakay na siya ng kotse niya. Kumaway siya sa'kin bago umalis.
Nang hindi ko na siya matanaw agad kong tinawagan si Shawn. Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa nangyari nagi-guilty ako kanina. Alam kong may karapatan siyang magalit sa'kin dahil siya ang boyfriend ko pero hindi ko inisip iyon.
"Please! Sagutin mo ang tawag ko Shawn." Halos paulit-ulit kong sabi sa sarili ko dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko.
"Hayss! Galit na galit siya sa'kin ayaw niyang sagutin ang tawag ko." Hinanap ko sa contacts ko ang cellphone number ng mga kaibigan niya. Una kong tinawagan si John Patrick.
"Bakit napatawag ang Miss universe ng buhay ni Shawn?" birong sabi sa'kin ni John Patrick.
"Alam mo ba kung nasaan si Shawn?" diretsang tanong ko.
"Si Shawn ba? Kapag ganitong oras nasa bahay na siya at nagluluto ng dinner nila bakit mo naitanong?"
"A-Ah wala naman, may gusto kasi akong itanong sa kanya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko."
"Gano'n ba? May number ako ni Ate Jhoace. Gusto mo ba hingiin?"
"Pwede ba?"
"Ofcourse, basta ikaw miss universe." Sabay tawa niya sa kabilang linya.
"Salamat!"
Pagkatapos ng tawag namin ibinigay na niya ang cellphone number ni Ate Jhoace. Huminga pa ako ng malalim bago ko pindutin ang call. Kinakabahan kasi ako baka tarayan ako ng kapatid niya. Noong nakita ko pa naman siya umurong ang buntot ko dahil sa aura pa lang niya sobrang nakakatakot na.
"Please! Be good to me." Dasal ko pa.
Mayamaya narinig kong sinagot ni Ate Jhoace ang tawag ko. Bigla akong kinabahan pakiramdam ko umurong ang dila ko.
"Hello," sabi ni ate Jhoace.
"H-Hello, A-Ahmm... ate Jhaoce si Ella Marie po ito." Nauutal kong sagot.
"Who's Ella Marie?" halata sa boses niya ang pagtataray.
"Ella Marie Weiford. G-Girlfriend ni Shawn."
"Oh, I see... bakit ka napatawag? Any problem?"
Muli akong bumuntong-hininga. "Gusto ko lang pong itanong kung nakauwi na si Shawn, hindi po kasi niya sinasagot ang tawag ko."
"Wala pa siya hindi pa siya umuuwi ngayon hindi niya sinasagot ang tawag namin."
"Ganoon po ba? Salamat."
"Hahanapin namin siya tapos tatawagan kita."
"Maraming salamat po."
"Wag kang mag-alala sa kanya okay lang iyon." Sabi pa niya.
"Salamat po Ate Jhoace. Bye!"
"Bye!"
Pinutol ko ang tawag pagkatapos pumasok ako sa loob ng bahay wala pa sila Mommy at Daddy kaya dumiretso ako ng kwarto ko. Pagkatapos kong magpalit ng damit humiga na ako sa kama. Paulit-ulit kong tinatawagan siya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.
"I'm sorry, Shawn. Please! Sagutin mo ang tawag ko." Sabi ko habang nakatitig ako sa numero ng cellphone niya.
Wala na rin akong natanggap na tawag or text mula kay ate Jhoace, nahiya na rin akong tumawag or i-text siya. Baka kasi magsumbong si Shawn at awayin ako ni ate Jhoace.
"Lord sana ayos lang si Shawn. Sana okay ka lang mahal ko."
#SinoAngKasamaNiShawn?
#TheWho.