ELLA MARIE'S P.O.V.
ALAM mo ang 'yung pakiramdam na habang nanonood ka ng movie sa sinehan. Bumibilis ang t***k ng puso mo, hindi dahil sa epekto ng movie na pinapanood mo. Kung hindi sa gwapong katabi mo.
Ganito ang nararamdaman ko ngayon, dobleng kuryente ang nararamdaman ko sa tuwing magdidikit ang balat namin ni Shawn, daig ko pa ang aatakihin ng sakit sa puso dahil sa bilis ng t***k ng puso. Naririnig kong tumatawa ang mga kasama ko sa pinapanood namin, kaya para lang hindi mag mukhang others. Tumatawa ako ng pilit. Alam mo yun, labas lang ang gilagid ko pero nakadikit lang ang ibaba at taas ng ngipin ko. This very awkward.
"Sexy Girldfriend, nilalamig ka ba?" tanong sa'kin ni Shawn.
"Medyo," tipid kong sagot sa kanya. Habang nakatingin ako sa pinapanood ko na hindi ko naman maintindihan dahil sa presensiya ni Shawn.
Naramdaman kong hinubad niya ang suot niyang jacket at inabot sa'kin.
"Suotin mo para hindi ka lamigin." Nakangiti niyang sabi sa'kin.
"Salamat,"
"Alam mo Girlfriend, bigla kong naisip ang four wishes kong request sa'yo."
Nagtama ang mga mata namin nang tumingin ako sa kanya. Mabilis akong umiwas. "Hindi ko na itutuloy ang pagpasa ng story ko. Para hindi maging complicated ang lahat para sa'kin."
Tumawa siya nang malakas kaya naman nabaling ang tingin sa'min ng mga kasama namin. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapanuring mga mata ni Loren at Annaliza. I rolled my eyes.
"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya.
"Naipasa ko na kasi ang binigay mo sa'kin sa Dean niyo kahapon."
"What! Bakit mo ginawa iyon?!"
"Hindi ko kasi alam na ayaw mo, isa pa, gwapo naman at matcho ako boyfriend ko. Ayaw mo ba iyon?
"Conceited!" pabulong-bulong ko.
"Ayos lang gwapo naman, mas panget naman kung conceited ako tapos ang panget ko. Hmm..." pinagalaw pa niya ang kilay niya.
"Tse!" sabay irap ko at muli kong tinuon ang pansin ko sa panonood.
Muli naman akong hindi nakafocus sa pinapanood ko nang hawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko sana siya ng masama pero nakafocus siya sa movie na pinapanood namin kaya naman hinila ko ang kamay ko pero pinigilan niya.
"Bitawan mo ang kamay ko!" reklamo ko sa kanya.
"No way!" hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Wala ka bang mapagtripan?"
Lumingon siya sa'kin at tumingin. "Alam mo ba may naisip na akong second wishes ko."
"Bakit? Tinanong ko ba kung ano ang second wishes mo? Hindi ako interesado." Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Ang second wishes ko sa'yo ay magtransfer ka sa Saint Paul International Academy at hindi ka lalayo sa tabi ko. That's my second wishes." Sanay kindat niya.
"Aba't pakindat-kindat pa ito akala mo kikiligin ako sa ginagawa niya."
"In your dreams!" sabay irap ko sa kanya.
"Ganyan ang gusto kong Babae. Pa-hard to get. Don't worry, matutupad ang wishes ko sa ayaw at gusto mo sexy, yummy, Beautiful girlfriend." Sinadya pa niyang ibulong sa'kin ang compliment niya para sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin ng palihim. Siyempre naman nakakakilig naman talaga ang sinabi niya, kaya naman mas lalo akong walang naintindihan sa pinapanood namin hanggang matapos ang movie.
INABOT kami ng alas siyete ng gabi sa panood at paglalaro. Pagod na pagod ang buo kong katawan. Kaya naman hindi na ako nagreklamo nang ihatid ako ni Shawn.
"Sexy girlfriend." Tawag niya sa pangalan ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko si Shawn na nakatitig sa'kin. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin.
"Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo." Sabi niya.
Tuminin ako sa labas at nakita ko nga ang gate namin. Inalis ko ang seatbelt ko. "Thank you sa paghatid Shawn." Sabi ko nang hindi ako lumingon sa kanya.
"Wait!" pinigilan niya ang braso ko.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"You almost forgot, my Sexy Girlfriend."
Kumunot-noo ako. "Anong nakalimutan ko?" tanong ko sa kanya.
Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo pagkatapos ngumiti siya sa'kin. "Here!"
Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi. My cheeks heat up na akala mo sasabog na ako. Yung kabog ng dibdib ayan naman.
"Good night, see you tomorrow." Ngumiti pa siya sa'kin.
"G-Good night," napilitan kong sagot sa kanya. Pagkatapos nagmadali akong lumabas ng kotse at nagtatakbo papasok ng malaking gate namin. Hindi ko na hinintay na umalis si Shawn. Sinarado ko ang gate. Sa likod ng gate doon ako sumandal at nagtago. Hinintay kong makaalis si Shawn.
"I love you, Sexy, yummy girlfriend." Sigaw ni Shawn. Pagkatapos narinig ko ang tunog ng kotse niya na papalayo. Hinawakan ko ang labi na hinalikan niya. Tapos namalayan ko na lang na nakangiti ako habang iniisip ko ang mga ngiti niya.
"Good night Shawn..." bulong ko sa hangin.
KINABUKASAN:
"ELLA,"
Mahinang tawag sa'kin ni Andrei habang nagle-lecture ang professor namin. Mabilis akong lumingon sa kanya.
"B-Bakit?" Gulat na gulat pa ako sa tawag niya. Muntik na akong tumayo.
Magkatabi kaming dalawa ni Andrei sa upuan. Ngunit mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa'kin.
"Anong iniisip mo?"
"W-Wala naman!" pa-iling-iling pa ako sa kanya.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako naririnig. May problema ka ba?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Bumuntong-hininga ako tapos malungkot akong tumingin sa kanya. "Ang totoo, may problema nga ako."
"Tell me, ano ba iyon?"
Nakipagtitigan ako sa kanya. "Nahihirapan na akong maging maganda. Hindi ko naman ito ginusto pero binigay sa'kin ng Diyos."
"Hayss! Malalang sa'kit nga 'yan. Walang gamot diyan."
"Ang alin? Ang pagiging maganda ko?"
"Hindi ang pagiging mayabang mo."
Inirapan ko siya. "Ayaw mo'ng suportahan ang bestfriend mo."
"Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo. Ano ba kasi ang problema mo? Si Shawn Skyler Santiago ba?"
Natahimik ako. Hindi pa rin pala ako makakalusot kay Andrei. Kilalang-kilala talaga niya ako.
"Hindi siya, yung kahapon nangyari wag mong isipin iyon. Ang totoo medyo nahihirapan lang ako sa mga subjects ko. Alam mo naman marami akong activities ngayon." Alibi ko.
Umiwas ako nang titigan niya ako. "Akala ko yung boyfriend mo ang problema mo. Anyway, you need help?"
"Hindi ko siya Boyfriend! Wag kang maniwala sa sinabi niya kahapon." Sagot ko.
Bumuntong-hininga siya. "Okay, basta kung kailangan mo ng tulong ko nandito lang ako." Pinisil pa niya ang pisngi ko.
"Ouch!" Sabay irap ko sa kanya.
Mas magandang iyon na lang ang isipin niya ayokong malaman niyang may malaki akong problema ngayon. Napahawak tuloy ako sa labi ko nang bigla kong maalala ang ginawang pagnanakaw ng halik ni Shawn Skyler. Grabe siya ilang beses niya akong ninakawan ng halik. Naramdaman kong umiinit ang tenga ko dahil sa iniisip ko. Mabuti na lang at hindi ako napansin ng professor namin na hindi ako nakikinig sa kanya.
"Miss Weibford!"
Huminto ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang professor namin. Papunta na sana ako sa cafeteria upang kumain ng lunch.
"B-Bakit po Ma'am Lapuz?"
"Pinapatawag ka ng Dean."
"Po? Bakit?" Bigla akong napaisip sa dahilan ng Dean.
"Hindi ko alam Miss Weibford. Puntahan mo na lang."
"Sige po, Ma'am thank you."
Imbis tuloy na dumiretso ako sa cafeteria. Mas inuna ko munang puntahan ang Dean. Pagpasok ko pa lang sa loob napansin ko na ang Dean namin.
"Good afternoon." Bungad kong bati sa Dean namin.
"Nandito na pala si Miss Weibford."
Lumapit ako sa Dean namin. "Ma'am, pinapatawag niyo raw po ako?"
Tumingin sa'kin ang fourty five years old naming Dean na si Mrs Keagai. Inayos pa niya ang makapal niyang salamin habang tinitingnan ako.
"Miss Weibford, pinatawag kita dahil may naghahanap sa'yo."
Kumunot-noo ako. "Sino po?"
"Isang special na tao at hindi ko talaga na inaasahan na pupunta siya sa ating paaralan." Sa lapad ng pagkakangiti ng Dean namin kumpirmadong special na tao nga ang naghahanap sa'kin. Ngunit sino?
"Ang Miss universe po ang dumalaw sa'kin?" Hula ko lang naman iyon lang naman kasi ang hindi ko inaasahan isa pa related kasi iyon sa mga contest na sinasalihan ko. At nakadaupang palad ko na ang Miss universe ng taong ito.
"Hindi siya Miss Weibford."
"Ang presidente po ba ng pilipinas?" Siyempre hula ko lang din naman.
"Hindi siya kung hindi si—
"Ako!"
Namilog ang mga mata ko at nagtayuan ang balahibo ko nang makilala ko ang boses na iyon. Hindi ako maaring magkamali. Ang boses na iyon. Hindi ko nagawang lumingon para kasing bigla akong himatayin.
"No! Hindi ito totoo! God, hindi totoo ang narinig ko." sa isip-isip ko.
"Nandito na pala si Mr Shawn Skyler Santiago."
Narinig ko ang yabag ng paa niya na papalapit sa'min. Hindi pa rin ako tumingin sa kanya.
"Mrs Kaegai, pwede niyo ba kaming iwan sandali ni Miss Weibford may importante lang po kaming pag-uusapan."
"Sure, Mr Shawn Skyler Santiago."
Pagkatapos lumabas ang Dean namin. Ang bwiset umupo siya sa umupuan ng Dean naman. Kampanteng-kampante pa siya dahil nakataas pa ang dalawang paa niya sa table. Parang akala mo sarili niyang office. Nakatingin siya sa'kin.
"So, Miss Sexy, hindi mo ba yayakapin O hahalikan ang sobrang Gwapo at hot mong boyfriend?" Nakangisi pa siya sa'kin habang nakatitig siya sa'kin.
Oh,di ba hindi lang siya makapal ang mukha sobrang yabang pa. Tumaas ang kilay kong tumingin sa kanya. Nawala ang kilig kong nararamdaman kanina dahil sa kayabangan niya.
"Magkano bili mo sa kayabangan mo? Mukhang naka-unlimited ka."
Ibinaba niya ang paa niya at tumayo siya at lumapit sa'kin. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Sapat na presyo para tapatan ang ka-gandahan at ka-seksihan mo, Girlfriend ko."
Umiwas ako sa kanya pagkatapos tumayo ako upang lumayo sa kanya.
"B-Bakit ka ba nandito?" Pigil na pigil ang sarili kong wag kiligin sa kanya. Baka kasi masyadong yumabang.
"Dinadalaw ko kita. Masama bang dalawin ang girlfriend ko. Hmm..." sabay kindat niya sa'kin.
"Konting-konti na lang talaga hindi ko na mapigilan ang kilig ko."
"Wala akong panahon makipaglokohan sa'yo kung wala kang ibang sasabihin. Mabuti pang umalis na ako." Nakatatlong hakbang na ako nang lampasan ko siya nang bigla siyang nagsalita.
"Sabi sa'kin ng Dean niyo. Na-approved na raw ang story mo dahil sa'kin at sa mga kaibigan ko. So, that means kailan mong magpanggap na girlfriend ko."
Huminto ako at humarap sa kanya. Nanggigil akong lumapit sa kanya. Kinuwelyuhan ko siya. "Hindi ko na iyon pinasa! Paano napasa iyon? Ikaw ba ang nagpasa?!" Nanggigil kong sabi.
Sa halip na mainis siya sa'kin. Tumingin siya sa'kin at kumindat. Kainis! Galit na galit na ako siya kampante lang. "Pinasa mo ba?!" Pasigaw ko sa kanya.
"Wow! Ang sarap mo talagang maging girlfriend, matapang palaban. Gusto ko sa babaing palaban."
Napansin kong pinagmasdan niya ako at huminto ang mga mata niya sa dibdib ko. May pagkamanyak talaga itong hudas na ito. Binitawan ko tuloy siya at lumayo ako ng bahagya sa kanya.
"Diretsahin mo nga ako!" Nanggigil kong sigaw sa kanya.
"Nandito ako para ipaalam kang lilipat ka na sa School namin. Sinusundo na kita."
"What! Do you think papayag ako? No way!"
Tumawa siya sa'kin pagkatapos kinuha ang envelop na nasa ibabaw ng table ng Dean. Kung alam ko lang sa kanya iyon. Binuksan ko na sana kanina pa. Inabot niya sa'kin.
"No! Hindi ito totoo!" Mangiyak-ngiyak ako sa inis. Bakit nagawa ni Mommy na ilipat ako sa Saint Paul International Academy na hindi ko alam.
"Starting tomorrow SPIA student ka na." Ang lapad pa ng pagkakangiti niya. Aliw na aliw siya habang nakatingin sa'kin.
"Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito!"
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. Parang ang galit ko sa kanya ay biglang na magic at napalitan ng kaba. Hinawakan lang naman niya ang balikat ko habang pinapatay niya ang mga mata ko sa ngiti niyang labas ang cute niyang dimples. Nabasa ko sa magazine ng mga Santiago sa inilabas noon ng Sy Magazine at nakita ko roon ang mga kapatid niya. Masasabi kong si Shawn Skyler ang gwapo sa tatlong lalaking anak ni Allyson at Frits Santiago. Para kasing hinihila ako ng mga ngiti niya.
"Don't worry, akong bahala sa'yo sa SPIA. Walang pwedeng manakit sa'yo. Miss Sexy." Hinalikan pa niya ako sa buhok ko.
"Ayoko pa rin!"
Bumuntong-hininga siya sa'kin. "Wag mo akong galitin Miss Sexy, dahil kapag nagalit ako sa'yo. Patayin kita." seryoso pa ang mukha niyang nakatingin sa'kin.
Nakaramdam ako ng takot. Kung papatayin niya ako dito sa loob ng Office ni Dean walang makakaalam. Mukhang kumain silang lahat lunch.
"P-Patayin mo ako?" Nauutal kong sagot.
"Yap, papatayin kita sa sarap ng mga halik ko. Gusto mo bang mamatay sa sarap Miss Sexy?" Dahan-dahan pang gumapang ang daliri niya sa pisngi ko.
Marahan ko siyang tinulak. Pulang-pula na ang mukha ko. Bigla akong hindi makahinga. Ganito pala ang pakiramdam ng na-trap sa kilig.
"K-Kakausapin ko muna ang magulang ko sa ginawa nilang paglipat sa'kin sa school niyo. Makaalis ka na."
"Ayoko nga." Tipid niyang sabi sa'kin. Nakapamulsa pa siya.
Kampanteng-kampante talaga siya sa ginagawa niya. Parang lahat ng sinasabi niya ay may kasiguraduhan na papayag ako. s**t! Bakit ba kasi ako lumapit sa kanya. Isang malaking pagkakamali talaga ito.
Nilamukos ko ang mukha ko sa asar sa kanya. "Ano pa ba ang gusto mo?!"
"Date with me, Miss Sexy."
"Date your Ass!"
"Date with me Or lalabas ako sa office ng dean na ito at sasabihin ko sa buong school na boyfriend mo ako dahil may usapan tayo." Ngumisi pa siya.
"Black mail ba ito?" Nakasimangot pa ako sa kanya.
"Hindi, pinapalasap ko lang sa'yo kung gaano ka-sweet ang boyfriend mo. Pero kung ayaw mo. Madali naman akong kausap. Miss Sexy."
Naglakad siya palabas ng Office. Kaya naman nagmadali akong sumunod sa kanya at hinila ko siya pabalik.
"Stop! Papayag na ako sa'yo!" Inis na inis kong sabi.
Nakangiti siyang tumingin sa'kin. Tapos nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang kilig na nararamdaman ko.
"Ibaba mo ako!" Utos ko sa kanya.
"Halikan mo muna ako ibaba kita." Kumindat ulit siya sa'kin.
"Ang kapal ng mukha mo!"
"Ang sweet mo pala kapag nagagalit. Gusto ko 'yan, palaban."
Umiwas ako ng tingin, bakit sa tuwing sinasabi niyang palaban ako. Iba ang iniisip ko. Nakakainis!
Sa likod kami dumaan upang hindi kami makita ng mga estudyante. Ayoko rin namang makita kami ni Shawn na magkasama lalo na sa ganitong itsura naming karga-karga niya ako. Siguradong pagpi-fiestahan ako ng mga estudyante ng Weibford kapag nangyari iyon.
NAKAILANG BESES na akong tanong nang tanong sa kanya kung saan kami magdi-date halos na daanan namin ang mga fastfood chain at Restaurant. Hanggang sa pumasok kami sa loob ng isang subsivision. Pagpasok mo pa lang sa subdivision. Masasabi mong lugar ng mayayamang tao ang subdivision na ito. Naglalakihang bahay at Mansyon kasi ang madadaanan mo. Hanggang sa pumasok kami sa isang malaking mansyon na may pinagdiriwang okasyon. Magkahawak kamay kaming naglalakad papalapit sa mga kumpulan na mga tao.
"Kaninong Birthday Party ito?" Halos pabulong kong sabi kay Shawn.
"Birthday ng pamangkin kong si Raven. Ito ang Mansyon namin.
Bigla akong nahiya. Kahit naman kasi birthday ng bata ang party, pormal pa rin ang suot ng mga bisitang matatanda. Hindi katulad kong nakasuot ng uniform ng Weibford. At ang Awkward dahil nasa lungga ako ng may-ari ng SPIA.
"Kuya Clarence Miguel, Happy Birthdy kay Raven. Nasa loob ng kwarto ang gift ko sa kanya.
Gusto kong magtitili sa kilig. Ito pala ang itsura ng Gangster ng SPIA. Naririnig ko na sila noong First year high school pa ako. My Gosh! Ang gwapo niya. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti.
"Thank you, sino pala 'yang kasama mo?"
"Siya ang girlfriend ko kuya. Si Ella."
Napawi ang ngiti ko, balak ko pa namang magpa-cute. Biglang sasabihin niyang girlfriend niya ako. Nakakainis!
"Hello, Ella, mabuti naman at nakarating ka rito? Kumain ka muna." Sabi ni Clarence Migiuel.
"Pwede ba ka ba?"
"Hinila po ako ni Shawn dito." Tipid kong sagot.
Tumawa si Clarence Miguel. "Hinila mo pala ang girlfriend mo Shawn." biro pa ni Clarence Miguel.
"My gosh! Ang pogi niya."
Inakbayan ako ni Shawn. "Wag kang masyadong obvious. Mas gwapo naman ako kay kuya C.M. isa pa, nakikita mo ba ang buntis na iyon?" Turo niya sa babaing magandang buntis na nakikipag-usap sa isang maganda rin na babae. "Siya si ate Jhoace. Kung gusto mo'ng makalabas ng buhay dito. Wag kang magpapahuling pinagmamasdan si Kuya Clarence Miguel."
Yumuko na lang tuloy ako. Sino ba ang hindi makakakilalala sa Queen of upgrade Maldita ng SPIA. Maraming mga Student ang lumipat ng school namin noon dahil sa kanya.
"Kuya Clarence Miguel, puntahan lang namin sila si kuya."
Hinawakan ako sa braso ni Shawn. Asar! basag trip talaga itong panget na ito. Hindi pa ako tapos mag-imagine.
"Sure," sagot ni Clarence Miguel.
Let's go!"
Lumapit kami sa lalaking nakatalikod sa'min may kausap siya sa phone.
"Kuya John Ace!" Tawag ni Shawn.
Namilog ang mga mata ko ng humarap sa'min si John Ace. Walang dudang King Of Casanova ang bansag sa kanya. Para siyang Greek God sa mythology. I can't imagine na may nabubuhay pang nilalang na ganito. Napadako ang tingin ko sa hot body niyang katawan. Napakapit ako sa may palda ko baka lumuwag ang garter. Ang lakas ng alindog niya para akong hinihila niya.
"Yes, Shawn?" Sagot niya.
"Si Ate Heira?"
Biglang napawi ang ngiti ko. Basag trip talaga itong si Shawn. Nakakainis!
"Kasama ang kambal naming anak. Bakit?"
Nakangisi si Shawn sa'kin habang nakatingin. Parang sinasabi niyang. Wag kang mag fan girl kasi may asawa na ang kapatid niya.
"Ipapakilala ko kasi sa kanya ang girlfriend ko."
"Wala na talaga akong pag-asa."
Namula ako nang tumingin sa'kin si John Ace at ngumiti.
"Hindi mo sinabing may Girlfriend ka na?"
"Ngayon ko lang siya sinagot Kuya."
Matalim na titig ang ginawa ko kay Shawn. "Wow, ha! Ako pa talaga ang nanligaw. Ang kapal ng apog nito." sa isip-isip ko. Pinagdadasal kong mamatay siya sa mga titig ko.
"Maganda pa naman siya. Wag mong lolokohin."
Mabuti na lang at pinagtanggol ako ng ideal man ko.
"Thank you po," pabebe kong sabi.
"Sige, Kuya." Hinila ako ni Shawn.
"Bakit mo sinabing ika ang sumagot sa'kin? Kapal ng mukha mo!"
"Totoo naman, sino ba ang nag-abang sa school para mapapayag ako, di ba ikaw?"
"Pero hindi naman iyon ang gusto ko."
"Pero iyon ang kasunduan natin. Alam mo naman na iyon ang unang wish ko sa hiniling kong four wishes."
Sumimangot ako. Oo nga pala may four wishes siyang hinihiling.
"Fine!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko tanda ng pagsuko.
Pumunta kami sa malapit sa pool ang ibang mga bisita ay nakakatuwaan ng naliligo sa pool. Binigyan ako ng pagkain ni Shawn. Pagkatapos iniwan niya ako habang kumakain ako. Nagulat ako nang biglang maghubad ng uniform si Shawn at magtanggal ng pantalon. Parang slow motion ang mga mata kong pinagmasdan ang katawan niya.
"Perfect! Iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Hindi ko naisip na may magandang hubog na katawan si Shawn. Ang hot, hot niya dahil sa abs niya. OMG! wala pa akong nakitang ganito ka-hot and sexy. Palagi naman akong nakakakita ng mga hubad na katawan at abs dahil sa mga contest na sinasalihan ko. Pero ang katulad ng kay Shawn. Makalaglag panty. Dahil sa pagiging abala ng diwa ko. Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa'kin. Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na siya.
"Mas hot ako di ba sa kanilang dalawa. Miss sexy?" Kumindat pa siya.
Biglang iwas ko ng tingin sa kanya. "Ewan ko." sabi ko pa.
Lumapit siya sa'kin at niyakap niya ako. Napasigaw ako dahil basa siya.
"Mababasa ako! Bitawan ko ako."
"Sabihin mo munang hot ang sexy ako sa paningin mo."
"Oo na! Sexy at hot ka na!"
Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at muli akong tiningnan. "Ako lang ang titingnan mo. Dahil lahat sila may asawa na. Ako ang boyfriend mo."
"Hu? Masama bang magka-crush?"
"Oo masama dahil kapag nagkagusto ka pa sa iba. Ibig sabihin hindi ako sapat para sa'yo. Dahil nagawa mo pang pansinin ang iba." Seryosong sabi niya.
"Seryos ko sa sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.
"Yes,"
"Sige, sayo lang ako titingin pero ngayong araw lang."
"Good," tapos tumayo siya, akala ko babalik siya sa pool. Nagkamali pala ako dahil pagbalik niya may dala-dala siyang pagkain at inilagay sa plato ko."
"Tikman mo ang niluto ko." sabi pa niya.
"Tinikman ko naman ang beef steak na nilagay niya sa plato ko. Habang nilalasan ko ang pagkain nakatingin siya sa'kin at hinihintay sa sagot ko.
"Masarap siya as in sobrang sarap."
"So, sapat na ba ako para sa'yo?"
"Kung palagi mo akong dadalhan ng pagkain. Baka matuwa na akong nasa SPIA ako."
"Iyon lang ba, araw-araw pa miss sexy." Sabay kindat sa'kin.
Ito ba ang date na sinasabi niya? Kung sabagay masaya rin naman kahit ganito. Dahil masaya naman kasama ang mga kaibigan at pamilya ni Shawn. Hindi sila nagpakita sa'kin ng pagiging masama kahit na nga magkakumpitensiya ang school namin.
Hindi naman ako hinayaan ni Shawn na mahiya. Siya ang gumawa ng paraan para hindi ako ma-out of place.