ELLA'S P.O.V. "Ella, alam mo na ba ang latest new ngayon?" Tanong sa'kin ni Loren habang kumakain kami ng Lunch. Kaming dalawa lang ngayon ang magkasamang kumain dahil si Hairu at Annaliza nag solo namang kumain. Mula nang maging magkarelasyon ang dalawa palagi na lang silang magkasama. Kung hindi nga lang may sakit si John Patrick ngayon siguradong ako naman mag-isa ang kumakain dito sa canteen. Hindi na rin kasi masyadong sumama sa'kin si Andrei dahil umiiwas siyang pag-usapan kami ng mga estudyante rito. Mula kasi nang umalis si Shawn. Hindi na siya pinag-uusapan dito sa school. Maging si Eden ay wala na rin kaming balita. Lahat ng tao sa school na ito ay nakalimot na maliban lang sa akin na hanggang ngayon umaasang magkikita kami ni Shawn at makakausap ko uli siya. Tumingin ako kay L