ELLA'S P.O.V "Good evening Daddy!" nagmano pa ako kay Daddy bago ako pumasok sa loob ng bahay. Pagbaba ko kasi sa kotse ni Shawn nakaabang na si Daddy sa pintuan. Tiningnan ako ni Daddy. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang dumating alas diyes na ng gabi." "Kasama ko po si Shawn, um-attend kami sa kasal ng Lola at Lolo niya." "Simula ngayon Ella, hinding-hindi ka na magpapakita kay Shawn." Seryoso pa ang mukha niyang sabi. Humarap ako sa kanya habang nakakunot-noo. "Bakit niyo ako pinagbabawalan na makita si Shawn?boyfriend ko naman siya." "Basta! Wag ka ng magpapakita sa kanya makipag break ka na sa kanya maliwanag." "Hindi ko susundin ang gusto niyo." Matapang kong sagot kay Daddy. Sinalubong ko pa ang matatalim niyang tingin sa'kin. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Dadd