Chapter 14 NAPABALIKWAS ako ng bangon ng marinig ko ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko. Napansin kong tunog nang tunog ang alarm clock ko sa bed side table. Napasabunot ako sa ulo ko hindi ko kasi alam kung ano uunahin kaya sa inis ko. Dinampot ko ang alarm clock ko at hinagis ko sa dingding ng kwarto ko. Pagkatapos bumangon ako upang pagbuksan ang pesteng nanggising sa'kin. Ang sarap kaya ng panaginip ko tapos naputol lang. "Bakit ba kayo nanggigising!" Halos bulyawan ko na ang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Ella!" "Mommy?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang si Mommy pala ang nasa harap ko ngayon. Kitang-kita ko ang galit na galit na mukha ni Mommy. Lumalaki na ang butas ng ilong niya at siguradong magbubuga naman siya ng apoy. "Anong oras na?" tanong ni Mommy