7 Months Later
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Pitong buwan na ang nakakalipas simula ng umalis si Rania. Malungkot ang buong mansion sa pagkawala ng kanilang prinsesa ngunit mas tripleng sakit ang nararamdaman ni Samson.
Hindi niya matanggap na tuluyan na siyang iniwan ni Rania.
Natatanong nalang niya ang sarili kung may kulang pa ba sa lahat ng ginagawa niya?
Nag-aalala na siya kung nasaan ang dalaga sa mga oras na ito.
Pitong buwan na niya itong hinahanap ngunit hanggang ngayon bigo pa rin siya. Hindi niya pa rin ito nahahanap.
Kumuha na siya ng napakagaling na imbestigador ngunit wala rin lang silbi. Gumastos na siya ng malaki para lang mahanap si Rania ngunit wala talaga.
Kahit nga mga tambay pinagtanungan niya na sa sobrang despirado niyang maiuwing muli si Rania.
Pero wala. Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Lalo na at galit ito sa kaniya.
Naglagay na naman siya ng alak sa basong hawak.
Ganito nalang palagi ang routine ni Samson araw-araw. Opisina kapag umaga. Umiinom naman mag-isa kapag gabi.
Palagi din siyang nagkukulong sa kwarto ng dalaga. Sa loob ng pitong buwan hindi niya pinaayos o pinalinis man lang ang silid ng dalaga.
Ayaw niyang mawala ang amoy nito na umiikot sa mismong kwarto.
Iyon nalang kasi ang nagbibigay comfort sa kaniya. Ang amoy nalang ng dalaga ang natira sa kwartong iyon. Naiibsan ang kalungkutan niya kahit papaano pero iba pa rin iyong nasa harapan niya ang dalaga. Nakikita at nakakausap.
Tinungga ni Samson ang alak na nasa baso at inilapag iyon.
Napayuko si Samson sa kaniyang tuhod.
Hindi niya namalayan na unti-unti na namang tumutulo ang mga luha niya.
Nahihirapan na siya. Hindi na niya kaya ang sakit at pangungulila na nararamdaman.
Mababaliw na siya kapag hindi niya pa rin nahanap si Rania.
She was his source of strength that keeps him going everyday. Ngunit ng umalis ito ay parang gumunaw ang mundo ni Samson. Hindi na siya makatrabaho ng maayos at palagi nalang niyang napapagalitan ang mga empleyado niya.
Gusto na niyang makita at mahagkan ang dalaga ngunit saan niya ito hahanapin?
Naangat ni Samson ang ulo ng pumasok sa loob ng kwarto si Evans.
"What do you want Evans?" Malamig na tanong ni Samson sa lalaki. Galit siya rito dahil hinayaan nitong makaalis si Rania.
"We found her master." Masayang saad ni guard Evans sa kaniya.
Biglang nabuhayan si Samson at agad na napatayo.
"What are you waiting for? Ready the car! We're leaving now." Utos ni Samson. Nagkumahog naman sa pag-alis ang lalaki sa utos niyang iyon.
Inayos naman ni Samson ang sarili.
"You're going home sweetheart. And this time I won't let you escape." Bulong ni Samson sa sarili habang nagbibihis at inayos ang sarili.
He cannot wait to see Rania once again.
RANIA'S POINT OF VIEW
"Rania dalhin mo ang order nato doon sa table 3. Dalian mo!" Utos sa akin ng head.
"O-Opo." Utal kong pagpayag at kinuha ang tray tapos ay dinala iyon sa table 3.
Naaasiwa man ay hindi ko magawang umangal. Pitong buwan na ang lumipas simula ng makalaya ako sa puder ni Samson ngunit mas nakulong naman ako sa mala-impyernong lugar na ito.
Gustuhin ko mang magsisi sa pagkatakas ko ay huli na para doon.
May narinig akong sumipol ng mapadaan ako sa isang lamesa. Hindi ko nalang pinansin iyon at inihatid ang order ng nasa table 3.
Inilapag ko ang mga inorder ng apat na lalaki. Nang matapos ay akma na akong aalis ng pigilan ako nung isa.
"Teka muna miss. Mamaya kana umalis. Samahan mo muna kami rito. Pasasayahin ka namin." Manyak na saad ng lalaki.
Mahina along nagpumiglas mula sa hawak ng lalaki at magalang na tumanggi.
"Pasensya na po kayo mga sir. Hindi po ako pwedeng umentertain sa inyo. Waitress lang po ang trabaho. Mauuna na po ako." Magalang kong saad at tatalikuran na sana sila ng mahigpit akong hinawakan ng isa pa sa braso.
"Huwag kanang pakipot miss. Hindi ka magsisisi sa amin. Papaligayahin ka namin." Malokong saad nito.
Gusto ko ng umiyak sa mga oras na ito. Gabi-gabi nalang bang ganito ang mangyayari?
You want to know why I ended up in here after I escaped from the Mansion? Well here it goes.
Flashback..
May narinig akong ingay sa ibaba kaya lumabas ako ng kwarto para tingnan kung ano iyon.
"Anong meron?" Tanong ko sa isa sa mga katiwala ng bahay.
"Nanggugulo na naman po kasi ang tiyahin niyo lady Rania. Pinipilit pong pumasok para kausapin kayo." Sagot nito sa akin.
Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ko pwedeng makausap ang mga relatives ko.
Kaya akma akong lalapit sa may gulo ng pigilan ako ng isang katulong.
"Hindi ka po pwedeng lumabas doon lady Rania. Bilin po sa amin ni master iyon." Napairap nalang ako sa sinabi ng katulong. Ano pa nga ba?
Umakyat nalang akong muli sa aking kwarto at doon nagmuni-muni.
Abala pa rin sa kaguluhan ang lahat sa ibaba. When an idea pops up my mind.
Busy silang lahat so maybe I can escape without them noticing me.
I smiled mischievously and think a plan.
I'm sure walang mga maid ngayon sa kusina. There's a way out there.
So agad akong tumayo sa aking kama at lumabas ng kwarto. Walang tao sa hallway maging sa sala.
Kaya nagpunta ako ng kusina. Napatago ako sa isang malaking life size vase ng may dalawang guard ang lumabas mula sa kusina.
Nang makatiang wala na sila ay maagap akong pumunta sa kusina at lumabas. Nasa likod na bahagi na ako ng mansyon. Kailangan ko nalang makapunta sa garden para makalabas sa secret door na pinalagay ko noong bata pa ako para tuluyan na talaga akong makalabas.
Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang at nagtuloy-tuloy sa pagpunta sa garden.
Nang makarating ako ay agad kong kinapa ang bulsa ko para kunin ang susi ng aking secret door at doon ay lumabas.
Nang tuluyan na akong nakalabas ay tumakbo ako ng tumakbo.
Sa kakatakbo ko ay hindi ko na namalayan ang isang sasakyan na muntik na akong masagasaan.
Napaupo sa sementong daan. Lumabas ang may-ari ng sasakyan at nilapitan ako.
"Ayos ka lang ba hija?" Tanong nito sa akin. Mabilis akong umiling.
"Tulungan niyo po ako auntie. May humahabol po sa akin." Nagkunwari akong natatakot.
"Halika hija. Sumakay ka sa kotse ko. Tutulungan kita." Ani nito kaya ginawa ko ang sinabi niya.
Akala ko makakaligtas na ako at magiging malaya. Akala ko mabait siyang tao. Ngunit nagkamali pala ako. Ang kalayaan na inaasam ko ay nawala dahil nakulong na naman akong muli.
Akala ko tutulungan ako ng ale. Gayon pala ikukulong din niya ako.
How I hate my life
End of Flashback
Natigil ang apat na lalaki pati na rin ako ng may nagsalita.
"Let go of her. Or else I'll throw you out this club limping." Malamig na sasd ng isang lalaki.
Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki.
"Sino ka naman? Huwag kang mangialam rito pre. Maghanap ka ng iba. Kami ang nauna sa bebot na ito." Maangas na saad nang isang lalaki sa table 3.
May narinig kaming pagkasa ng baril dahilan para bumitaw sa akin ang lalaking kanina ay hinawakan ako sa braso.
"Sige pre. Sayo na si bebot." Tapos ay tinulak at pinaubaya na ako ng mga ito sa lalaking may baril.
Natatakot naman akong lumapit doon sa lalaki.
"Let's get you out of here." Tapos ay marahan niya akong hinila palabas ng club na iyon.
Nakita at narinig ko pa ang pagtutol ng ni aleng Melba ang may-ari ng club. Ngunit wala na siyang nagawa pa ng lingunin siya ng lalaking humihila sa akin at tiningnan siya ng masama.
Nang makalabas na kami sa mismong club ay nagpasalamat ako sa kaniya. Nasa sasakyan na niya kami.
"Thank you for taking me out from that place." Magalang kong saad.
"I won't accept thank you darling. You need to pay for that." Nakakaloko ang ngisi niya. Napalunok ako at nakaramdam na naman ng takot. Pinilit kong buksan ang pinto sa gilid ko ngunit umandar na ang sasakyan.
Ano ang gagawin niya sa akin?
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Kumunot ang noo ni Samson ng tumigil sila sa harap ng isang club.
Kumuyom ang kamay niya ng mapagtantong nandoon si Rania sa loob.
Rage ripped through his being as he think what she might be doing inside.
May bumugaw ba sa dalaga? He will kill the person if ever.
Hindi na nag-aksaya pa si Samason ng oras. Lumabas siya ng kotse at pumasok sa loob ng club. Nakasunod sa kaniya ang mga body guards niya.
Natigilan ang mga tao sa loob ng club ng makita siya at ang mga body guards niya na may dalang mga baril.
May lumapit sa kaniyang may edad na babae.
"Ano pong kailangan nila?" Tanong nito sa kaniya.
"I'm looking for this lady. Where is she?" Malamig at mapanganib niyang tanong.
"Nako sir. Wala na siya. May nag take home na sa kaniyang ibang lalaki. Pili nalang po kayo ng iba sir." Ani nito at automatiko naman na humilera ang mga babaeng protitute sa harap ni Samson.
Nasakal ni Samson ang ginang dahil sa galit na nararamdaman. Narinig naman niya ang pagsinghap ng mga tao sa ginawa
"Sinong lalaki?" Fury is visible in his eyes as he asked her.
"H-Hindi k-ko kilala." Utal at nahihirapang saad ng ginang. Binitawan ni Samson ang ginang at masamang tingin ang ipinukol niya rito.
"If something bad happen to mu Rania I will kill you." Ani ni Samson at lumabas na ng club.
Frustration gets over him again. Balik na naman siya sa simula.
Hahanapin na naman niya si Rania. And this time she might be really in danger.
Kailangan niyang magmadali at hanapin si Rania pati na rin ang lalaking kumuha sa kaniya.
And when he finds that man he will kill him.